CHAPTER 18

8.3K 233 7
                                    





"Linda!" tawag ng isang babaeng papalapit sa kinaroroonan ni Aling Linda bago man ito tuluyang bumagsak sa semento.

"Josephine." tawag naman ni Aling Linda sa babaeng nakasalo sa kanya.

"Anong nangyayari sa iyo? Bakit bigla kang nanghina diyan at kung hindi pa kita nasalo... malamang sa simento ang bagsak mo at....... at sino yong babaeng kausap mo kanina?" mga tanong ni Josephine Jornadal kay Aling Linda.

"W-Wala... wala Josephine... hindi ko siya kilala."

"Anong wala... kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kasama ang tingin sa iyo ng babaeng iyon... tapos sasabihin mo sa akin ngayon na wala." kunot noong tanong ni Josephine Jornadal kay Aling Linda.

JOSEPHINE JORNADAL kaibigan ni Aling Linda simula pagkabata pa at ito rin ang Punong Guro ng Makati Catholic School kung saan nagtratrabaho si Juvy.

"Nasagi ko... ko kasi siya kaya... kaya siya nagalit sa akin." pagsisinungaling ni Aling Linda dito.

"Nasagi mo lang nagalit na agad!!!!?" gulat na tanong ni Mrs. Josephine kay Aling Linda.

"P-Parang ganun na nga Jo." saad naman ni Aling Linda na kinailing nalang ni Mrs. Josephine Jornadal.

"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon..... wala ng galang sa mga mas nakakatanda sa kanila.... at huwag na huwag nilang ipagmamalaki ang kanilang istado sa buhay dahil hindi ito sapat na dahilan para hindi nila tayo igalang." saad naman ni Mrs. Josephine na kinangiti na ni Aling Linda.

"Hayaan mo na iyon Jo.... hindi naman na siguro ito mauulit." saad naman ni Aling Linda kay Mrs. Josephine na siya ng kinatango ng huli at.....

"Ano ba ang bibilhin mo't andito ka parin sa mall ng ganitong oras?" baling pang tanong ni Mrs. Josephine kay Aling Linda.

"Bibili sana ako ng damit na... na para sa anak ko."

"Ah... speaking of iyang anak mong si Juvy na inaanak ko.... hindi siya pumasok kanina sa trabaho niya." pagbibigay-alam ni Mrs. Josephine kay Aling Linda na kinatingin naman ng huli sa kaibigan.... "May problema ba iyon?" dagdag pang tanong ni Mrs. Josephine kay Aling Linda.

"Hindi siya pumasok!?"

"Oo.... hindi naman sinabi kung anong dahilan nito.... at sa iba ko pa nalaman na hindi siya papasok ngayong araw na ito." dagdag pa ni Mrs. Josephine kay Aling Linda.... "May problema ba kayong dalawa?" alanganing tanong nito kay Aling Linda habang inaakay ito paupo sa isang upuan na nasa loob ng mall.

"Salamat Jo." pasalamat ni Aling Linda sa kaibigan ng makaupo na sila sa isang upuan..... "Jo, anong gagawin ko ngayon?" pauna ni Aling Linda dito.

"Bakit?"

"Ang anak ko Jo..... si Juvy nagtatanong na.... nagtatanong na tungkol sa ama nito." pahayag ni Aling Linda kay Mrs. Josephine na kinatingin ng huli kay Aling Linda.

"Ha!.... A-Anong sinabi mo sa kanya? Sinabi mo na ba ang totoo sa kanya?" mga tanong nito kay Aling Linda.

"Hindi pa Jo.... Hindi pa." sagot ni Aling Linda sabay iling dito.... "Hindi ko pa kaya."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo noon pa man Linda..... dapat kasi sinabi mo na sa kanya ang totoo noon pa.... para hindi na kayo humantong sa ganito.... at alam ko at alam mo na matalino ang anak mo at alam mo rin na darating ang araw na ito." saad ni Mrs. Josephine kay Aling Linda.... "At saka ilang taon na si Juvy, Linda..... 26 years old na siya kaya.... kaya may karapatan ng itong malaman kung sino ang ama nito at sana..... at sana hayaan mo naman itong makamtan nito ang ginhawa na para sa kanya na nararapat lang na maranasan nito at sa iyo narin."

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon