CHAPTER 09

310 3 2
                                    

Nagising ako dahil sa amoy ng masarap na ulam. Pamilyar ito sa'kin ang amoy na ito dahilan para magpapatayo sa'kin. Ang bango, nagugutom na tuloy ako. Tumayo ako at umunat muna. Dahan-dahan kong ibinaba ang paa ko sa sahig ng biglang sumakit ang puson ko maging sa hiyas ko. "A-ahrayy" napangiwi ako sa sakit. Bigla agad pumasok sa isip ko ang nangyari sa'min kagabi. Subrang naiinis ako kung bakit ginawa 'yon ni Val sa'kin. Tinignan ko ang aking sarili at may damit na ako. Dinamitan niya siguro ako

Naglakad pa ako ng dahan-dahan para makapunta doon sa pintuan. Humawak-hawak pa ako sa ding-ding para makakapaglakad ako ng maayos dahil ang hirap talaga ilakad. Nakalimutan ko pala ang tsinelas ko. Tanga tanga talaga e. Bumalik ako sa kinahihigaan ko at yumuko ako sa ilalim ng kama para kunin ang shinelas. Masakit man ay tiniis ko ito. Ayun! Sa wakas na kuha ko na rin ang shinelas at isinuot ko na ito

"Gising kana pala" biglang pagsalita ni Val sa likoran dahilan para magulat ako. Humarap ako sa kanya

"Tàngìnà!! Bakit nanggugulat??" inis kong saad at hinampas ko siya ngunit tawa lang siya ng tawa "Siraulo kaba?" inis kong tanong sa kanya

"Sorry na. Tara kumain na tayo" saad niya at lumapit ito sa'kin at hinawakan ang dalawang kong braso sa likuran

"Anong gagawin mo?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Aalalayan kita. Alam kong masakit ang pèkpèk m—arayy!!"

"Gàgo kaba? Itikom mo 'yang bunganga mo" inis kong saad sa kanya kaya nasampal ko siya dahil pasmado ang bunganga niya

"𝘒𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬" malakas na saad ni Nanay Belen

"Opo. Papunta na" malakas na tugon ni Val. "Tara na. Kakain na tayo" saad naman ni Val sa'kin

Inunahan ko ng maglakad si Val. Kahit ang sakit ay pinilit ko nalang ito nilakad. Mas binilisan ko pang maglakad dahil nakabuntot siya sa'kin. May tinatanong pa si Val sa'kin pero hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya, bagkus ay hindi ko nalang siya pinansin at mas binilisan ko pa ang aking paglalakad patungo sa kusina

Pagkarating ko sa kusina ay bumungad agad sa'kin sila ni Tatay Miyong at Nanay Belen na nakangiting pinagmamasdan ako papalapit na parang hinihintay nila ako. Lumapit naman ako sa kanila at binati ng "Magandang umaga po, Nanay Belen at Tatay Miyong" nakangisi kong saad

Tumango ito sila sa'kin binati rin ako. "Alam mo iha, si Christian nagluto niyan" masayang sambit ni Nanay Belen sa'kin at inilapag sa mesa ang hawak nitong malaking mangkok. Umuusok pa ito na tila'y bagong luto. "Ang sarap magluto ng asawa mo e, tikman mo iha. Napakasarap!" saad ni Nanay Belen. Tinitigan ko ang laman ng mangkok. Nawala ang pagka-inis ko ng may Kare-kare sa harap ko. Paborito ko itong Kare-kare lalo na kapag may mani "Oh! Nand'yan na pala asawa mo e. Halika dito iho. Kumain kana, dito ka umupo sa tabi ng na pakamaganda mong asawa" sambit pa ni Nanay Belen kaya nilingon ko ito. Naiinis pa ako sa mukha niya kaya inibaling ko agad ang tingin sa pinagkainan ko

Tumabi naman si Val sa'kin at tumingin siya sa'kin. "Good morning" bati niyang nakangisi. Irapan ko sana siya pero na sa harap namin sila ni Nanay Belen at Tatay Miyong kaya binigyan ko nalang siya pekeng ngiti

"Alam mo iha, paborito mo raw 'yang pagkain na niluto ni Christian" nakangising saad ni Nanay Belen. Teka, pa'no naman nalaman ni Val na paborito ko ang Kare-kare? E bago pa lang naman kami nagkakakilala. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang ulam. Bakit ganito ang lasa? Inukay ko ito at may mani itong sinahog

"I-ikaw nagluto nito?" hindi ko makapaniwalang tanong

"Oo. Nagustuhan mo ba?" nakangisi niyang tanong sa'kin. Tumango lang ako. Hindi ko nalang ito inisip dahil nagugutom na rin ako at isa pa, baka nagbibiro lang si Nanay Belen at baka magkaparehas lang kami ni Val magluto ng Kare-kare at 'yon na nga ay nag umpisa na kaming kumain

GINAHASA AKO NI KUYAWhere stories live. Discover now