CHAPTER ELEVEN

21 4 0
                                    

CONGRATULATIONS

"What's her excuse this time?" I asked my father coldly.

"A-anak. . .you know how much your Mama wanted to be here—"

"Did she really, Pa? Kasi hindi iyon ang nararamdaman ko," puno ng hinanakit kong sambit. Today's our Recognition Day. Nangako si Mama na uuwi siya dahil may honor ako, pero katulad ng inaasahan, she broke her promise. Dapat nga ay nasasanay na ako rito, pero hindi ko maiwasang masaktan. I worked hard for this award, para naman may maipagmalaki ako sa kanya.

"A-anak. . ."

"Just give me a moment please, Papa. . ." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako palabas ng school gym. Hindi ko na kayang tumagal doon. Naiinggit ako sa mga kapwa estudyante ko na kasama ang kanilang mga magulang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa malawak na soccer field ng eskuwelahan. Pasalampak akong umupo sa isang sementadong bench at napabuga ng hangin.

"Kawawa ka naman," nakangising sambit ni Lia. Of all the people, siya pa talaga ang nakakita sa akin dito. Kung sinuswerte ka nga naman.

"What do you need?" masungit kong tanong.

"Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa'yo na nakakaawa ang itsura mo ngayon. Mayaman ka nga, hindi ka naman mahal ng Mama mo. How sad!" Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na para bang nasasaktan siya, sabay ngisi sa akin.

I immediately felt my temper rising. Nagagalit ako, naiinis ako, pero hindi ako makapagsalita dahil alam ko na tama siya.

"Cat got your tongue, Ylleaze?" nanunuyang sambit niya.

Akmang tatayo na ako para lapitan siya nang biglang siyang umatras at napatakip sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.

"Huwag, Yze! Huwag mo akong saktan!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"What the fuck are you saying?" gulat kong tanong.

"Wala naman akong ginagawa sa'yo! Please don't hurt me! Third, inaaway na naman ako ni Ylleaze!" sigaw niya. Agad akong napalingon sa likuran ko. And true to her words, Elias was standing there. He looked at me calmly and sighed.

"Nandito ka lang pala," aniya nang hindi man lang pinapansin ang sinabi ni Lia. "Your father is looking for you."

"Dito lang ako," I stubbornly said.

"Okay. Sasamahan na lang kita rito. By the way, congratulations, Ylleaze! You did really great. . ." he said softly. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang proud na ngiting gumuhit sa kanyang mukha.

"Ugh!" Nang hindi man lang tapunan ng tingin ni Elias si Lia ay agad itong tumalikod at nagmartsa paalis.

"Elias, you should go now. Hindi ba't graduation niyo na mamaya?" nahihiyang tanong ko.

He looked so handsome in his pink long sleeved polo. Nakataas ang kanyang buhok na nilagyan ng gel. Mamayang ala una ang graduation nila, ngunit alas dose ang kanilang assembly time. Naka sabit sa kanyang balikat ang kulay puti niyang toga. Elias is the Class Valedictorian, and he will deliver his speech later. Pero kung titingnan siya ni wala man lang bahid ng kaba sa kanyang mukha.

"It's okay. May oras pa naman. So tell me, bakit nandito ka imbes na mag-celebrate kasama ang Papa mo?" mahina niyang tanong.

Napalabi ako at nag-iwas ng tingin. Papa has reserved a lunch for us, pero wala ako sa mood para roon.

"Mama promised me she would come home. . .pero hindi niya na naman tinupad," bulong ko.

I let out a sigh. Hindi ko maiwasang malungkot dahil nabigo na naman ako. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ayos lang, na sanay na ako, ang totoo ay hindi ako ayos. Hindi pa rin ako nasasanay. At the back of my mind, I was still hoping that she would make me feel important, but she keep on disappointing me.

Scars Series 1: Embracing The ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon