Chapter 10: Waking up From the Distress

27 4 18
                                    

(Harri's POV)

Sa unang tingin, di mo masasabi kung masaya ba o nalulungkot ang isang tao. Yeah eyes can tell but sometimes pwede kang lokohin ng mga mata . Just like Kayne, nung muli ko siyang makita after 3 years hindi ko manlang masabing tulad ko may nangyari din sakanya 3 years ago .

Pagkatapos ko siyang makitang umiyak nung araw na yun dun lang ako naliwanagan kung bakit ang laki din ng pinagbago niya. Things really change people's lives. But Kayne changed for the better, I changed for worst.

Bago kami umuwi nun galing sa park ay dumaan kami sa bahay nila. Their house seems to be silent. Siya lang at ang kapatid niyang si Kilyen at Kyl ang nandun . He told me a story.

Weeks after makapunta ako ng China a tragedy happened to their family. His parents died because of an ambush . Yeah ang saklap diba? Kung sino man ang walang pusong gumawa nun mamatay na sana sila. That was Kayne's greatest downfall. Dahil siya ang panganay sa kanya naiwan ang responsibilidad sa mga kapatid niya . Unlike me na may matatakbuhang tito and tita, sila Kayne wala nang kapamilya dahil parehong solong anak ang parents nila. And so they decided na lumipat ng bahay and luckily yun yung bahay three blocks nearer from ours. He told me every night he was crying for his mom and dad he was 16 that time and pareho kami. Kilyen is now 16 and Kyl is 13. But I can see alagang-alaga sila ng kuya nila . Only their parent's butcher ang nagga-guide kay Kayne. He said sometimes gusto niyang sumuko but he can't dahil kelangan siya ng mga kapatid niya . Sa murang edad niya siya na ang humahawak sa nagiisang kumpanyang naiwan ng mom at dad niya.

At masasabi kong bumilib ako kay Kayne. He never surrender . Unlike me ang hina ko . Agad agad akong sumuko . Ni hindi ko magawang panghawakan ang mga naiwan ni dad nang dahil lang sa katangahan ko . Umaasa nalang ako palagi kay tita and tito . Nagiging pabigat ako . I want to be like Kayne pero di ko magawa . Di ko magawa kasi tanga ako . And that make me depressed.

Ilang araw ding nalulungkot ako . Parang ayoko lumabas ng bahay. I can't even face my friends. Ugh nagoover reacting ba ako? Pero parang ang sakit sa ego na ako nagpaka down ng ilang taon nang dahil sa isang pangyayari while there's someone na mas masalimuot pa ang pinagdadaanan kesa sakin pero nagawang bumangon. Nakakahiya. I'm such an idiot. I'm so weak.

"Ate Ha-haaaaaaaaaa!!!!!!!! Omg omg labas ka may mga yummy fafi na naghahanap sayo sa labas!"-Honesty

Tae. Nagmomoment pa ko eh! Kalampagin ba naman bigla ang pinto ko. Pero wait may naghahanap sakin ? Yummy Fafi?

Lumabas ako para silipin at nakita ko ang apat:Blake, chann, Kayne at Sean na umuupo sa sala kausap si tita. Kinabahan ako kasi puro pa naman sila lalake tapos kausap nila tita ko baka makarating kay tito Kris at mali ang isipin.

"Don't worry mamee like them. At paarbor ako ng isa yung purplish gray ang buhok yung matangkad at cute ang tenga"-Honesty.

"Malandi ka. Tell them to wait for me . Maliligo lang ako."

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo . Pagkatapos nun nagsuot ako ng tshirt lang at maong short tsaka bumaba.

"Harri!" Silang apat sabay ngiti. Ay jusko bat ang pupogi ng mga hayup na to pero mas pogi ang chips ko.

"Hi anong meron?" I asked at umupo sa sala.

"Kumain ka muna ng breakfast 'nak and then bihis ka . This boys wanted to bond with you. Three days kang di pumasok. And see they miss you."-Tita.

No one dare asked what happened. I know they're being silent. Ayaw nilang magtanong dahil ayaw nilang masaktan ako. Bat sila ganyan? Ugh nagoover acting na naman ako.

Pagkatapos kong kumain at magbihis ay umalis na agad kami sa bahay. Sasakyan nila Sean ang ginamit namin papunta sa mall.

"We're going to watch 3D movie. Mahilig ka ba don Cua?"-Chann.
Siya lang talaga ang tumatawag saken sa apelyedo ko tas dadagdagan niya ng '-Wa' para tunog chihuahua. Bwiset na Askal na to .

"Hmm okay lang din. Basta ba libre niyo ."-Ako.

"Sure thing. Maraming dala si Kayne ngayon diba fre?"-Chann.

"Tss. Pasalamat kayo kasama si Kilyen at Kyl kung hindi asa pa kayong lilibrehin ko kayo."-Kayne.

"Kadamutan mo. Sabihin mo dahil kasama si Harri kaya ka manlilibre."-Sean.

Nagdeath glare lang sakanya si Kayne. Namiss ko din yung tatlong araw na walang ingay nila.

Pagdating namin sa mall sinalubong kami ni Cha, Kilyen at Kyl.

"Dapat sinama mo na rin si Honesty . Schoolmates pala sila ni Yen."-Kayne.

"Hmmm di ko maeenjoy ang araw na to pag kasama ko yun. Honesty is a great pain in ass Kayne. Maiistress lang ako."

"But she looks nice . Pero its your choice ang importante magenjoy ka ngayong araw treat ko pa naman."-Kayne.

"Maeenjoy ko to promise. Tsaka may pupuntahan yung batang yun. Ewan kung san punta nun." Naglakad kami papuntang pila. Kaming dalawa nalang ang nagvolunteer bumili ng popcorn at drinks ang sisipag ng iba eh.

After manood ng movie ay kumain kami . Napagpasyahang sa McDo nalang kumain yung mga mokong (Sean at Chann) ang namilit gusto daw nila ng kiddie meal para may toys .

"Seryoso kayong dalawa? Ang gagago niyo mga tol . Graduating na kayo sa college napaka childish niyo parin."-Blake.

"Eh ano ba minions to fre mahal bumili ng figure neto."-Chann. Enjoy na enjoy yung dapawang mokong . Hayss mga baliw.

"Guys mauuna na kami ni Cha . May flight pa siya mamaya. Hatid ko muna."-Blake. Paglatapos nilang magpaalam ay agad namang umalis.

"Who would have thought na ang bff kong bakla magagawang lalaki ng isang mahinhin na si Cha ?"-I broke the silence.

"Alam mo di naman kasi bakla yang si Blake . He has his own story that none of us know. "-Sean.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Until now dala parin ni Sean yang mysterious na ugali niya. Hmmm bagay nga siya sa psychology.

"Its 5pm mauuna na ko guys may nag-occupy ng bistro for a debut celebration tonight kailangan ko pang i-manage . See ya next time."-Chann.

"Sasabay na ko kay Chann . Baka late na naman akong makauwi. Bye."-Sean.

At ayun kaming apat nalang ang naiwan. Kayne, Kilyen, Kyl and me.

"Ahm Kuya may bibilhin muna ako for project sa NB."-Yen.

"Ako din sama na ko kay ate."-Kyl.

Nagsipagtakbuhan yung dalawa papuntang National Bookstore. Ang cute nilang magkakapatid. Parang di nila kuya si Kayne. They treat him like their father. At bilib ako dahil ang taas ng respeto nila sa kuya nila.

"The two kids they really respect you. Bilib ako sayo Kayne napalaki mo nang mabuti mga kapatid mo."

"Hmmm. Just like how mom and dad raised me. Mahirap din minsan Harri. Yes I can give what they want . We have the money pero iba pag nandiyan ang parents. Kilyen, she have some complications sa lungs at mahirap pag inaatake siya. Minsan di ko alam gagawin ko. Nasasaktan ako pag nakikita siyang halos habol ang hininga."-Kayne.

"But you're strong Kayne. And I adore you for that. Ang dami mong responsibilidad pero di ka sumuko . While me, I'm one hell of a weakling di ko kayang harapin ang katotohanan. Like what you've said patuloy parin akong ngbubulagbulagan. But I'm afraid Kayne. Natatakot ako na maramdaman ang sakit."

I was shocked when he hold my hand. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Just face it Harri. I'll help you face it just be strong." He said smiling.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakapating sa kamay ko. Why do I have this feeling? The feeling I felt years before.

"Wake up from your distress Harri. Its time to make a move to make yourself happy."

I smiled at him. Parang nakaramdam ulit ako ng ginhawa. After how many years na nagkulong ako sa hawlang puno ng kalungkutan ngayon ko lang ulit naramdaman ang feeling na to . His words are accommodating. Maybe tama si Kayne. Its time for me to wake up. Wake up from this nightmare.

----------------

Ayan naka ud na naman . Sabi na eh basta may laman utak ko makaka ud ako.

Thanks sa bumabasa. Mahal kita.

EvergreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon