CHAPTER 29:

7.9K 302 20
                                    



"CK!" tawag ni Juvy sa lalaking nakasumbrero na nakatayo sa may likuran ng delivery man.

"Sino nagpadeliver ng mga iyan dito?" tanong uli ni CK sa delivery man sabay turo sa mga appliances.... na nagulat din ng mapagsino nito kung sino ang kanyang kaharap.

"SIR!?" gulat na tawag nito dito.

"Sino?"

"Eh...... Sir." tanging nasabi nito sabay kamot ng ulo ng lalaki dahil kilala nito kung sino ang kanyang kaharap.

"Don't worry hindi ko sasabihin sa kanya.... na sinabi mo sa akin ang tungkol sa mga ito." pagpapakalma ni CK sa lalaki..... "Do I know HIM or her?" dagdag pang sagot ni CK dito at...

"P-Pero sir..."

"Don't worry akong bahala sa iyo." wika pa nito ng...

"Si.... Sir Zaidrick Carl De Luna po sir, ma'm." sagot nito kay CK at  sabay tingin narin kila Juvy at Aling Linda na nabigla sa narinig mula sa deliveryman..

"Ha!?" sabay na reaction ng mag-ina..... "B-Bakit niya kami bibigyan ng mga iyan?" tanong naman ni Aling Linda sa dito pagkarinig ng sagot ng huli.

"Ewan ko po ma'm... basta po.... t-tumawag nalang po si Sir Zaidrick sa company po namin at pinadeliver po ang mga ito sa inyo."

"Pero...."

"Nay, kakausapin ko nalang po siya... tungkol dito." singit naman ni Juvy sa usapan nila at sabay tingin kay CK na nakatingin lang sa mga bagong appliances at....

"No! Ako nalang ang kakausap sa kanya!" awat naman ni CK kay Juvy.

"Pero... CK?"

"Just leave it to me Juvy.... ako na ang kakausap kay ZC and beside kailangan ko rin siyang makausap." pilit parin nito dito.

"S-Sige." tanging sagot nito dito.... "At a-anong gagawin namin sa mga ito?" tanong pa nito dito.

"Ipasok nyo nalang ang mga iyan sa loob." utos ni CK sa mga delivery man ng....

"Iho, sandali." pigil ni Aling Linda kay CK..... "H-hindi namin matatanggap ang mga ito (sabay turo ni Aling Linda sa mga appliances) masyadong mahal ang mga ito, at hindi naman namin kailangan ni Juvy ang mga ito at.... at wala namang dahilan na... na bigyan kami ni.... ni..."

"Tita.... pansamantala lang po...... hanggat hindi ko pa po nakakausap si De Luna." sagot nito kay Aling Linda sabay tingin kay Juvy at..... "Is this the way he....  he courting you?" sa isip nito habang nakatingin kay Juvy.

"S-Sige." alanganing sagot naman ni Aling Linda dito at..... "Pakilagay nalang dito sa loob." wika nalang ni Aling Linda sa mga delivery man sabay turo sa isang sulok ng bahay nila.

Samantala habang nasa labas naman sila Juvy at CK ay......

"Ano nga palang kailangan mo at..... at andito ka ngayon?" tanong ni Juvy kay CK.

"Ganyan ka na ba magtanong sa..... sa KAIBIGAN mo.... porket may.... may BIGTIME ka ng manliligaw?" balik tanong nito dito.

"Bigtime.... Manliligaw ka diyan?"

"Bakit totoo naman ah!" giit pa nito dito..... "Kung hindi..... bakit kayo bibilhan o bibigyan ni De Luna ng mga gamit na hindi naman ninyo hiningi sa kanya?" balik tanong pa nito dito.

"CK... hindi ba pwedeng naaawa lang sa amin dahil nakita nito kung anong klaseng pamumuhay mayroon kami ni inay." sagot naman ni Juvy na siyang kinatingin ng binata sa kanya at.....

"You mean..... You mean, nakapunta na si De Luna dito sa bahay ninyo!?"

"O-Oo.... Kaninang umaga."

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon