Chapter 2

10 0 0
                                    

Jusme nemen oh! Kanina pa ako paikot ikot ng campus. Enebenemenyen! Tae ni Kulafu! Ay ewan. Korny. Nakakainis lang kasi eh. Ayaw ko naman bawiin yung sinabi ko kela mommy. Tsaka tatlong araw nalang noh, Saturday na! Omagulay, ba't ganun ang buhay! Oo, magkalayo loob namin nila mama, pero bigla nalang kaming nag unite kagabi ng biglaan. Ayaw ko namang i-disappoint sila noh, kalerki! Now, I need to get out of my shell, kelangan na itanggal ko muna yung forte ko ng pagsha-shut out ng mga tao. Kailangan ko ng tulong! Ito naman sila Tjay at Bryle, hindi nakakatulong! Nang-aasar pa ang mga kupal. Panindigan ko daw. Hahay!

Ngayon, nahihilo na ako kakahanap ng taong karapatdapat, kung meron man. Puro PDA nga meron dito, eh. Mga ewan. Wala eh, school eh, where PDAs are everywhere. Napapagod na ako kakalakad kaya huminto muna ako malapit sa clinic ng school namin. Sumandal muna ako sa may pader nun. Grabe, ganito ba kahirap mag hanap ng the right guy? Kaya pala madaming single, eh. Peste. Habang nagpapahinga, may narinig akong naguusap sa loob ng clinic. Yung school doctor pala namin. Bago lang yan, almost a year. Matalino kaya graduate agad at trabaho. Ewan ko ba't dito yan nagtrabaho. Marami ngnang nagkakandarapa diyan eh. Gwapo DAW. Sa telephone pala yung kausuap niya.

"I don't know. . .si mama kasi eh, ayaw paawat. Kaya nga nagtatago ako ngayon, sa isang school ako nagtatrabaho na. Actually, almost a year na. Himala nga na nagtagal ako dito eh. . .uh-huh, yes. . .ayaw ko ngang magpakasal sakanya, George! Ano ba, buttler ba kita o ano? Hay. . .I'm sorry. . .sobrang pressure lang. Basta hindi ako papayag sa arranged marriage na yan! Bahala siyang maghanap saakin. . .ano? Ibang babae? Saan naman ako makakahanap ng ibang babae? What?! Dun ko lang siya makokombinsi? Ah, ewan! Sige na George, uuwi pa ako. Yes, yes. . .just contact me tomorrow and tell me some news. . .OK. Bye," at binaba na niya yung telepono. Minsan may tulong din ang pagiging dakilang chismosa noh?

+ + +

Pagkalabas naman ni Doc Kent JV Beaumont, nakanganga parin ako. Pinagpala ako! Pagkatapos ng pagpapakahirap at pagpapawis sa lecheng research na to, may perfect grade akong nakuha! Nagulat naman si Doc Kent pagkakita niya saakin.

"K-kanina ka pa ba diyan, Ms. Alcantara?" tanong niya. Alam niya kasing anak ako ng amo niya. Tumango naman akong wala sa sarili. Namutla naman yata to. Mukha pa talaga siyang bata tignan.

"Ah, eh. . .Doc. . .may offer sana ako," mahina kong sabi. Kinakabahan ako. First time kong magganito noh, anong kala niyo!

"Ano naman yan, Ms. Alcant---"

"Yannie nalang. . ." sabi ko. "Anyway, di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Wait, pwede ba tayo pumasok sa clinic muna? Baka may makakita saatin eh," sabi ko. Mahirap na. Tsaka nahihirapan na akong tumingin dito kay Doc. Tangkad noh, nangangawit na leeg ko! Nang makapasok na kami, grabe, di man lang ako binigyan ng chair! Naghila pa ako para lang makalapit sa desk niya.

"Uhm, you left the door open." sabi niya sabay turo sa door. Argh! Ba't ba may nagkakagusto dito? Kupal lang. Agad ko naman sinarado at nilock yung pinto at umupo na sa chair na ako pa ang naghila papunta sa pesteng desk na yan. Hay. Kung di ko lang siya kelangan, hinampas ko na to sa pagmumukha niya eh.

"As I was saying---" pinutol naman niya yung sasabihin ko. Aba't! Kala ko ba eh matalino to? Manners men!

"You have exactly fifteen minutes, Ms. Alcantara." seryoso niyang sabi. "And I hope it has a lot of sense. I don't usually entertain such childish stuff---"

"Excuse me, Mr. Doctor. Makinig ka, okay? Daldal mo, ha. So, as I was saying. . .narinig ko kasi yung conversation sa phone, hep hep! Bago mo sabihing tsismosa ako, may I just say na hinaan mo kasi makipag usap at dapat close yung clinic kung personal man yan. Para ka kasing nakalunok ng speaker, eh. Anyway, may deal lang naman akong i-ooffer sayo that will benefit the both of us, of course." sabi ko with full confidence. Di ako pwede mag duwag duwagan kundi bokya ako.

Glad I Can HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon