X: #HunterOnline or mention me Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
Hunter Online Book 1 is still available for only 275 pesos, grab your copy now!
PAGKAMULAT ng mata ko sa loob ng game ay agad akong naghanap ng ligtas na taguan. I should be careful, especially now that we are against one of the strongest Esports team in the world— GDL China. Hindi kami ang unang bababa sa lower bracket.
Pinagmasdan ko ang point value ko— 75 points. Mataas na puntos ang kapalit sa oras na ma-eliminate ako sa laro.
Map.
I immediately checked the map and inform my teammates regarding my point value and my location. We need to stick with our plan na tapatan lang namin ang pagiging aggressive nila.
[Yugto Pilipinas] KnightRider (Sandro): Everybody should only move in the following area R2, R3, and M3. Let us avoid na dumaan sa sentro ng mapa.
[Yugto Pilipinas] Nodaichi (Larkin): Naks, napakaangas naman mag-shor call, kala mo hindi nabablangko kapag kinakabahan. HAHAHA!
[Yugto Pilipinas] Knightrider: Ulol.
Napailing na lang ako sa biruan ng dalawa at pinagmasdan kung nasaan ako. Ang map location ngayon ay isang malaking university at mabababa lang ang mga building kumpara sa mga naunang mapa.
Mabagal ang aking pagkilos palabas sa isang classroom. Patingin-tingin ako sa paligid. Habang naglalakad ako ay nagulat ako noong may mga kamay na humatak sa akin.
Naalerto ako at tinutok ang hawak kong baril sa kaniya. Pagkalingon ko ay tinapat nito ang hintuturo nito sa kaniyang ilong na sinasabi na huwag akong maingay— si Zero (Thaddeus).
"Dalawang kalaban ang nasa ibabang floor. It will be safer kung hihintayin muna natin silang makaalis." Zero informed me habang patiloy na dumudungaw sa bandang hagdanan.
"Don't you see this as perfect opportunity to eliminate them as early as possible?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi natin sigurado kung sila nga lang talagang dalawa ang nandito ngayon. At isa pa, they are making their moves para magsama-sama. They probably have a reinforcement na paparating man." Paliwanag ni Zero sa akin. "I know it's plan na tapatan ang pagiging agresibo nila pero we also make sure our safety. Lalo ngayon. 75 points ang katumbas mo, 50 sa akin."
Naintindihan ko na ang ipinupunto ni Zero. This is one of the perks siguro na marami sa amin ay may experience mag-lead. May mga insight akong hindi ko nakikita na nakikita nila.