TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXXIII
Sa isang police station ay nandoon si Beltran at Magsaysay na nag-uusap. Nakatanggap na sila ng tawag tungkol kay Ligaya.
Dumating doon si Naj. Mabigat ang kaniyang puso at hindi niya maintindihan ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Dumiretso siya sa desk niya. Sumadlak siya sa kaniyang upuan, pati mukha niya ay namumutla.
"Ponce," tawag sa kaniya ni Beltran. Wala siya sa sariling napalingon dito. "Ano'ng nangyari?" tanong nito.
"Kayo 'yong namamahala sa initial investigation do'n sa kaso 'di ba?"
"Yeah. Before you found her dead."
"Ano ba'ng nahanap niyo tungkol sa kaniya?"
Nagkatinginan sila Beltran at Magsaysay. Saka inabot ni Magsaysay ang file na hawak-hawak niya.
"Estudyante sa Emington University," habang nagsasalita si Magsaysay ay binabasa naman ni Naj ang laman ng file. "19 years old. Ayon sa adviser niya no'ng hingan ng tugon, ay mabuting estudyante naman daw ito at matalino pa. Pero, bigla na lang daw nagbago. Bigla na lang nag-ka-cutting class, hindi na pumapasok, hanggang sa dumating na sa puntong may video ng pag-hi-hithit niya ng ipinagbabawal na gamot."
"Naisuko ba sa mga police 'yon?"
"Oo. Protected na rin 'yon under the protocol. Bakit?"
"Kailangan natin ng tao from the cyber security team. Importante malaman natin kung sino rin ang uploader no'n."
"You're invested? Bakit?" nagtatakang tanong ni Beltran.
Seryoso siyang tiningnan ni Naj. "Because you're not. That's why." Walang buhay nitong tugon.
Pinanliitan naman ni Beltran ng mata si Naj. "You found her body on the beach this morning and it appears to be suicide. Bakit mo pa i-imbestigahan?"
Huminga ng malalim si Naj. "Beltran, huwag mong kalimutan kung ano'ng pinakarurok na prinsipyo ng pagiging isang magaling na pulis."
Inaral ni Beltran si Naj. Nakikita niya ang inis nito sa kaniya kabila ng klarong determinasyon.
"Parang abetment of suicide eh." Nagulat naman si Beltran doon sa dinugtong ng kasama.
Para kay Beltran, ay imposible namang mangyari 'yon. "Baka na-pa-paranoid ka lang."
Umiling si Naj. "Hindi. Hindi ako na-pa-paranoid lang. Tsk. Hindi niyo ba nakikita itong reports? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit bigla na lang naging isang adik ang estudyante? Saka sa'n naman 'yon kukuha ng pera pambili?"
Napaisip si Magsaysay. "Baka, gut feeling niyo lang, Ma'am. Sa panahon ngayon, mas wagi talaga kung may ebidensya."
Hindi na umimik si Naj. Maaaring tama ang dalawa. Pero paano kung tama siya?
Gayunpaman, i-imbestigahan pa rin naman ito ng pulisya. At ngayong siya na ang may hawak ng kaso, aalamin niya kung ano ang totoo.
Nakatayo si Manuel sa kuwarto nila Ligaya at Sinta. May mga luha pa rin sa kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa mga gamit ni Ligaya na nakalagay sa cabinet na kahoy na pinanday niya.

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS (COMPLETED)
Ficção AdolescenteLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...