"Ano?!" Dali dali agad bumaba si Mama at patakbo itong lumabas ng bahay. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kong anong mangyayari, delikado rin sila ni Mama at Papa dahil usap usapan dati na kumakalat na chismis na nakapatay daw si Ninong. Dali-dali ko namang sinundan si Mama pero nang ihahakbang ko pa lamang ang aking mga paa ay may biglang may yumakap sa'kin. "Pakawalan mo'ko" pilit kong pang pumiglas. Tinignan ko ang mukha nito at ang yaya pala namin
"Hindi ka pwede do'n sa labas" mangingiyak na sambit nito sa'kin. Hindi pa rin ako nagpatinag, bagkus ay kinagat ko ang kamay nito at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan. Kailangan ko maabotan sila ni Mama. Tumakbo ako patungo palabas ng biglang...
*SHUT GUN!!*
Napahinto ako at para akong istatuwa dahil sa narinig ko. Mas sumunod na naman ang putok hanggang sa patuloy itong nagpapaputok. "Tumakas tayo" saad ng yaya sa'kin at hinila niya para tumakas. Habang balisa akong tumatakbo ay biglang pumasok sa isipan ko ang dalawa kong kapatid. Kaya napahinto ako
"Yaya, mga kapatid ko, kunin natin" saad ko. Nanginginig pa ito at paikot ikot muna ito bago ako hinarap at sinagot
"Kailangan nating tumakas. Mamamatay tayo dito" saad niya sa'kin habang hinawakan ako nito sa magkabila kong balikat. Namumula na rin ang kanyang mga mata na tila'y paiyak na at puno rin ng pawis ang mukha nito. Bakas sa mukha niya ako takot
"Hindi mo maaaring gawin 'yan" itinulak ko ito palayo sa'kin at umakyat ulit sa itaas. Kukunin ko ang aking mga kapatid. Ano man ang mangyari
Pagpasok ko sa loob ay nakita kong nakatalukbong ng kumot si Gelo at tila'y takot na takot ito. "Bumangon ka d'yan, tatakas tayo" agad agad naman itong bumangon at binuhat ko na rin ang aming bunsong kapatid na si Gary
"Kuya, natatakot ako" malungkot ako na saad ni Gelo. Naaawa ako sa kanya at ramdam ko ang takot nito dahil nanginginig ang buo nitong katawan. Hinimas ko lang pisngi nito at tamang tama ay biglang pumasok dito sa loob si Yaya
Sa mga oras na ito ay natataranta na ako dahil hindi ko alam kung ano ba dapat gawin. Palingon lingon pa ako sa kapaligiran kasabay na malakas ng pagkabog ng dibdib ko. Halos parang humiwalay ang kaluluwa ko ng biglang may nagpaputok sa loob ng bahay. Hula ko ay na sa sala ito. Nagpaputok pa ng nagpaputok si Ninong hanggang sa napasigaw kami sa takot. "Papunta na ang Ninong niyo dito. Kailangan na nating tumakas" saad pa niya samin na hinihila kami ng dahan-dahan papunta sa pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko si Ninong na paakyat at madilim ang mukha nito na animo'y kakain na ng tao. Kaagad niya itong isinara ng umangat ang tingin sa amin at tila'y nakita kami "Dun kayo" turo pa ni Yaya sa harapan naming kabinet. Agad ko namang hinila ang aking kapatid habang bitbit si Gary. Nagtago kami loob ng kabinet at mainam na tinakpan ang aking bibig at ang bibig ni Gelo para hindi makagawa ng ingay. Mabuti nalang sa mga oras na ito ay hindi umiiyak si Gary, bagkus ay mahimbing lang itong natutulog
Pagbukas ng pinto sa kwarto namin ay doon ako mas kinabahan at natakot. Nagpaputok ito sa loob. Rinig ko pang basag lahat ang mga picture frame at kung ano pang mga flower base o palamuti. Nabaril kaya ni Ninong si Yaya? Paano 'to nagawa ni Ninong sa amin?
Dahan-dahan itong maglakad papunta sa cr ngunit pagbukas niya at isinara niya ito. Muling naglakad na naman siya papunta sa katabing kabinet namin kung saan kami nagtago. Binuksan niya ito ngunit parang wala itong nakikita. Kami siguro hinahanap ni Ninong? Sumilip ako maliit na butas para tignan si Ninong. Nandidilim ang mukha nito at Nakangising inikot ang tingin sa paligid. Parang animo'y isang demonyo. "Nandito na si Ninong... Wag na kayo magtago.." malambing saad nito na ang siyang nagpatindig ng aking mga balahibo dahil para na itong demonyo. Hindi parang. Demonyo na talaga siya "May regalo ako sainyo. Tiyak na gugusto—"
Napatigil kaming parehas ng may maapakat akong maingay na bagay. Lumingon naman ito sa kabinet kung saan kami nagtatago at kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon. "Kuya.." naiiyak na mahinang saad ni Gelo "Kuya.. Natatakot ako"
YOU ARE READING
GINAHASA AKO NI KUYA
Romance[ NOT COMPLETED | ONGOING ] Mayroong apat na magkakapatid. Isang babae at tatlong lalaki. Malaki ang tiwala nang dalagang babae sa tatlo niyang kapatid, ngunit kasamaang palad ay sinira ng tatlong magkakapatid ang tiwala nila sa kanilang bunsong kap...