EPILOGUE

7 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

EPILOGUE

Madalas naririnig natin ang idyoma o kawikaan na, "we are in the same boat". May iba't-ibang interpretasyon tungkol dito, ngunit kadalasan itong nauuwi sa sentro ng isang paksa— ito'y tungkol sa problema at pinagdadaanan sa buhay.

Pero kung iisipin natin, hindi tayo pare-pareho ng sinasakyan. Maaaring pareho tayong dumadaan sa iisang bagyo, ngunit hindi pare-parehong sasakyang pandagat ang sinasakyan natin.

'Yong iba ay naka-yate, 'yong iba naman ay naka-cruise ship. May mga bangka ang sinasakyan, at ang iba ay pumapalutang-lutang na lamang. Nagpapadala sa alon ng bagyong iyon.

Kapag nasasadlak sa kadiliman at suliranin, madalas nating naririnig na ang problema, huwag tinatambayan, dapat ay daanan na lang.

Pero minsan ba naisip ng nagsabi no'n kung ano ang sinasakyan ng namomroblema? Kung naka-motor ba ito? De-kotse? O naglalakad na lang?

Mahirap magbigay ng isang opinyon sa isang bagay dahil kahit masasabi natin na naiintindihan natin ang pinagdaanan nito, hindi natin naranasan ang naranasan niya. Hindi natin pag-aari ang pagkatao niya.

Kaya nga mas magaan kapag ang karamay mo, ay tinatabihan ka't niyayakap at pinakikinggan.

Puno ang courtroom ng mahihinang bulung-bulungan. May mga onlookers na nananabik na mapakinggan muli ang pagdinig ng kaso ni Ligaya Villareal, ang labing-siyam na taong gulang na namatay dahil sa suicide.

Umupo sa bench ang isang mabagsik ngunit mahabaging si Judge Lauren Laurel.

"The court is now in session. Please rise," direksyon niya sa korte.

Tumayo ang lahat kabilang ang mga akusado, si Chloe at Liam Arkansas, na walang bahid ng pagsisisi, si Julian Malinawin, na walang buhay ang mga mata ngayon, si Toro Avila, na malamig ang tingin, at si Ariana Dimaano, na nanginginig sa takot.

Nandoon din si Ria at Nathaniel. Nasa defense table sila at nakaupo na.

"This hearing is to address the tragic passing of Ligaya Villareal, a young woman who took her own life before she could face her alleged attackers in court," salita ng Judge.

Tumayo ang prosecutor na si Nicole Castillo. "Your Honor, the state is here to present evidence and testimonies in the case seeking justice for the late Ligaya Villareal."

Magkahawak ang kamay ni Manuel at Sinta habang pinakikinggan ang final hearing ng kaso ni Ligaya. Nandoon din si Detective Nadej 'Naj' Ponce, kasama si Beltran at Magsaysay. Maging si Aruella ay nandoon din sapagkat alam niya na ang buong katotohanam.

"Proceed Ms. Castillo."

"Ligaya Villareal was a bright, promising young woman with a future filled with dreams. She was then an outstanding student before the callous actions of her bullies. She was a virtuous friend, an amorous sibling, a loving child. However, her life was cut short by the inhumane deeds of these individuals."

Parang sariwang bumabalik ang alaala ng paghihirap ni Ligaya.

Maayos man ang bihis ni Manuel, maaliwalas man ang mukha ni Sinta, hindi nito maaalis ang katotohanang buhay ang nanakaw sa kanila.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon