kabanata 2

3 1 1
                                    

"Hindi kaba sasama sa party mamaya Aira?" Tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho

" Hindi e, mas importante ang anak ko kesa sa mga ganyang bagay. Walang kasama sa bahay 'yon" sambit ko pa at niligpit ang mga gamit ko

" Sayang baka doon mo makita ang the one mo, Lalo na nag iisa kalang para palakihin ang anak mo" usal neto

" Hay nako Gem, alam mong wala akong panahon para d'yan, ang importante lang saakin ay ang anak ko." Sagot ko dito

"Ano kaba Aira ang bata mo pa, Malay natin baka may mahanap kang the one ano, piliin mo rin magging masaya Minsan"

" Masaya ako, masaya ako sa piling ng anak ko. "

" Iba pa rin iyong may katuwang ka sa buhay, mahirap magpalaki ng anak mag isa" tumitig pa ito saakin

Totoo naman minsan mahirap talaga magpalaki mag-isa ng anak pero natatakot akong magbukas ulit ng pintuan para sa ibang lalaki. Sapat na si Gelo para saakin.

" O s'ya, mauuna naako, Balita ko rin kasi na nakauwi na ang anak netong may ari ng building at baka dumalo sa party" paalam n'ya

Tumango tango ako naman tsaka muling niligpit ang mga iilang kalat na papel sa table ko.

Kaagad rin akong nag off para umuwi sa bahay, baka nag aantay na iyong anak ko

Lumabas ako ng building, pero may pamilyar akong natanaw. Pumasok ito sa sasakyan n'ya

Napahinto naman ako, Bigla akong kinabahan at kaagad napahawak sa dibdib ko.

Impossible! Iling-iling ko namang sambit dahil baka namamalikmata lang ako

Patay na s'ya, pano s'ya mabubuhay. Usal ko pa

Nadatnan ko namang natutulog sa sofa si Gelo. Nakikita ko na naman sa kanya ang kanyang ama, ganitong ganito ang position n'on tuwing nakakatulog sa upuan namin dati.

"Nakauwi ka na pala Aira" usal ni aling Kerry

S'ya ang nagging Taga bantay ni Gelo simula ng dalawang taon palang ang anak ko. Pahirapan kasi kapag nagtratrabaho ako ay walang magbabantay sa kanya

"Opo, pasyensya na po nalate naako ng uwi madaming ginawa sa opisina e, Kumain naba kayo?" Sambit ko

Tumango namn ito.

Kaagad ko namang binuhat si Gelo at nilipat sa kwarto.

"Neng, uuwi Muna ako saamin may sakit kasi 'yong Asawa ko, walang magbabantay sa kanya" pagpapaalam neto

As usual ay hindi talaga natutulog dito si aking Kerry, nasa kabilang Bahay lang din sila nakatira. Dalawa nalang sila ng kanyang asawa

Tumango tango namn ako tsaka kumuha ng pwedeng maipadala sa kanya.

" Salamat neng" ngiting sambit neto

" Wala ho 'yon, salamat din po" yumakap ako dito hinatid ko pa s'ya sa harapan ng bahay Bago pumasok sa kwarto

Mahimbing parin ang tulog ang angel ko. Humalik ako sa noo neto, Bago nangbihis at gumawa ng mga tatapusin

Habang tinatapos ang iilang gawain, ay nasagi ulit sa isip ko yong lalaking nakita ko kanina. Napaka impossible naman talaga kasi

Panong magiging si miggy 'yon? Eh matagal na s'yang wala.

Nag inat-inat pako bago tuluyang pumasok sa Kwarto namin ni Gelo.

"Goodnight my angel" bulong ko dito bago humalik sa kanyang pisngi at noo.

Maaga akong nagising dahil sa kalabog sa kusina

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Unbound You. Where stories live. Discover now