X: #HunterOnline or mention me Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
Hunter Online Book 1 is still available for only 275 pesos, grab your copy now!
Few more chapters left~
KINAGABIHAN ay nagdesisyon akong maglakad-lakad sa lugar para ma-clear 'yong thoughts ko. Grabe, I never experienced this kind of fear noong lumalaban ako sa mga contest back in Highschool at nitong nasa college.
Siguro marahil ay dati, ang sumusuporta lang sa akin ay friends ko, classmates, and my parents tuwing may laban ako. Pero ngayon... ramdam ko naman na mas marami na ang suportang natatanggap ko. But the fact na dala ko ang Pilipinas sa bawat laban ay nakakatakot. Ang bigat ng nakataya rito.
I just want things to workout, gusto ko kung babalik man ako ng bansa ay masaya ang karamihan sa naging resulta ng laro.
Nakasuot lang ako ng itim na jacket at dinarama ang klima dito sa Singapore. Iniwan ko ang phone ko sa hotel room pero sinabihan ko naman si Dion na maglalakad-lakad ako. Babalik din naman ako ng 10PM.
Ninanamnam ko lang ang malamig na simoy ng hangin. Noong madaan ako sa isang parke ay doon na ako naglakad-lakad, mapunong bahagi ito na nasa sentrong bahagi ng siyudad. Maraming nagja-jogging sa area at mayroon ding nakaupo lang sa mga benches para tumambay
Habang naglalakad ako ay may isang tao akong napansin na nakaupo sa swing— si Turbo. Mahina niya lang inuugoy ang swing. Dapat ay lalagpasan ko lang siya dahil gulo lang ang dala ni Turbo pero napatigil ako. Naalala kong mag-isa lang siya rito sa Singapore at maging ang mga ka-team niya ay hindi siya gustong kasama.
Bumuntong hininga ako at naglakad papalapit sa katabing swing. "Did you already have conversation with your teammates regarding your internal issues?" Napatingin siya sa akin at doon niya na ako nakilala.
"No.I am tired resolving that issue. There's no cure with their jealousy." He answered at bahagya akong natawa. "How about you? Are you here to accept my offer? It still stand, you know."
"No. I know you have reasons why you are willing to throw the game. But I want to fight fair and square." I answered him honestly. "I worked hard to be in this position and I do not want to tarnish my image and credibility by accepting your offer."
Saglit kaming natahimik na dalawa.
"Am I a bad player?" He asked habang nakatingin lang siya sa kawalan. "Just like you, I worked hard to be in this position. I am one of the most admirable player back in Thailand. But when I transferred to Griffin KR, I feel like I'm a shit."
"You are not a bad player, you are just mistreated." Napatingin siya sa akin at ngumiti ako sa kaniya. "I really want to help you, Turbo. But not in a way that you will manipulate the game result."