"Celestine? Celestine nga" natataranta kong bulong sa sarili at tumakbo agad ako kung nasaan naroroon ang sigaw ni Celestine. 𝘏𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘮𝘰'𝘬𝘰 𝘊𝘦𝘭𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘦. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰.
{ MARIE POINTS OF VIEW }
Nakarating na pala ako pagkatapos kumuha ng isda. "Val, may nakuha akong isda" masayang saad ko. Kumuha ako ng dahon ng saging at inilapag ko ito sa lupa at doon ko naman pinatong ang mga nakuha kong tilapia sa may ilog "Marunong kaba maglinis nito? Ay, oo nga pala, mayaman ka nga pala" dagdag ko pa at pinatuloy ang ginagawa ko na tinanggalan ko ito ng tali "Alam mo, masarap 'to kapag—aray!! natusok ako" sinipsip ko ito kahit ang langsa ng kamay ko. Sanay naman din kasi ako dahil laking hirap ako "Val, tulog ka pa ba? Umaga na ah! Grabe naman yata 'yang tulog mo hehe" pagkatapos kong tanggalan ng tali ay kumuha pa ako ng isa pang dahon ng saging at doon ko inilagay ang tilapia at nag umpisa ng maglinis
Nang matapos na akong maglinis ay nagtataka ako dahil hindi pa rin lumalabas si Val. Okay lang kaya siya? Pupuntahan ko sana kaso baka maistorbo ko ang tulog niya kaya 'wag nalang. Nang matapos na akong maglinis ng ay sakto may mababaw na balon doon sa banda unahan kaya doon ko na lang ito hinugasan. May nakita kasi akong mga bau kaya ito nalang ginamit kong tabo o timba para makakuha ng tubig sa balon
Nang matapos na ako maglinis ay hindi pa rin lumalabas si Val. Kinabahan na ako dahil baka may nangyari na sa kanya. Dali-dali agad ako maglakad habang bitbit ang tilapia na nilinisan ko. "Val, kinakabahan na ako sayo. Gumisi—" pagtanggal ko ng tuwalya sa pintoan ay wala akong nakitang Val na nakahiga. Saan na naman siya pumunta?
Iniwan ko ang tilapia. Bahala na kung kainin 'yon ng mga aso o mga magnanakaw basta mahanap ko lang si Val. Niligtas niya ang buhay ko kaya kailangan iligtas ko siya kung nasaan man siya ngayon
"Vaaaalll!!!" malakas na sigaw ko
"Christian Sandovaall!!" sigaw ko ulit
"Saan naman kaya pumunta yung lalaking 'yon. Ang sarap sarap ng tulog niya kanina tapos ngayon nawala na. Baka tumae o kaya naligaw" nakasimangot kong sambit sa'king sarili. "Baka naligaw na 'yon" dagdag ko pa ng mas nagpakaba ng dibdib ko "Patáy! Baka naligaw nga!"
Binilisan ko ang paglalakad habang ang ulo ko ay halos hahaba na sa kakahanap. Pano kasi, gala ng gala. Kung maligaw siya, edi nganga. Kanina pa ako palibot libot pero hindi ko pa rin siya nakikita. "Nasaan kana kasi?" inis kong saad at kinamot ang ulo ko kahit wala naman akong kuto "Kung hindi ka lang talaga pogi at macho ang katawan na may abs... kanina pa ako nagagalit sa—AHHH" sigaw ko ng bigla akong mahulog sa bangin "T4ng!na huhuhu" parang maiiyak ako na parang na bubwesit "minamalas nga naman oh!" inis kong saad at pinagpag ang sarili dahil napuno ng putik ang buo kong katawan, maging sa mukha at buhok ko
Nang may mahulog na mahaba at parang hugis ahas ito ay napasigaw ako dahil sa takot. Baka matuklaw na naman ako. Nang makalapag na ito sa palapag ay nakahinga na ako ng maluwag. "Akala ko talaga ahas na k!ng!ná, tali lang pala" tumingala ako sa taas at masyado itong mataas. Paano na ako makakalabas dito? What if habang buhay na ako dito? Wag naman sana, gusto ko pang mabuhay
May naramdaman akong paang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko. Baka sila ni kuya na 'yan. Dali-dali agad akong kumuha ng putik at pinahid ito sa buo kong katawan, mula ulo hanggang paa. Para na akong unggoy nito
"Marie?" tawag ng isang boses kaya nagulat ako at napatingala
"Sino ka?" tanong ko dahil hindi ko pa siya gaanong natatanaw dahil natakpan ang mata ko ng putik kaya pinahiran ko ito gamit ang aking damit at tumingala ulit. "V-val?" halos parang maiyak na ako dahil dumating siya. Doon na ako nakahinga ng maluwag
YOU ARE READING
GINAHASA AKO NI KUYA
Romantizm[ NOT COMPLETED | ONGOING ] Mayroong apat na magkakapatid. Isang babae at tatlong lalaki. Malaki ang tiwala nang dalagang babae sa tatlo niyang kapatid, ngunit kasamaang palad ay sinira ng tatlong magkakapatid ang tiwala nila sa kanilang bunsong kap...