Read before you vote...
Hindi ko to ni review ulit so expects some wrong grammars and spelling.
___________________________Its so damn boring here in the Philippines. Wala naman akong magagawa dito eh kundi ang mag mukmok dito sa loob ng kwarto ko. Bukas pa kasi ako makakapasok sa paaralan daw kuno na papasukan ko.
Like its so arghh... ‘bat ba kasi ang KJ ni papa. Sinuntok ko lang na man ang principal ng pinasukan kong school do’n sa France. Nakakainis kasi,ikaw ba na man kurutin sa bandang tenga tingnan natin kung di ka magagalit.
Nga pala andito nga pala ako sa loob ng aking kwarto nag papatugtog ng gitara. ‘yan lang din na man ang magagawa ko dito eh. 6:50pm na ng hapon kaya lumabas muna ako sa kwarto ko upang mag pahangin. Sakto na man pag baba ko ay na abutan ko si Aling Ana na may dalang isang puti na supot. Ano kaya ang laman no’n?
“Oh iha buti’t lumabas kana tutungo na rin sana ako sa kwarto mo eh upang ibigay tung supot na binigay ng papa mo” bungad nito sakin sabay abot ng puting supot. “Ano pong laman nitong supot manang?” tanong ko sa kanya. “ahh ayan, uniform mo ‘yan. Susuotin mo daw ‘yan bukas sabi ni sir.” saad nito sakin sabay turo sa supot na nasa kamay ko. “ahh gano’n po ba,oh sige salamat na lang ” aniya ko sabay talikod pabalik sa’king kwarto.
Pag ka dating do’n,agad kong binuksan ang laman ng supot. Isa lang naman itong black na mini skirt,puti na longsleeve blouse, dark blue na neck tie,black na pan sapaw nito,at black na long socks. Geez ang pangit na man nitong uniporme na ‘to. Wala na bang mas malala pa dito?
...
10:00pm na ng gabi kaya ito ako ngayon nag hahanda ng higaan para matulog. Kailangan maging maaga ako bukas kasi may pasok pa ako and para na rin maging fresh ako tingnan. Lol ayaw ko kayang lumaki ‘tong eyebags ko.
Kinabukasan maaga akong gumising at ginawa ang mga daily routines ko pag katapos no’n ay tumungo na’ko sa baba para kumain ng almusal. Pag katapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa parking lot dito sa bahay namin para kunin ang kotse ko. Yes people may sarili akong kotse ayaw ko kasing maglakad. Malayo kaya yung school namin sa dito. Pumasok na’ko sa driver's seat at pinainit na ang makina. Agad na man akong pinagbuksan ng gate ng aming guard para maka labas na’ko. Eh malamang wala na mang flying car para lipadin mo ‘yang gate. Saad ng makialamero kong utak. Bobo nga na man.
So ayun lumabas na’ko ng gate at syempre nag paalam muna ako kilala manang.
Kasalukuyan akong nag da-drive ngayon. Malapit narin ako sa paaralan na papasukan ko kaya binilisan ko ng kaunti ang aking pagpapatakbo. Saktong magpapark na sana ako ng sasakyan sa parking lot dito sa bago kong school ng may biglang humarang sa dinadaanan ko na black SUV na sasakyan. Sa subrang inis ko bumaba ako ng sasakyan at pahampas kong kinatok ang bintana ng sasakyan nito. “hoy bumaba ka jan! Alam mo na mang may dadaan na sasakyan sa daanan na’to saka ka pa haharang” sigaw ko sa bintana nito. Agad na man bumukas ito at bumungad sa’kin ang isang gwapong lalaki. Ngunit para sa’kin mukha siyang palaka. Naka sun glasses pa ito at mukhang cool na cool pa ito sa ginagawa niya. “excuse me miss,ako ang nauna sa daana’ng ito kaya ‘wag ka ng mag reklamo jan” aniya sabay tanggal ng sunglasses nito.aba't kapal na man ng mukha nitong lalaki na’to.
“hoy mr. Bangaw anong pinagsasabi mo na ikaw ang nauna dito?hoy para sabihin ko sayo ako ang na una dito. Nag overtake ka lang sakin” saad ko sakanya ngunit ang g*go tinawanan lang ako at inalis ang kanyang pangit na sasakyan sa daanan ko.Inis na man akong pumapasok muli sa aking sasakyan at pinarada. Pagkatapos nito ay bumaba na’ko ng sasakyan at pumunta na sa may gate. Ngunit bago pa man iyon ay tumingin muna ako sa taas nito na mayroong nakaukit na mga letra. Lancaster University
Arghh... Kainis. Unang araw pa nga lang badtrip na. Ano pa kaya ang susunod nito? Tumuloy na’ko sa loob at hinanap ang principals office upang kunin ang aking schedule.
Pag ka pasok ko sa loob sakin na agad ang mga mata ng mga estudyante dito. Geez what are they lookin’ at? Ngayon lang ba sila na kita ng isang diyosa? Such pathetic.
Sa ilang minuto kong paglibot - libot ay sa wakas na hanap ko na rin ang principals office. Di na’ko nag abalang kumatok at pumasok na kaagad dito.
Laking gulat ng principal ng makapasok ako ngunit nawala din kaagad. Lumapit ako dito at deretsahang umupo sa upuan sa harap ng table niya. “good morning miss,so you're the transferee from France?right?” bungad nito sakin. “ako nga ma'am,bakit di ba obvious” sagot ko dito. Nabigla na man ito sa mga inasta ko. “your not respectful ms. have your parents tought you good manners?” tanong nito sa’kin. Binigyan ko na lamang ito ng bored look saka nag salita“Maam, matagal na po akong walang galang. And di na man ako pumunta dito para tanungin mo’ko sa mga nonsense na tanong,pumunta ako dito para kunin ang schedule at section ko. Kaya ibigay mo na sa’kin” mahabang aniya ko sa kanya. Umiling iling lamang ito at saka dumukot sa kan’yang drawer.
Na iinis parin ako hanggang ngayon kaya wag na kayong magtaka kung bakit gan’to ako kung makapag asta ngayon.
Sa ilang segundo ay may inabot sa’kin si madam principal na folder. “thats your schedule and section, you are in section 4-A at the 3rd floor and 6 rooms. Don't worry may guide ka na man jan sa folder na iyan kaya di ka na malilito.” aniya nito sa’kin. Agad ko na mang inabot yung folder at umalis na pero bago pa ‘yun syempre nag paalam ako kay Madam principal. Malala na baka ekick out pa ako nito.
Sinimulan ko na ang paghahanap ng magiging room ko. Di nag tagal ay nahanap ko din na man iyon. Medyo tahimik sa loob kaya nasisiguro ko na mayroon na itong guro sa loob. Di na rin akong nag abalang kumatok at deretsong binuksan ang pinto.
Nagulat na man ang guro sa’kin pati ang mga kaklase ko.
“Who are you and what are you doing here?”

BINABASA MO ANG
Eclipse Of The Heart
Fiksi RemajaTwo couples with two different worlds. Didn't expect that one day they would be together. But not forever.Maraming humahadlang sa kanila makakaya kaya nila? © All rights reserved 2024