'Til Death Do Us Part

2 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa reception ng kasal nila Tito nakatayo lang ako sa gilid at para bang ako'y nakatingin sa kung saan nang lapitan ako ng tito ko.

"O Xy, bakit nakatayo kalang d'yan? Halika maupo ka dun sa unahan." yaya ni Tito sa akin at ngumiti

"Tito, naniniwala po ba kayo sa 'Til death do us part?" agaran ko namang tanong at tumingin s'ya sa akin at ngumiti.

"Napakabata mo pa para malaman yan, pero halika sasabihin ko sa 'yo." sabi ni Tito at umupo kami sa upuang nasa likuran.

Tumingin ako sa kan'ya at talagang interesado ako sa sasabihin niya.

" 'Til death do us part ba kamo? Sa panahon ngayon bilang na lamang sa daliri ko ang tumutupad niyan at alam mo ba iha isa ako sa naniniwala d'yan?" sabi ni Tito at masayang tumingin sa akin.

"Bakit naman po?" walang kamuwang-muwang na tanong ko

"Kung mahal mo ang isang tao o kung mahal ka ng isang tao handa kayong magmahalan habambuhay at kahit pa hadlangan kayo ni kamatayan, magsasama kayo sa hirap at ginhawa kahit man sa lungkot at saya, ang tawag naman doon ay Endless love o sa tagalog ay walang katapusang pag-ibig kung para kayo sa isa't-isa ng minamahal mo magtatagumpay kayo, pero iha tandaan mo hindi lahat sa relasyon puro saya hindi puro pasarap lamang, marami kayong pagdadaanaan kaya't dapat pareho kayong lumalaban." sabi ni Tito at hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya, ngumiti naman ito at hinawakan ako sa ulo saka na tumayo.

" 'Til death do us part, iniwanan agad ako ng Tita mo pero handa akong pakasalan s'ya sa araw na ito." sabi ni Tito at tumingin sa unahan at nandun ang Tita kong may suot na magarang puting gown at inaantay siya.

__________

"Handa kabang makaisang dibdib ang babaeng nasa harapan mo ngayon?" tanong ng pari

"Opo father." sagot ni Tito at masayang tiningnan ang Tita ko.

"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa." sabi ng pari

"I love you mahal." sabi ni Tito at hinalikan ang malamig na bangkay ng kanyang asawa.

'TIL DEATH DO US PART Where stories live. Discover now