CHAPTER 2

13 0 0
                                    

   
                     CHAPTER 2


ZHIANNA AMORE MILESTONE POV ;

" Z, wake-up! " Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Marriane.

Nandito si Jessica, Josh at Marriane. Halata sa mukha nila ang pag-alala saakin pero bakit?

" Ghadd, good thing You're awake! " Mabilis nya akong niyakap na ikinatanga ko.

Ano ba talagang nangyari?

Napakamot ako sa aking sarili at isa-isa silang sinuri, pero ang tanging makita ko lang sa kanilang mga mukha ay pag-aalala saakin.

" Nasan ako? " Tanong ko sa kanila ng hindi ko naman ito kwarto, tanging puti ang paligid.

Waitt.....

" Hospital ba 'to? "   Tanong ko na ikinalaglag ng kanilang mga panga.

" Wala kang naalala? " Seryosong tanong ni Marriane saakin, tumango lang ako sa kanya.

Ang alin ngang wala akong maaalala?

At anong nangyari saakin?

At bakit ako nandito sa Hospital?

" Zhianna, dalawang araw  kang tulog. "  Diretsong sambit saakin ni Jessica.

Ano!?

Dalawang araw akong tulog?

" Hindi ko kayo maiintindahan, anong dalawang araw akong tulog? " Pagtataka kong tanong.

" Listen, hindi ba't matagal ka umuwi nung isang araw? Kinabukasan sinundo ka namin sa Apartment mo pero wala ka roon. Nagpunta kami sa Police station ng hindi ka naman mahanap tapos mga hapon biglang may tumawag saamin. Ang sabi nasa Hospital ka raw, so the question is, Anong nangyari sa'yo nung gabing yun at bigla ka na lang nawala at malalaman naming nasa Hospital ka? "  Pagpapaliwanag at tanong saakin ni Josh.

Anong nangyari saakin nung gabing yun?

Hindi ko alam!

" Ang naaalala ko lang is nag lakad lakad ako tapos yun na, hindi ko na alam ang susunod na nangyari "  Sagot ko.

" Sigurado ka? "  Tanong ni Jessica..

"Yeah, sigurado ako. Wala akong maalala eh, hindi ko nga alam kong bakit nasa Hospital ako at bakit dalawang araw akong tulog " sabi ko pa.


" Ano, wala bang masakit sa'yo? " Pag-aalang tanong ni Josh saakin.

" Wala naman " tanging sabi ko at dahan-dahang bumangon.

Ano nga ba talagang nangyari saakin?  At bakit wala akong maalala sa mga susunod na nangyari saakin nung pauwi na ako?

Ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan pero wala akong makuhang sagot.
Hindi ko masagotan ang sarili kong tanong.

Kung gayon, sinong nagdala saakin dito sa Hospital?

___________________

Kinapa ko ang Cellphone ko sa aking Table nang may tumawag, kinuskos ko pa ang aking mata nang sagutin ko ang tawag.

"  Goodmorning Z! " Nalayo ko agad ang phone sa aking taenga dahil sa boses ng babaeng tong makakasira sa aking eardrums.

" Papasok ka ngayon sa trabaho? " Rinig kong tanong saakin ni Jessica sa cellphone.

" Oo, ang boreng dito sa boarding house eh " inaantok kong sagot.

" Ah sge, ingat ka ha. Sabay tayong mag lunch mamaya " sambit nya, hindi na ako sumagot at pinatayan siya ng tawag.

THE  UNKNOWN  MYSTERIOUS GUY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon