Trina Lexin's POV
Iniwan muna namin si Faith kasama ang nurse. Miriam wants to talk to me privately. We've known each other since college, we dated but it didn't work.
"Trina, are you sure na hindi mo siya dadalhin sa facility? Mas mababantayan siya doon." Mungkahi ni Miriam.
"Her parents doesn't know anything." Bumuga ako ng marahas na hininga.
"Sige, basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong."
Ngumiti ako at niyakap si Miriam bago ako tumungo sa pinto.
"Ah, Trina."
"Hmm?"
"Faith might be confused with her emotions, bunga ng mga nangyayari at ginagawa niya. Bumabalik ang isip niya sa panahong hindi pa siya nakakaramdam ng sobrang sakit. Dahil naghahanap ito ng kapayakapaan. Hindi ko sinasabing intindihin mo siya but I think her heart still knows kung sino talaga ang laman no'n."
"It's Trixie."
"Don't judge her feelings sa kung anong nakikita mo ngayon. Ang totoong nararamdaman niya ay natatakpan lang ng pinagdaraanan niya. But I don't want to give you a false hope. Malalaman at mararamdaman mo 'yan sa oras na gumaling siya."
Tumango na ako at pinuntahan si Faith sa waiting area. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Trisha.
"Hello."
"Sis, may favor sana ako."
Hinawakan ko ang kamay ni Faith habang naglalakad kami papunta sa kotse.
"What is it?"
"Paki-lagay naman ng mga damit ko sa isang bag."
Natigilan si Trisha at ilang segundo bago sumagot. " Aalis ka? "
"Sa condo muna ako ni Faith titira."
"Nasabi mo na kay Mom and Dad?"
"Not yet. Ako na ang magsasabi sa kanila, dadaanan ko lang diyan yung damit ko. Hindi kami pwedeng magtagal, alam mo naman."
"Okay, I'll prepare it for you."
"Thank you!"
Ibinaba ko na ang phone at nagmaneho pabalik sa bahay. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makatulog si Faith. Lalo akong nagaalala sa kanya dahilan para isantabi ko ang takot at sakit na nararamdaman ko. Alam kong hindi madali at matatagalan bago siya gumaling.
Sisiguraduhin kong walang ibang makakaalam nito, ipapagamot ko siya sa mga kilala at mapagkakatiwalaan kong espesyalista. Hindi dapat ito makarating sa magulang ko hangga't hindi pa siya magaling.
Tungkol naman doon sa babaeng sinasabi niya, tingin ko kailangan naming mangielam sa kaso pero paano? Ngayong may bahid ng bawal na gamot ang pag-iisip ni Faith.
Paghinto namin sa harap ng bahay ay pinagbuksan kami ng gate ni Kuya Rab. Ako lang ang bumaba dahil tulog pa si Faith, mas mainam na din para hindi ito makagawa ng eksena.
"Nak, bakit hindi kayo dito nagbreakfast?" Salubong sa akin ni Mom.
"Sorry, nagmamadali po kasi kami."