Chapter One

145 16 2
                                    





Beatrice Taylor






"Will you just fucking listen to me?"

I didn't. I ignored every single slimy bullshit comment na sinasabi nang lalakeng ito saakin. Wala na akong pakiaalam sa sasabihin ng iba. Wala din naman mangyayari kung papakinggan ko pa ang lahat ng sasabihin nila. Walang magbabago sa buhay ko. No home, no family and no jowa na magsisinungaling nanaman sa harapan ko at sasabihing mahal ako kahit ilan beses ko ng nahuling nangbabae. AMEN to that.

"Ha-ha" my own thought brought a chuckled out the shit of me. That, or my insanity was slowly creeping in. One of two things.

"Ano?" Paul scowled, nanlilisik ang mga mata nya, halatang ready na makipag-away. "Tinatawanan mo lang ako? Biro lang ba ang tingin mo sa lahat ng ito? Beatrice?"

He took a heavy step towards me but I held out a hand and met his eyes. "Back the fuck up, Paul."


Surprisingly he did. If only he knew what loyalty meant.


"Let me pack in peace." I said.


Paul kept his jaw locked and looked up and down at me, evident disgust cemented all over his features.
Hinayaan ko lang sya dyan na titigan ako habang patuloy kong kinukuha ang mga damit ko mula sa drawers and throw whatever the hell I could get my shaky hands on into the black luggage I took with me from Texas.


It's crazy how my life can change in just one year. From a good and sweet loving daughter sa Mama ko. At masunurin na anak sa Daddy ko. Ito ako ngayon, gumawa ng malaking desisyon na hindi ko man lang pinag-isipan kung makakabuti ba saakin o hindi.


Nang namatay si Mama last year, naiwan ako ng mag-isa sa province na mga walong oras ang layo sa Manila. Simple lang ang buhay namin doon, kahit na hiwalay na sila ni Daddy at meron na rin syang sariling pamilya hindi naging hadlang ang bagay na yun para hindi mag-supports saakin ang Tatay ko. Ibigay ang mga kelangan ko hanggang makatapos ako ng pag-aaral.



Never na nagkwentuhan si Mama ng hindi maganda tungkol kay Daddy kaya dahil dun mas naintindihan ko na hindi lahat ng bagay kelangan ipilit lalo na pagdating sa isang relasyon. Kung naramdaman nyo na ang unti-unting panlalamig sa pagmamahalan nyo, putulin na habang maaga pa, habang hindi pa ito humahantong sa matinding pag-aaway.




Ganon ang ginawa nang mga magulang ko kaya kahit na naghiwalay ang parents ko never ko sila nakitang nagbulyawan, nagsakitan sa harapan ko. Pinanatili nila ang maayos na co-parenting  para hindi ako maapektuhan kahit na naghiwalay na sila. At dahil dun, mas naipaliwanag nila saakin ang sitwasyon nang medyo nag-matured na ako.



Nang mamatay si Mama, naiwan akong mag-isa sa probinsya. Kaya kinuha ako ni Daddy at dinala sa Texas. Dito na kasi sya sa US nakatira kasama ang bago nyang pamilya. Kaso, sa kasamaang palad three months after my Mama's demise nagkasakit din si Daddy at isang araw hindi na sya gumising pa mula sa pagkakatulog.




Ang sabi ng doctor, nagstop ang puso nya habang natutulog sya. In other term, cardiac arrest. I was devastated, down, depressed and scared for myself. Si Daddy nalang ang naiwan saakin pero kinuha din sya ng Diyos.  Kaya wala nang natira saakin kundi ang sarili ko.




After that, nawalan ako ng gana sa buhay. Nagkukulong lang ako sa kwarto habang ang stepmother ko nagbago nang pakikisama saakin simula nawala si Daddy. Maybe dahil nagluluksa parin sya. Pero mas nagalit sya saakin nang madiscovered nya na nagbibigay si Daddy saakin ng pera for a long time noong nabubuhay pa ito. Hindi nya nagustuhan yun kaya humantong kami sa malaking argument.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of Us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon