CHAPTER 6

34 3 0
                                    

-FLAIRE

I hate him. I really hate him to the point that I I want him to disappeared. Nakatulala ako rito sa kuwarto ko sa bahay. Umuwi muna ako sa bahay dahil ayaw ko makita ang pagmumukha ni Cyziel. Kasama ko lamang dito sa bahay ay ang mga maids at guards.

Pumunta sa Italy ang parents ko para sa business branch namin doon na make-up and accessories. Pero hindi naman ako nakaramdam ng lungkot kasi binibigay naman nila ang pangangailangan and I should be grateful for it.

Nakahiga ako sa kama habang nakipagtitigan sa ceiling na walang butiki. May purple light ang kuwarto ko dahil trip ko lang. Mahilig kasi ako sa purple na color. Pati mga drawer ko, side table and even my laptop.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa aking kuwarto ay nakita ko ang picture namin ni Ace sa amusement park na nakalagay sa purple picture frame na may design na bear at flower. Kahit hindi ko man matanggap ay nahalata ko kanina na wala sʼyang pakialam sa akin lalo na noʼng nakita ko ʼyong babae na tinutukoy ni Maddison.

Lumapit sʼya kay Ace kanina para punasan ang pawis at abutan ito ng tubig na galing sa tumblr. Nasaktan ako sa nakita ko kanina pero ayaw kong may makahalata. Ayaw kong makita nila ang pag-iyak ko.

Natigil ang pag-iisip ko dahil sa sunod-sunod na katok. Wala sa sariling tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Yaya Annie na halatang kinikilig. “Bakit ka kumakatok?” mahina kong tanong.

Mas lalong namula ang pisnge ni Annie. “May bisita po kayong lalaki sa baba at halatang may lahi,” kinikilig na turan ni Annie.

Sino naman kaya? Saka may lahi raw. Hindi naman bumibisita si Ace sa bahay kasi hindi nʼya alam saan ang bahay namin.

“May lahi? Baka lahing hayop,” sabi ko na kinatawa ni Annie.

“Ang guwapo po nʼya, Maʼam Flaire. Na sa sala po sʼya.”

Gumilid si Annie sa pinto at dumaan ako para tingnan itong bisita na dumating. Habang na sa hagdan pa lang ay nakita ko na ang likod ng lalaki na nakaupo sa sofa. Base sa kaniyang malapad na likod ay parang kilala ko na ito.

Nakalapit na ako sa kaniya at nakasunod sa akin si Annie. Mukhang napansin naman nʼya ang presensiya ko. “Anoʼng ginagawa mo rito?” mataray na tanong ko na kinagulat pa ni Annie.

Of course, magugulat talaga sʼya dahil hindi ako mataray sa kanila at sa iba. Soft voice ang ginagamit ko sa mga kilala ko. Humarap sa akin ang lalaki at nasilaw pa ako sa piercing nʼya sa tainga at dagdag pa ang silver nʼyang kuwintas.

“Ganʼyan ka ba bumati sa bisita, baby?” nakakalokong tanong ni Cyziel.

Tumaas ang kanan kong kilay at nag-cross arms. “Bisita o baka bwiseta? And stop calling me baby. Iʼm not your baby or what,” sagot ko sa kaniya at umupo sa single sofa na kaharap ng kinauupuan nʼyang sofa na mahaba.

Tumabi sa akin si Annie habang nakatayo saka bumulong. “Manliligaw mo ba ʼyan, Maʼam Flaire?” bulong na tanong ni Annie.

Umiling ako at bumulong din. “Nope, hindi katulad nʼya ang tipo ko,” sagot ko rito at nagtataka ang tingin sa amin ni Cyziel dahil sa bulungan namin.

“Tama nga ang sinabi ko kanina na may lahing hayop ang bisita ko,” dagdag kong sambit pero nakangisi lang si Cyziel saka umupo ng nakadekwatro.

Napansin ko sa kaniya ay ganʼyan lagi ang pag-upo nʼya. “Hayop? Then, I will be your animal. Your handsome animal,” sabi nʼya at kulang na lang ay masuka ako sa sinabi nʼya.

Nagpaalam naman sa akin si Annie dahil may gagawin pa raw sʼya. Nakakadiri talaga ang lalaking ito. Walang sense ang mga pinagsasabi nʼya.

“Paano mo nahanap ang bahay ko?” tanong ko dahil na-curious ako kung paano nʼya nalaman.

IMPERFECT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon