002

1 0 0
                                    

Sa mga ganitong panahon talaga, hindi maaasahan ang gutom ko. Lumabas kasi kami ni Margaret ng campus dahil pareho kaming gutom. Siya, aligaga kasi iniisip yung naiwan niyang eyelashes habang ako naman, iniisip ang gutom. Kaninang umaga pa kasi ako walang kain at saktong lunch na rin naman kaya nag-aya si Margaret na lumabas kami.

Nakabili nga kami ng pagkain ko kaso pagpasok namin sa gate, sinabihan kami ng guard na nasa loob daw yung kuya ni Margaret at hinahanap siya kasi may ihahatid sa kaniya. Kaya heto kami ngayon, dumaan sa publication office para tingnan kung nandoon ba sila. Iniwan ko na rin doon yung pagkain ko dahil babalik pa rin naman kami doon. At ngayon, hinahanap namin yung kuya at pinsan niya. 

“Try mo kaya kabisaduhin yung advocacy mo habang naglalakad tayo ngayon? Para lang masanay sarili mo na binabanggit yung mga salita,” sabi ko sa kanya. 

At nagsimula na siyang mag-orasyon este sinimulan na niyang kabisaduhin yung laman ng advocacy na sinulat ko para sa kanya. Actually, mas sanay akong mahaba ang word count ko sa kahit alinmang sinusulat ko. Ang lawak kasi ng imagination ko, pwede nang pang-film. How I wish. . .

“Marga, nandiyan yung kuya mo,” bungad sa amin ni Caila, yung friend namin sa kabilang section. Nakasalubong namin siya sa hallway papuntang building ng education.

“Nasaan?”

“Nasa room niyo may kasama, e.”

“Ay talaga? Thank you, Cai!” aniya sabay hinila na ako. Buti na lang at tennis shoes yung suot ko hindi ako madadapa dahil nagmadali kaming maglakad papunta sa education building.

May mga nagu-good luck na kay Margaret na mga kaklase namin at tanging ngiti lang naibibigay niya. Ramdam ko na mas lalo siyang napi-pressure pero nung nakaharap na niya yung pinsan niya, which is Princess pala ang pangalan, parang all goods na siya. 

“Nasaan si Kuya?” tanong ni Margaret nung binigay sa kanya yung eyelashes. “Thank you, La! Kinabahan ako kanina kasi nakalimutan ko talaga. Kulang pa nga yung accessories ko, hinahanap ko pa si Jamaica, sabi niya kasi pahihiramin niya ako.”

“Nandun oh.” Tinuro ni Princess yung pwesto ng kinauupuan ng kuya nila. Dahil malabo ang mata ko’t wala akong salamin, ang tanging nakita ko lang ay yung lalaking nakaupo sa monobloc na puti. Nakatambay siya sa mini-canteen na nakapwesto sa gilid ng building namin. Inupahan ‘yong pwesto na ‘yon para hindi na raw kami mahirapan pumunta sa canteen. “Kanina ko pa nga tinatawag ‘yan kaso ayaw pumunta dito, nahihiya raw.”

Napakamot si Margaret, hindi ko alam kung naiinis or natatawa ba siya sa kuya niya pero sinubukan niyang tawagin. “Bro, dali na rito!”

Pero hindi lumingon yung kuya nila. Baka hindi narinig. Nang tingnan ko yung orasan, 12:00 PM na pala. Kailangan pang make-upan ni Margaret dahil 01:00 PM magsisimula yung pageant niya.

“Marga, sa publication office na tayo, magpi-prepare ka pa,” sabi ko sa kanya.

“Margaret!” sigaw ng mga kaibigan namin na lumabas ng classroom. “Andito si Kuya mo kanina, hinahanap ka!” sabi pa nila tapos umikot yung mata para hanapin siguro yung kuya niya. 

“Oo, andun nagmumukmok. Babalik muna kami sa pub, magpi-prepare pa ‘ko, e,” inform niya sa kanila.

“Okay, Marga! Best of luck, ha! Magpapakapaos talaga kami para sayo!” wika ni Jane, isa sa mga best friend din ni Margaret.

Teary-eyed naman yung katabi ko na nagpa ngiti na lang sa akin. Very soft hearted talaga siya. Kailangan niya rin ‘tong moral support na ‘to para mas lalong lumakas yung loob niya. 

“Hilahin ko muna to, ha,” sabi ko sa kanila tas tiningnan ko yung pinsan niya. “Manonood ba kayo, bhie? If oo, sama na lang kayo sa pub para sabay-sabay na tayong pumunta sa gymnasium mamaya.”

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon