-FLAIRE
Pilit ko iniiwasan si Cyziel at lagi akong nakabuntot kay Wendy kasi sumasabay na ako sa kaniya. Minsan naiirita na sʼya pero hinahayaan nʼya ako. Nandito kami sa library ni Wendy dahil sinamahan ko sʼya para sa practical research 2 namin.
Itʼs been three days since nangyari ʼyon at sinimulan ko na rin iwasan si Cyziel. Kapag nga kumakain kami ay nahuhuli kong nakatitig sʼya sa akin at ngumingisi. Tapos dagdag pa sa problema ko si Ace. Hindi man lang sumasagot sa mga text ko sa kaniya. Ayaw ko tumawag sa kaniya kasi may audio recorder ang kuwarto ko at cellphone.
Ipapatanggal ko ito sa kilala kong mahusay na hacker. Tauhan sʼya ng Tita ni Wendy. Hacker ʼyon sa assassin team nila. Nagpapanggap lang ako na nagbabasa ng info sa libro pero hindi ito pumapasok sa isip ko.
Habang si Wendy ay focus masiyado sa pagbabasa. Sa bagay sʼya naman ang leader sa grupo namin. 3 members kami sa isang research paper at kami tatlo ang magkagrupo. Si Thrielle at Wendy ʼyong leader sa grupo namin dahil maasahan naman sila pagdating sa academic habang pabigat lang ako sa kanila.
“Kanina ka pa panay buntonghininga riyan. May problema ba?” mahinang tanong ni Wendy habang nasa libro pa rin ang tingin.
“Halata ba?”
Tiningnan nʼya ako at tinaasan ako ng kilay. “Oo, naririnig ko ang malalim mong buntong hininga saka kanina pa ʼyang nakakunot mong mukha,” sabi ni Wendy at tinuro pa ang mukha ko.
“Actually, naiinis na ako kay Ace.”
Hindi kasi sʼya nagpaparamdam tapos wala man lang text o tawag sa akin tapos online sʼya sa facebook pero hindi nʼya pinapansin ang tadtad kong chat at video call. Siguro busy sʼya pero sana man lang replayan nʼya ako kahit tuldok lang.
“Hindi ko talaga alam kung ano ang nagustuhan mo kay Ace. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kaniya. Halatang may itinatago na baho,” sabi ni Wendy at inirapan ko naman sʼya.
Ang judgemental naman nila kay Ace. Bakit ba ayaw nila kay Ace? Sino ba ang gusto nila para sa akin? Saka may gusto ako kay Ace at ganoʼn din sʼya sa akin.
“Guwapo kaya sʼya tapos academic achiever din and sporty. Kaya nga loyal ako sa kaniya,” kinikilig kong sambit habang na-imagine na liligawan nʼya ako.
Natawa ng mahina si Wendy at napaismid. “Ang tanong, loyal ba sʼya sa ʼyo? Katulad ba ng nararamdaman mo ang nararamdaman nʼya? Siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan, Flaire,” seryosong sambit ni Wendy at binalik sa pagbabasa ang atensiyon.
Napatingin ako sa phone ko at wala pa rin talagang reply si Ace pero online sʼya. “Wendy, dito ka lang muna. Dadaan lang ako sa GAS Department.” Paalam ko kay Wendy saka tumayo.
Mas mabuti pa na dumaan ako sa hallway nila para makita ko kung ano ang ginagawa nʼya. Sana hindi nʼya ako mapansin sa gagawin ko. “Okay, i-text lang kita kung saan ako pupunta mamaya. Baka pumunta ka rito sa library pero wala na pala ako rito.”
Inayos ko ang gamit ko na tote bag na dark brown. “Sige, salamat. Mauna na ako.”
Mabilis akong naglakad paalis sa library. Katabi pa naman ng GAS Department ang TVL Department tapos ayaw ko pa naman na pumunta sa TVL Departament dahil may iniiwasan ako roon na makapal na mukha na lalaki.
Nakaalis na ako sa library at papunta na ako sa building nila. Dire-diretso ang paglakad ko hanggang sa makatapak ako sa hallway ng TVL. Maraming mga nakatambay roon at may ilan pa akong nakikita na nagsho-showdown ng budots.
May mga hawak silang panyo na iba-iba ang kulay. Naglakad na ako sa hallway nila at napapatingin sa akin ʼyong mga nakatambay sa hallway. Nasa pinakadulo ang hallway ng GAS since sila ang may kaunting population. Napatigil ako sa room ni Ace at sumilip doon.
BINABASA MO ANG
IMPERFECT LOVE
Action[SEVENTEEN SERIES #3] Cyziel Lucian Primo ✔️ Flaire Luvierra Fortes, a girl that love thrill in her life. For her, there is nothing that can make her excite aside from having a curiosity to something. Until she found something that can make her thr...