Lintek namang buhay 'to. Kung minamalas ka naman talaga lagi. usal ko at kaagad na pinagpag ang jeans at sapatos kung puro putik dahil sa may dumaang sasakyan.
Isa pa ang lintek na driver ng sasakyang 'yon, hindi naman sa kanya ang daan pero kung makapagmaneho ay grabe!
Paano ako makakapag-apply ng trabaho kung ganito ang itsura ko? Usal ko pa ulit sa Sarili ko na patuloy sa paglinis ng sapatos ko
Napaismid nalang ako dahil kakalaba kulang ng sapatos kung ito ay kaagad ng naputikan.
Simula kase ng magkasakit at namatay ang Lola ko ay todo kayod na ako para sa sarili ko. Mabuti nalang talaga ay may sarili parin akong natitirhan dahil iyon ang tanging binilin saakin ng Lola ko.
Nasa ikatatlong taon na ako kolehiyo ngayon kaya mas nagsisipag talaga akong mairaos ang pansariling gastusin ko, kaya Todo hanap ako ng pwedeng part-time job or kahit anong pwedeng trabaho tuwing vacant ko. Mabuti nalang talaga at maayos ang schedule ko at halfday lang ang pasok kaya mas makakahanap buhay ako neto tuwing walang pasok sa hapon.
Ito ang unang subok ko na maghanap ng trabaho tapos ito pa ang nangyare, Wala akong nagawa kundi pumihit pabalik sa tinitirhan ko at para makapagbihis ng maayos. Hindi ako pwedeng mag-apply na gano'n ang itsura ko napakadumi.
Bwesit kasing sasakyan 'yon! Malaman kulang talaga kung sino ang may ari noon ay sasakalin ko talaga ng Todo. Panira ng araw!
"O bakit ganyan ang mukha mo?" Pagtatakang tanong ni Miggy na kababata ko
"Hay Nako! Pano ay maaga akong nabwesit tignan mo nga. Bagong laba lang itong sapatos ko kaagad pang naputikan. Lintek kasi ang sasakyan na dumaan kala mo kung sino. " Pagmamaktol ko pa
Tumawa naman ng bahagya ang mukong.
" Ain't funny duh! Ikaw kaya ang madumihan ang bagong labang sapatos!" Inirapan ko pa ito tsaka naglakad
"Panong hindi matatawa e 'yong mukha mo parang ninakawan ng sampung milyon, ay ops wala pala tayo n'on." Pagbibiro pa neto
"O Atleast meron akong isang daan, e Ikaw?" Sambit ko pa
" Gwapong mukha meron!" Confident pa netong sambit
"Maghunos dili kanga d'yan, kilabutan ka sa sinasabi mo." Usal ko pa. pero totoo naman gwapo talaga ang mukong na ito
"Anong makakain sainyo Ai? Kagabi pako walang kain e" pagrereklamo pa neto at hinimas-himas ang kanyang tiyan
Natawa naman ako bahagya, ganyan s'ya sa tuwing hindi nakakauwi sa kanilang bahay pano ay laging nag aaway ang kanyang mga magulang at kapag nangyari iyon ay dito na talaga tumatambay ang mukong
"May tirang sardinas tsaka tuyo pa naman, pero kung gusto mo magluto kanang itlog meron naman sa kusina" sambit ko at kaagad tinanggal ang mga sapatos ko
"Okay naako dito, paborito ko naman ito e" ngiting sambit n'ya
Hindi gaanong malaki ang bahay na naiwan saakin ni lola pero may dalawang kwarto naman ito, kaya minsan kapag walang matuluyan itong mukong na ito ay do'n s'ya natutulog sa kabilang kwarto, kung tutuusin ay halos dito na talaga tumira ang mukong na ito kahit noong nandito pa ang lola ko.
"Kumain kana d'yan, lalabhan kulang ulit itong sapatos ko" usal ko at kaagad na pumunta sa banyo
Tumango naman ito.
Kaagad naman akong natapos at nasampay ko narin ang sapatos ko
Nadatnan ko nalang na natutulog sa isang upuan si miggy habang pilit na pinagkasya ang kanyang sarili. Napasinghap naman ako dahil sa posisyon n'ya
YOU ARE READING
Love Unbound You.
RomanceLumaki si Aira na walang kinilalang mga magulang, ang tanging nagging katuwang n'ya lamang sa buhay ay ang kanyang lola. nagging maayos ang kanyang buhay sa piling ng kanyang Lola ngunit nagbago ang lahat ng magkasakit ang kanyang lola at binawian n...