Chapter 3

3 0 0
                                    

KRIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIING!

Ay, grabe! Alas dos na pala. . .ng MADALING ARAW!!! Ang aga! Naku naman. Nakapag paalam na ako kela mommy. Natuwa pa sila! Naku naman, oo! Bumangon na ako at naligo. Nagbihis na ako pagkatapos; naka sweatpants at sweater ako. Yung sa loob ng sweater ko, nakasando naman ako. Naka thick socks din ako. Ang lamig kaya! Pagkatapos, bumaba na ako at pumunta sa front gate namin daladala yung mga damit na inimpake ko sa isang sports bag. Bitbit-bitbit ko din yung dress ko na naka hanger at nakabalot pa ng plastic cover. Si mommy kasi, yun gusto ipasuot, edi PUSH! Mukha tuloy akong siraulo na naghihintay dito. Mayamaya naman, may kotseng nag slow down sa harap ko.

"Hey, lazy ass! Wake up and get in the car," sabi ni Kent saakin. Inaantok pa akong sumakay sa passenger's side at nilagay bag ko sa likod. Sinabit ko naman dress ko dun sa may sabitan sa likod din. Pinaandar naman din ni Kent yung sasakyan. Hindi ko na nga siya nalingunan sa antok eh, pero ang bango niya. Matutulog na sana ako nang daldal siya ng daldal.

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Nakakainis ha.

"Ano sa tingin mo? May nagluluto ba ng alas tres ng madaling araw pwera kapag may Field Trip? Bwisit ha," sabi ko. Buti nalang wala pa akong period ngayon, kundi! Hmpf!

"Malay ko ba," sabi din niya. "Tara, drive thru muna tayo. Libre ko para matanggal yang init sa kokote mo," di nalang ako umimik. Duh! Libre yun noh! Bawal tanggihan ang grasya! Nung nakapag order kami, nilamutak ko agad. Di ako nag dinner noh! Nung papatapos na ako, at ilang kagat nalang ng burger, napatingin naman ako kay Kent. Di pa niya magalaw galaw yung pagkain niya kasi nag dadrive siya. So, bilang mabait na bata, inubos ko yung burger ko at sinantabi muna yung dalawa kong hot choco (HAHA!) para palamigin. Kinuha ko burger niya tas nagulat naman siya habang ina-unpeel ko yung balat.

"Oh, subuan na kita. Kawawa ka naman," sabi ko tas tinutuk yung burger sa bunganga niya. "Bilis na, arte mo ha!" napanganga naman siya dun at kinagat yung burger. Habang ngumunguya siya, kinuha ko yung straw ng coke at sinaksak sa inumin niya. Tindi, ayaw magkape! Malamig agad, umagang umaga. Doctor pa naman! Pagkatapos niyang ngumuya, tinapat ko yung straw sakanya at sumupsip siya. Pero bago num, inirapan niya ako kasi ang lakas ng pagkabangga ng straw sa bunganga niya. Nag peace sign ako. Pagkatapos, ngumanga siya, signaling na kagat pa sa burger. Tapos, inom ng coke. So for the past few minutes, tahimik kami kasi pinapkain ko siya. Pasalamat to mabait ako ngayon. Wala eh, nakadalawang double-cheeseburger eh, tas may naghihintay pang dalawang hot choco! Yummylicious!

Nung natapos ko na siyang pakainin, niligpit ko na yung mga kalat at nilagay sa isang supot at sinantabi. Binalikan ko naman yung dalawa kong hot choco. Hhhmmmm. Medj mainit pa sila pero kering keri nang inumin. Humihigop ako ng hot choco nang magsalita si Kent.

"Lamat, ah." sabi niya sabay patugtog ng malakas na music. Napangiti naman ako. Di ata to sanay magpasalamt eh. Di na ako sumagot sakanya at inubos yung dalawa kong hot choco at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

+ + +

After almost three hours din ata or so, nagising ako. Ang hangin kasi! And true enough, pagkamulat ko ng mata ko, naka open pala yung window ng car. Nagulat ako nang makita kong may tartan blanket na nakapalupot saakin.

"Giniginaw ka kasi," sabi naman ni Kent. Napatiningin naman ako sakanya.

"Malamang, binuksan mo yung bintana, eh! Nagpapatakbo ka kaya ng sasakyan!" reklamo ko sakanya. Okay din to eh.

"Kanina pa kasi yun, eh bago ko lang kaya binuksan yung bintana. Ang ganda ng view, oh, atsaka fresh air. Palamig din sa ulo mo," pang aasar niya. Upakan ko to eh! Lakas maka pang-bara.

"Ewan ko sayo," sabi ko sakanya at humarap sa bintana. Fresh air nga. Natatanaw ko na din yung beach. Maya-maya, huminto kami sa isang sosyal na resort. Nakapagpareserve na pala si Kent ng room. Presidential suite pa! Pagkadating namin sa suite namin, dumiretso ako ng CR. Ihing-ihi na ako, men! Si Kent naman, inayos mga gamit namin. Dun siya sa kabilang kwarto, ako sa isa. Pagkatapos kong mag-CR, kinuha ko mga gamit ko at inayos sa kwarto ko. One night lang naman kami dito pero ang bonggalicious. Nakahiga ako sa kama nang kumatok si Kent.

Glad I Can HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon