Hay. . .nahihilo ako. As in. Unti unti kong minulat mga mata ko. Madilim pa sa labas. Tinignan ko yung orasan sa bedside table; 2:37 A.M palang pala. Grabe, headache! Enebenemenyen. Ba't kasi uminom pa ako, eh. Well, di ko rin masisisi yung wine. Ang sarap niya kasi, eh. Nilalamig ako. Ang random bigla noh? Kinapakapa ko yung nasa paligid, at nang mahagilap ko yung kumot, agad-agad ko namang hinila. Nanigas naman ako nang may marinig akong parang galit na ungol. OH MY GULAY! Dahan dahan naman akong lumingon sa right side ko at nagulat ako. As in yung nanlaki mga mata ko. Well, hindi dahil sa nakakatakot yung nakita ko pero kasi. . .si Kent yung nasa tabi ko. Ang himbing lang ng tulog. Feel at home much. Pinoke ko yung ilong niyang matangos.
"Psssst. . ." mahina kong bulong. Bakit? May bulong kayang malakas.
"Hmmmm. . ." galit pa siya ha. Nakakunot pa yung noo. Ganito pala mukha niya pag close up. Mukhang chonggo. . .joke lang! Gwapo naman. Parang sa babae; beauty and brain siya.
"Ba't ka nandito?" kalma kong tanong. Ayokong sumigaw kahit gulat ako. Duh, baka masuntok pa ako nito. Masakit pa naman ulo ko sobra.
"Hmmm?" unti unti naman niyang minulat mga mata niya. Nagulat naman siya. "Gising ka na? Aga ah," bulong niya. "Tulog na ulit tayo. Pinuyat mo ko," sabi niya sabay pikit at yakap saakin. Aba, aba!
"Excuse me?! Ba't ka nakayakap?" tanong ko habang marahan siya tinutulak. Ano siya, sinuswerte?
"Arte mo, samantalang kagabi, halos di mo ko bitawan." sabi niya habang nakapikit pa.
"Teka nga. . .ba't ka nandito eh may sarili ka naman kwarto?!" tanong ko, medj galit na rin. Sabayan pa ng sakit ng ulo ko.
"Duh. . .ayaw mo bumitaw saakin, eh. Edi dito na ako natulog," sabi niya. "Tulog na, please? Kelangan ko bawiin tulog ko, para representable ako mamayang brunch and dinner natin," sabi niya at pumikit. Hinigpitan niya yakap saakin. Tutal masakit ulo ko, natulog na rin ako.
+ + +
Inat, inat, inat.
Sarap ng tulog ko, kahit medyo masakit pa rin ulo ko. Mataas na rin sikat ng araw. Tinignan ko yung oras sa bedside table ko; malapit nang mag eight A.M. Tumayo muna ako ng dahan dahang at pumunta sa kubeta para magsipilyo at maghilamos. Pagkatapos, lumabas na ako ng CR. May iba eh. . .pagtingin ko sa katawan ko. . .KANINONG DAMIT TO, DIYOS KO?! Agad naman akong tumakbo sa labas ng kwarto ko at nakita ko sa Kent sa terrace na nagbabasa ng dyaryo. Tumakbo ako papunta doon.
"Hoy, Beaumont! Sayo ba tong damit?!" taranta kong tanong. V-neck shirt suot ko ngayon at medyo mahaba, above the knee ko. Pero puti at medyo see-through. Binaba naman niya dyaryo niya at tumingin saakin.
"Ano sa tingin mo?" masungit niyang tanong. Inirapan ko lang siya at inamoy yung damit. Pamilyar!Matamis. . .suave. . .sakanya nga! Hooh! Kala ko, kanino na. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang. Tsaka nasa loob pa naman yung swimsuit ko. Pinatong niya lang yung damit. Tumingin naman ako sa paligid at may nakitang isang tray na may takip. Ang shiny pa nung takip.
"Ano yan?" tanong ko sakanya. Binuksan niya yung lid at parang naghugis puso yung mga mata ko. Ano pa ba? Malamang pagkain! BREAKFAST!
"Tagal mo kasi kaya nauna na ako," sabi niya at nagbasa ulit ng dyaryo. Umupo na ako at sinimulang kumain.
"Kent. . ." tawag ko sakanya.
"Hmmm?" sagot niya. Nakatutok parin siya sa dyaryo niya. Psssh. Mga matatanda nga naman, oo!
"Ano palang nangyari kagabi? Tsaka ba't magkatabi tayo?" tanong ko. Bumuntong-hinga naman siya at ibinaba yung dyaryo. Nagulat naman ako, yung kutsara pa nga nasa bunganga ko pa, eh.
BINABASA MO ANG
Glad I Can Help
RomansYannie "Honey" Tanya Alcantara, 16, is a girl who keeps to herself and shuts everybody out, especially her family. Pero may pagka-childish din siya. Her parents suddenly came to an idea that maybe, their daughter's a lesbian, kaya ganyan siya makaas...