Trina Lexin Velardo's POV"Ano ba, Faith?! I am not Trix!" Ibinato ko ang wine glass na hawak ko, na pumukaw sa atensyon ng mga bisita.
"I'm sorry! I—I’m just drunk, okay?" Sapo-sapo niya ang ulo, tila naguguluhan.
Gently, I took her arm and led her to the living room, hoping to talk in private. But as soon as we stepped in, I saw my twin sitting on Terron’s lap. The pain in Faith’s eyes was unmistakable. I knew it. She still hadn’t moved on.
"Trix, pwede bang ilugar niyo naman?"
"Sorry, sa balcony na lang kami." They stood up to leave, but I stopped them.
"Hindi na. Kami na doon."
She glanced back at them—still teasing each other—as we walked away. Quietly, she followed me up the stairs. Once we reached the balcony, I sat her down while I remained standing in front of her.
"So after all this time, hindi ka pa rin pala naka-move on? Akala ko sapat na yung two years para mapalitan ko yung kapatid ko sa buhay mo, pero hindi pala." I laughed bitterly, gazing up at the dark sky.
"Akala ko kasi naaalala mo lang yung pang-iiwan sa’yo ng kambal ko, kaya simula nang bumalik siya, lagi mo na siyang napapanaginipan. Pero kanina… kanina ko lang narealize na kaya lang pala naging tayo, dahil nakikita mo siya sa’kin."
Faith stayed silent, head bowed, as if the weight of my words was too heavy to lift. My chest tightened, remembering how she clung to me earlier, begging for Trixie to come back
Trixie was her first love since high school, and they suddenly broke up. Napaliwanag naman sa akin ng maayos ni Trixie kung bakit, even though it’s an unacceptable reason. Kailangan niyang tapusin, o mas lalo lang niyang pahihirapan si Faith.
"Alam kong may tama na ng alak 'yang isip mo kaya mabuti pang bukas na lang tayo mag-usap. Gusto kong marinig yung paliwanag mo. Kahit na alam ko na, gusto ko pa rin na diretsuhin mo ako."
Iniwan ko na siya doon sa balcony at hinabilin kay Trisha. Dumiretso ako sa kwarto at isa-isang tinanggal ang saplot sa katawan ko, saka pumasok sa banyo na hindi isinasara ang pinto. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko iyon pinansin at nagsalin lang ng wine.
"Trina." Trisha called as she followed me in. Even though we’re triplets and look nearly identical, it’s still easy to tell us apart. Trisha, for one, is the softest among us.
"Pasok ka."
"Nakwento sa'kin ni Nay Cori ang ginawa mo kanina. Usap-usapan rin kayo ng ibang guests."
Naupo siya sa bathtub at sinalinan ng wine ang glass na hawak ko.
"I never thought na mangyayari 'to." Sumimsim ako ng wine at nagbuga ng marahas na hininga. "Parang kahapon lang ang saya namin. Ang sama mang isipin pero sana—sana hindi na lang umuwi si Trixie."
"Trina, it wasn't her fault. Alam mo naman yun, di ba?"
Naningkit ang mata ko at tumingin ako kay Trisha.
"Ngayon lang naman ako naging selfish, di ba? Gusto ko lang naman na kahit minsan sa buhay ko, makuha ko yung gusto ko."
Binaba ko ang wine na hawak ko at nilubog ang katawan ko sa bathtub, tanging ulo ko lang ang nakalitaw, sapat na para makapag-usap kami.
"Naiintindihan kita, Trina. Pero hindi mo hawak ang damdamin ni Faith."
Muli akong sinampal ng katotohanan. Nagpasalin ulit ako ng wine dahil sa ngayon, ito lang ang paraan para makalimot ako.
"Tama ka. Kahit noon pa man, na kay Trixie na ang atensyon niya."
Ako ang unang nakapansin sa kanya nang magkakilala kami. Palagi kaming magkasama, at palagi ko siyang pinagtatanggol. Pero dumating sa puntong hindi na pala normal ang mga kinikilos ko. Hanggang sa malaman kong may pagtingin pala siya kay Trixie, at gano’n din ang kambal ko sa kanya.
Buong akala niya ay si Trixie ang palaging nagpapadala ng mga chocolates, flowers, at poems sa kanya. Tuwing may nang-aapi sa kanya, lagi akong to the rescue, pero akala niya ay si Trixie iyon. Hinayaan ko na lang dahil na rin sa pakiusap ng kapatid ko.
"Tama na 'yan. Maiwan muna kita rito at tutulungan ko lang si Nay Cori na magligpit. Pag naabutan na naman ni Mom na madumi ang bahay, lagot na naman tayo."
Nakailang baso pa ako bago tumayo. Kinuha ko ang roba ko at kinabit iyon. Nararamdaman ko na rin ang tama ng alak sa katawan ko.
Nakahiga na ako at nakapikit nang makarinig ng sunod-sunod na katok.
"Come in!" Naiiritang sigaw ko.
Hindi na ako nag-abala na tingnan kung sino ito. Hinintay ko lang na magsalita nang maramdaman kong umangat ang kumot ko.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Faith na ginawang unan ang tiyan ko. Wala siyang imik.
"Ang sabi ko, bukas na tayo mag-usap. Go to your room," malamig na sambit ko.
Imbes na umalis, tumaas pa siya, at ang ulo niya ay nasa leeg ko.
"I said go to your—"
"Can I sleep with you for the last time? Ang gulo-gulo ng isip ko. Mahal kita pero—"
"Pero mahal mo rin si Trixie? Faith, siguraduhin mo kung ano ba talaga yung nararamdaman mo. Kasi ako, simula pa lang, alam kong ikaw na. Ayoko nang tinetake lang ako for granted, so please, if you can’t say that you love me, if you can’t prove it to me, just stay away from me."
I got up and left her there in my room. I spent the night in the guest room, waking up to the blinding daylight.
The first thing I saw was Trixie’s face. I wasn’t angry at her, but a part of me wished I could be her—the one Faith loved.
"Trina."
"Hmm?"
"Can we talk?"
"If it's about Faith, we have nothing to talk about her." I grabbed a pillow and covered my face
Hinila niya ang unan at niyakap ako. "I missed you! Dahil lang sa kanya, nakalimutan mo na ako," she pouted.
"Hindi naman sa gano’n, Trix. But I hope you understand na hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Kung hinayaan mo na lang sana ako noon, edi sana walang problema ngayon. Pinaubaya ko siya sa'yo, Trix. You know how much I love her."
Tumayo ako at bumaba sa kabilang side ng kama.
"If only I could turn back the clock, ipagdadamot ko siya sa'yo."
I left and returned to my room. Faith was gone, just as Trisha said she would be. She had left early.