Reality # 2: It's good to be in love

51 0 0
                                    

2nd year, 1st sem, classmate ko ulit si Arjel. Naging sobrang close na namin sa isa't isa, hanggang sa naging magbest friend na kami.

Naglalakad ako sa may hallway habang nagbabasa sa wattpad gamit ang phone ko nang biglang may umakbay sa akin. Sino pa nga ba edi si Arjel Floyd Peña, ang new bestfriend ko [among the boys syempre kasi si Pia parin ang BFF ko].

"Oi! Ano yang binabasa mo at ngingiti ngiti ka habang naglalakad?" tanong niya sa akin.

"Wala naman masyado... wattpad lang... yung 'My Lady Gangster' ni GreatPretender04 medyo nakakaloko kasi yung lalaking bida" sabi ko.

"Ah... kaya naman pala..." sabi naman niya.

Hinila niya ako sa papunta sa garden...

reason: para tumambay.

Lagi namang ganito ang sistema namin eh... pupunta sa garden para tumambay tapos mangongopya na yan ng assignments.

Sasabihin ko sa inyo na First LOVE ko si Arjel! Oo first love ko siya... kung nung una crush lang ngayon love na... lalo pa akong nahulog sa kanya noong naging close kami.

So ayun na nga nasa garden na kami tapos nakaupo lang kami doon at nagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay namin noong walang pasok. 

Sabi niya sa akin nagkaroon daw ng practice game ang soccer team nila kaya naman natuwa ako kasi masayang masaya siya sa pagkukwento.

Maya maya pa ay may kinuha siya sa bag niya...

"Angel... natupad na yung wish ko kay ate haha! Binigyan na niya ako ng i-phone!" sabi niya na tuwang tuwa pa.

"Wow edi ikaw na! Congrats!" sabi ko sa kanya.

"Hahaha!!! Ako na talaga! Lika dali picture tayong dalawa." sabi niya sabay hila sa akin.

Nagpicture taking lang kami doon.

Nung last shot na ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko. Nagulat akokaya naman napahawak ako sa pisngi ko habang siya tumitingin lang sa kinuhanan niyang pictures.

Lumingon siya sa akin at ngumiti tapos niyaya na niya akong bumalik sa classroom.

Habang papunta kami sa classroom ay inakbayan niya ako. Nakakainis siya, lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Pero ang sarap sa pakiramdam na masyado kaming close.

Araw araw mukha kaming mag on kahit hindi kasi lagi siyang nakaabay sa akin tapos siya lagi ang nagdadala ng gamit ko.

Niloloko na din kami ng mga kaibigan namin na magligawan na daw kami ni Arjel, mukha na rin naman daw kaming mag boyfriend-girlfriend eh. Pero tinatanggihan lang namin ni Arjel ang lahat kasi hindi naman totoo.

"Angel... tara sa canteen" sabi niya. Nagaaral kasi kami sa library noong time na yun. Tinanguan ko na lang siya since nagugutom na rin naman ako eh...

Nung nasa canteen na kami ay pinaupo niya ako sa may isang round table tapos...

"Angel ano sa'yo? Ako na bibili" sabi niya.

"siomai at water na lang" sabi ko

"Ah sige dyan ka lang ha..." sabi niya.

Kinikilig naman daw ako sa ginagawa niya... lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.

Bumalik siya dala yung pinabili ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang aking siomai pero hindi niya agad ibinigay sa akin ang tubig na pinabili ko imbis ay binuksan niya iyon at ininuman.

"Yah! Akala ko ba akin yan?" sabi ko sa kanya.

"Haha!!! Ako muna! Food Test!" sabi niya.

"Food Test? baka ang ibig mong sabihin eh Drink Test!" sabi ko in a sarcastic tone.

"ah oo nga! HAHA!! Tara kain na tayo" sabi niya.

Nung malapit na akong uminom sa bottle na ininuman niya ay naisip ko na indirect kiss yun kasi uminom na siya dito sa bottle ko. SHOCKS.

"Wait lang ah bibili lang ako ng C2." sabi ko kasi hindi ko matake na sa iisang bote kami iinom ni Arjel. Hindi ko kaya.

"Bakit ka pa nagpabili ng tubig kung C2 naman pala ang gusto mo?" sabi niya.

"Tss... siya hindi na..." sabi ko at napilitan nang uminom sa ininuman niya.

Natapos ang pagkain namin sa canteen ay nagpunta ulit kami sa library. Medyo matagal pa naman ang klase namin eh.

Alam niyo ang sarap pala ng feeling na in love ka no. Yung tipong kapag tinitingnan mo pa lang siya parang tumitigil ang oras tapos pag mag isa ka lang biglang lumalabas yung mukha ng mahal mo na nakangiti kaya mapapangiti ka na rin.

Kung nananaginip man ako SANA hindi na matapos to.

Sa katapusan ng sem binigyan niya ako ng isang cute na hamster! Color white.

=================

Si Arjel sa side Oh ----->

Reality Check ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon