CHAPTER 22

7.5K 242 18
                                    





"De Luna!?" ulit ni RE sa sagot ni Juvy sabay tingin sa hawak nitong larawan na kinuha nito mula sa loob ng envelope na bigay ni Juvy sa kanya.

"Is this your Mother.... Juvy?" tanong agad ni RE dito ng makita ang larawang iniabot ni Juvy sa kanya.

"Oo... RE... Bakit?" nag-aalalang tanong ni juvy kay RE.

"Nothing... Nothing!!!" tanging sagot ni RE kay Juvy at sinilid ng muli ang larawang hawak nito sa enevelope at sabay tingin kay Juvy..... "Parang pamilyar itong mukhang ito sa akin." sa isip ni RE habang ang isip nito ay nasa larawang kasisilid lang nito sa envelope.

"RE, saka sabi ni Nanay sa akin kagabi..... kuya ko daw iyang karga-karga niya dyan sa larawan.... kaya lang..... kaya lang....."

"Kaya lang ano?"

"Inilayo daw ng lolo ko ang kuya ko sa nanay, kaya..... kaya naihiwalay si kuya sa amin." dagdag pa ni Juvy kay RE.

At dahil sa mga sinabi ni Juvy kay RE ay mas lalong lumakas ang kutob nito ng unang makita nito ang larawan ng nanay ni Juvy at sa batang lalaking karga-karga nito.......

"I doubt it..... its a same person." sa isip ni RE habang patuloy parin ang pagbibigay ni Juvy ng impormasyon sa kanya hanggang sa matapos na itong magsalita na alam na alam ni RE kung ano na ang totoo sa kanila ng kaibigan.

"RE, hope matulungan mo ako para mahanap ang kuya ko.... para narin ito sa nanay ko." pagsusumamo ni Juvy dito...... "Sa.... sa bayad..... pag-iipunan ko naman para.... para kapag nahanap mo na ang kuya ko mababayaran din kita." dagdag pa ni Juvy dito.

"Juvy.... don't worry sa bayad.... andyan naman ni De Silva para magbayad para sayo." saad ni RE kay Juvy na kinamula ng mukha ng huli at...

"No.... a-ako ang magbabayad nito." sagot agad ni Juvy dito... "Basta pangako mo sa akin RE na mahahanap mo ang kuya ko." hiling pa ni Juvy dito na kinangiti ni RE dito.

"Ok.... tutulungan kita at titiyakin ko na mahahanap ko agad ang kuya mo.... at sa bayad....... sige, ikaw ang magbabayad kapag nahanap na namin ang kuya mo." saad pa ni RE kay Juvy na may ngiti sa mga labi nito dahil sa isip nito ay tiyak na magugulat ito kapag nalaman nito kung sino talaga siya..... "Pero Juvy.... paano ang tatay mo? Hindi mo ba siya hahanapin?" tanong pa ni RE kay Juvy na kinatigil naman ni Juvy.

"S-Siguro.... hindi na.... at saka kapag nahanap mo naman na si kuya tiyak na malalaman mo narin kung nasaan ang ama ko kaya... kaya tama ng si kuya ang ipahanap ko." tanging sagot ni Juvy dito na bumakas ang lungkot sa mata nito na hindi nakaligtas sa paningin ni RE.

"Why?"

"Mahabang kwento RE.... basta ang naiintindihan ko lang sa sinabi ni nanay sa akin kagabi ay..... hindi ako kinilala ng ama ko bilang anak nito at sinabi niya sa nanay ko sa sulat nito na anak ako ni nanay sa ibang lalaki." mapait na pahayag ni Juvy kay RE na siya namang kinailing ng huli.

"Ok... kung ayaw mong hanapin ang tatay mo.... igagalang ko ang pasya mo Juvy... pero sana.... sana kapag nahanap mo ng pareho ang ama at kuya mo ay magkaayos na kayo at mabuo na uli ang pamilya ninyo." pahayag naman ni RE kay Juvy sabay ngiti ni Juvy dito.

"Salamat RE,.... hindi nga nagkamali si CK ng dalhin niya ako dito sa opisina mo." wika naman ni Juvy dito.

"Wala iyon Juvy..... hanggat kaya kitang tulungan.... tutulungan kita dahil.... dahil mahalaga ka kay De Silva." sagot naman ni RE dito na kinayuko naman ng ulo ng dalaga.

"Hindi naman.... magkaibigan lang talaga kami ni CK, RE." pagtatama naman ni Juvy sa sinabi ni RE.

"Magkaibigan?"

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon