So this is chapter 2. Sorry ha kung na tagalan ako sa pag update nito. Nagkaroon kasi ng problema pag update ko ehh,bumaligtad yung prologue. Ewan ko kung ano ang nangyari ti-nry kong e edit eh kaso ayaw na ehh. Sorry talaga 😔😔
__________________________
“Who are you and what are you doing here?” bungad sa’kin ng guro na may pagkagulat parin sa mukha.
“umattend ng class malamang, kailangan pa ba itanong ‘yan?” pambabara ko sa kan’ya. Bat ba? Badtrip ako eh.
Bigla namang kumunot ang noo nito tsaka nag salita “ohh, so ikaw pala yung transferee na galing sa France? Sigurado ka bang dito ang iyong section?” may utak ba ‘tong guro na ‘to? Di ba obvious na ito talaga ang section ko?geez
“Maam, sigurado po akong dito po ang magiging classroom ko,hindi na man ako pupunta dito eh kung hindi itong room na ‘to ang nakalagay sa form ko” aniya ko sa kanya ngunit mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Okay? Ano ba'ng meron sa section na ‘to ? Pwede na man nila akong papasukin na lang ahh. Kanina pa’ko na ngangalay kakatayo dito ohh.
“okay,wait lang miss maytatawagan muna ako” dumukot ito sa kaniyang bulsa na cellphone at lumayo ng kaunti sakin. Mga ilang minuto bumalik na ito sa kinaroroonan ko. “okay miss please come in and introduce yourself” aniya nito sa’kin tsaka naunang pumasok. Pumasok narin ako na naka yuko at sa pag angat ko ng tingin ay laking gulat ko na man na ang lahat ng mga kaklase ko ay
Puro lalake??!!!!
Tika nahihibang na ata to?pero what the eff!!! Ang mas malala pa diyan ay kaklase ko na naman yung ng bwisit sa’kin kanina sa gate. Gulat na gulat din ito ng makita ako pero napawi din yun kaagad. Tumingin na man ako sa aking magiging guro at tinaasan ito ng kilay. Ngunit hindi ito at nagpatinag at sinabing “now,miss kindly introduce yourself in the class” binalik ko ang tingin ko sa harapan at inayos ang tayo. Dapat chin up tayo. “Hi I am DJ Heart Montessori 18 years old and will be your new classmate and taga bwisit” pakilala ko sa aking sarili syempre binulong ko na lang yung huling kataga lagot na baka mapaaway na naman ako.
Pagtataka,pagkabigla, ‘yan ang naging reaksyon ng mga kaklase ko. Eh syempre sino ba na man hindi magtataka eh lahat sila puro mga lalaki at ako lang ang nag iisang rosas dito. Binalot kami ng katahimikan ngunit nabasag din iyon ng magsalita ang isang lalaki na kulay darkblue ang buhok actually gradient lang siya. Bagay na bagay rin ang kulay ng buhok niya sa kanya. “Maam alam mo na man na ayaw namin sa mga babae eh” aniya niya.
“Tama nga Maam”
“Maam pa alisin niyo po iyan dito”
“pabigat lang ‘yan samin Maam”
Komento ng mga kaklase nito. Aba't anong pabigat ?!! Sinabihan pa talaga nila ako niyan? Baka sila ang pabigat sa buhay ko !!!
Hanggang sa marami na rin ang nakipag komento tungkol sa’kin. Wahhhh!!! Ang ingay nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng isang diyosa? Geez lalake nga naman...
“boys enough! She will be your classmate and you don't have nothing to do about it. Principal na mismo ang nagsabi nito.” tumingin ito sa akin “at ikaw miss,you will be sitting next to mr. Gomez” aniya nito sa’kin sabay turo don sa naka—tika siya!!! Yung bangaw na ng bwisit sa’kin!! Arghhh kung minamalas ka nga na man ohh.
Akmang mag sasalita pa sana ako ngunit inunahan na ako nito “no buts now go to your sit now ms. Montessori” arghh malas talaga!! Binalingan ko na man ng tingin si bangaw,nakangisi ito sa akin at tiyak akong may binabalak na namn ito.
Wala na’kong nagawa kundi sundin ang utos ni Ma'am. Habang naglalakad ako do’n papunta sa direksyon ng halimaw na ‘yon ay tufo sunod na man ng tingin ang mga kaklase. Nang makarating ako ay mas lalo lang ako nitong ningisihan. Syempre ako na di nag papatalo ay binigyan siya ng isang evil smirk saka umupo. “hoy,babaita pati ba na man dito susundan mo’ko” aba't kapal naman ng mukha mo manong. “ako susundan ka? aba't kapal na man ng mukha mo. Bakit pera ka ba para susundan’t hahabulin ko” aniya ko sabay ikot ng mata ko sa kanya. “hoy babae kapal na man ng mukha mong maliitin ako. Sa gwapo kong ‘to ganyan ganyanin mo lang ako” hambog nito ahh “tss,gwapo ba ‘yang tawag sa pagmumukha na ‘yan? Mukha ka ngang bangaw eh” sabi ko sa kanya. Tumayo na man ito sa kanyang kinauupuan “sumusobra ka ng babae ka ha!!” sigaw nito sa’kin. Nabigla na man itong mga nakapaligid sa’min pati si ma'am na busy sa pag didiscuss ay napatingin narin sa gawi namin “mr. Gomez, ms. Montessori,whats the problem?” tanong nito sa’min. Mukhang natauhan na man si bangaw dahil nabigla din ito sa tanong ni ma'am. “nothing ma'am” sagot nito sa kan’ya. Nothing daw? Eh? “kung wala,please sit down nakaka istorbo kana sa klase ko mr. Gomez” saad ni ma'am sa kan’ya sabay harap nito sa board. Binigyan na man ako nitong katabi ko ng masama na tingin kaya sinuklian ko ito ng evil smirk ko. “may oras ka rin sa’kin freak” bulong nito sa’kin “okay hihintayin ko ‘yan” saad ko na man sa kanya saka binaling ang tingin sa white board. Tss as if na man matatakot ako.
Kasalukuyan recess na namin ngayon kaya ito ako naglalakad patungo ng canteen nang mag-isa. Wala na man akong friends dito na makakasabay eh kasi bagohan nga ako diba???
Nang makapasok na’ko sa cafeteria ay sa’kin na lahat ang tingin ng mga tao dito. Okay? So whats with that look again? Gano'n na siguro ako ka ganda sa paningin nila.
“look sis oh diba siya ‘yung transferee galing France?omayghad ang ganda niya”
“Oo nga sis no pero mukhang maldita na man”
“balita ko nasa section 4-A siya? Owemgi ang swerte niya dami pa namang mga gwapo do’n”
“yeah,pero malas din siya dahil malapit siya sa gulo”
“tika kala ko ‘di tumatanggap ng babae si Tristan?”
‘yan lamang sa mga ilang bulong-bulongan na narinig ko. Di ko na pinansin yung iba pa nilang compliments about sa’kin kainis rin naman pakinggan eh.
Dumiretso na’ko sa counter at sinabi ang mga oorderin ko. Maya maya pa ay dumating din ito. Isa lang na man itong 1plate of spaghetti and orange juice. Ayaw kong magasto eh. At isa pa nasa diet ako ngayon. Kailangan ma maintain ang fitness ng katawan ko. Mahirap na baka masira ang kagandahan ko.
Mag isa lang ako ngayon kumakain sa table ko,yung kaklase ko?ayun nasa iisang table sila. Nasa harapan lang na man ng table ko.
Malapit na mag time kaya bumalik na’ko sa aking room. Saktong pag balik ko ay sumunod na man sila.
Dumeretso na kaagad ako sa aking chair at umupo. Saktong pag upo ko ay dumating na rin ‘yung next subject teacher nami. Nagtataka din ito nong makita niya ako ngunit agad din iyon napawi. Discuss.discuss.duscuss.
‘yan lang ginawa namin ngayon geez nakaka antok na. Yung katabi ko? Ito oh pa chill lang. Sarap pa nga ng tulog niya eh.
Saktong bag ring ng bell natapos si sir sa pag didiscuss. So its lunch time. Akmang tatayo na sana ako para tumungo ng cafeteria ngunit tila hindi ako makagalaw.
Anak ng?!!! Nilagyan nila ng glue yung sapatos ko. Sa sobrang inis ko ay wala na’kong nakita kundi kulay pula.
“who the hell did this to me!!!!”

BINABASA MO ANG
Eclipse Of The Heart
Teen FictionTwo couples with two different worlds. Didn't expect that one day they would be together. But not forever.Maraming humahadlang sa kanila makakaya kaya nila? © All rights reserved 2024