CHAPTER EIGHTEEN

23 2 0
                                    

WHY NOW?

"I don't understand. . . you don't even know him, ma. How can you say na wala siyang pangarap? Na hindi siya matino? Hindi po ganoon si Elias," hindi makapaniwala kong sambit.

Umismid si Mama at tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Hindi ko siya kailangang kilalanin para malaman kung ano'ng klaseng tao siya. He's poor and his probability of success is low. He doesn't have the means or the resources. But you have. . . and that's why he's trying to win you because he wants to use you," aniya na para bang siguradong-sigurado siya.

Umiling ako. Nagngitngit ang kalooban ko dahil hindi ko matanggap ang mga sinabi ni Mama. Hindi ganoong klase ng tao si Elias. Hindi siya katulad ng iniisip ni Mama. He's been nothing but a good and trusted friend to me. In all the years that I've known him, I saw how he strived hard to be where he is right now.

"You're wrong, ma. He's a good man. He has dreams and he's persistent. Naniniwala ako na mararating niya ang mga pangarap niya on his own. Hindi niya kailangang manggamit ng tao, ma," mariin kong pagtanggi sa mga sinabi niya.

Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Mama. She drank her tea and stared at me for quite a long time.

"You're just being blinded by your feelings for him, darling. You're still young, alam kong magbabago pa ang isip mo that's why I'm here to guide you. And for that to happen, you must cut all sorts of communication with him. End of discussion," she asserted.

Mabilis siyang tumayo at iniwan ako roon na nakatingin sa kawalan. Kung gaano ako kasaya noong nagdaang araw, ngayon pakiramdam ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ba puwedeng maging masaya na lang palagi?

Huminga ako nang malalim at pinikit ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng galit para kay Mama. Ano'ng karapatan niya na pagbawalan akong kausapin at makasama si Elias? Why did she suddenly care about me? Hindi ba't wala naman siyang pakialam sa akin noon?

Why would she care now? Kung kailan nasanay na ako sa pambabalewala niya? We left the hotel in the afternoon. Nauna na akong bumaba sa sasakyan at hindi sila hinintay. Masama pa rin ang loob ko sa mga sinabi ni Mama kanina.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at humiga. Noon ay gustong-gusto ko na umuwi rito si Mama. Gustong-gusto ko na makasama siya, kaya nga ako naging pasaway. Kakatwa na ngayon ay gusto ko na siyang umalis at bumalik sa Maynila. Mas gusto ko na lang na wala siya rito.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagbaka-sakali. Hindi na kami nagkausap pa ni Elias kanina at hindi ko alam kung ano'ng oras sila umuwi o kung doon din ba siya natulog.

Nang makita kong may chat galing sa kanya ay agad akong napangiti. Agad na gumaan ang pakiramdam ko.

Thirdy Ruiz:

Thank you for last night, Ylleaze. <3

Instead of typing a reply, I called him. Kumakabog pa ang dibdib ko habang hinihintay siyang sagutin ang tawag ko. After two rings, he finally answered his phone.

Bumungad sa akin ang kanyang mukha na pawisan. Wala siyang suot na pang-itaas kaya hindi ko napigilang mapalunok, lalo na at nakikita ko ang malapad niyang dibdib. Sa likod naman niya ay ang sakahan nila na pinuntahan namin noong graduation niya.

"Are you busy? Nakaka-istorbo ba ako?" nag-aalala kong tanong.

"No. no. Hindi ka nakakaistorbo," mabilis niyang sagot.

I heard people talking in the background. Some of them are teasing him, and he simply smiled before walking away. Napahanga ako habang nakikita ko ang magandang tanawin sa kanilang bukid. Mayamaya pa ay tumigil siya sa isang lilim na parte ng bukid na mayroong puno ng niyog. Bahagyang gumagalaw ang kanyang buhok kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Scars Series 1: Embracing The ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon