SPECIAL Chapter: The New Beginnings

3 0 0
                                    

Faith's POV

"Gi-sing na i-kaw da-la-wa!" sabi ng isang tinig sa aking tabi. Sabado ngayon kaya ok lang na malate na magising. Lihim akong napangiti sa tinuran ng munting tinig na iyon, malamang umaga na kaya nangungulit na naman siya. Nanatili lang akong tahimik at nagkunwaring natutulog. Naramdaman ko namang umuga ang kama.

"Mommy! Daddy! Gising na kayo dali na~" sabi muli ng munting tinig.

"Alright! Gising na si Daddy so stop shaking the bed" dinig kong sabi ni Arjel.

"Eh si Mommy po hindi pa gumigising" reklamo naman nito.

"Mommy gising ka na daw sabi ni kulit" bulong sakin ni Arjel kaya lalo kong inakap ang unan ko.

"Ah! Alam ko na po para magising si mommy!" at nadinig kong nagbubulungan na ang mag ama. Maya maya pa at naramandaman kong kinikiliti na nila ako na naging dahilan para mapatili ako.

"Okay! Ok... I'm up! Stop tickling me!" nasabi ko na lang at tumigil sa pagpapanggap na natutulog.

"Good morning mommy" sabi ni Anthony, walong taong gulang na bunsong anak namin ni Arjel, sabay halik sa aking pisngi.

"Eh si daddy walang kiss?" kunwaring nagtatampong saad ni Arjel kaya hinalikan din siya ni Anthony.

"Mommy... Daddy... let's go down na. Nagluto si ate Angel ng breakfast. Sabi niya gisingin ko na daw po kayo" sabi ni Anthony na ang tinutukoy ang ate nitong 14 years old na.

"How about kuya Felix, kuya Angelo, kuya Mario and ate Felicity? Did you wake them up?" tanong ko. Si Felix ang 11 years old at si Mario na 10 years old. Si Angelo ang panganay namin na 20 years old at si Felicity na Sumunod dito ay 16 years old na.

"Ate Felicity is already up taking a bath same with kuya Mario then kuya Angelo is busy with his laptop. Si kuya Felix po ay tumulong kay ate na magluto kasama sina nanay Gigi at ate Linda." paliwanag ni Anthony at tinutukoy nito sa huli ay ang aming kasambahay.

"I see... oh sya mauna ka na doon sa baba. Maliligo muna kami ni mommy" sabi ni Arjel at ginulo ang buhok ni bunso na agad namang tumalima.

Nang makalabas si Anthony ay agad akong hinila ni Arjel sa banyo dahil maliligo nga kami. Madalas kaming sabay na maligo kahit wala namang kaming ibang ginagawa... nakasanayan na rin siguro.

Bumaba kami agad nang makapagayos na kami dahil siguradong babalik ang bunso namin para mangulit. Nabungaran namin ang hapag na puno ng mga fried foods at pancakes. Siguradong nangalahati na naman ang laman ng ref dahil kapag ang mga anak namin ang natripang magluto ay lahat ng pwede nilang maluto maliban sa veggies ay lulutuin nila.

Naupo na kami sa hapag at doon na nag-ayang magpray ang bunso namin. After the prayer ay sinabihan ko si nanay Gigi na tawagin ang iba pa naming kasama sa bahay dahil iyon ang nakasanayan namin. Kapag oras na ng pagkain ay dapat sabay lahat na kakain. Apat ang kasama namin sa bahay at isang driver ng mga bata. Kumbaga parang pamilya na din namin sila kung ituring. Special pa ngayon dahil sa dami ng luto ng mga anak namin ay baka hindi na namin kayaning ubusin ang lahat ng ito.

Masaya kaming nagsikain at naaliw din sa mga kwento ng aming bunsong anak. Nang matapos kaming kumain ay nagsipunta kami sa sala ng bahay at nanood sa TV, maliban kay Angelo na nagtatapos ng kanyang term paper na dumiretso sa kanyang kwarto. Napatapat sa channel na ang palabas ay romance ang genre ang TV sa aking paglilipat ay iyon na ang pinanood namin.

"Mommy... may nang away po kay ate sa school kahapon" biglang saad ng mama's boy naming si Felix.

"Mommy... wala po iyon hayaan niyo na" sabat naman ni Angel.

"Hindi kaya Ok yun. He threw your bag in the pond" sagot naman ni Felix.

"Someone's bullying you anak?" nakakunot noong saad ni Arjel na nakabaling kay Angel.

"Dad that's no big deal hayaan niyo na" sabi naman ni Angel.

"Nako anak hindi ako papayag na binubully ka sa school. Sino ba ang lalaking iyon at nang mapuntahan ang parents" may halong pagkainis na sabi ni Arjel.

"Daddy si kuya Devon po" sabi ni Felix.

"Si Devon na naman? Diba sinabihan ko na ang batang iyon na layuan ka" naaasar na sabi ni Arjel kaya hinaplos ko ang braso niya para mapakalma siya.

"Dad it is fine hindi naman nasaktan si Angel" sabi ni Felicity sa kanyang ama.

"Kahit pa she's being bullied" sabi ni Arjel.

"Daddy ok na po prinotect ko po si ate. Binato ko po si kuya Devon ng eraser kasi bad siya" sabi ni Anthony.

"Very good anak" sabi ni Arjel kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bunso bad yun. Hindi ka dapat namamato ng eraser kahit pa bad ang kaaway mo. Sa susunod isumbog mo na lang agad sa mga teacher ok?" sabi ko. Tumango naman siya ng sunod sunod. "At ikaw Arjel wag mong kinukunsinti ang mga maling ginagawa ng mga anak mo" baling ko pa kay Arjel.

"Sorry Misis" sabi niya at nagtaas ng kamay na parang sumusuko kaya nginitian ko na siya.

"Mommy oh si Mario nanonood ng Barbie ayaw ibigay ang remote sakin sabing power rangers na e" rinig kong reklamo ni Felix. Lumapit sa akin si Arjel at bumulong.

"Ah mukhang meron tayong natatagong prinsesa ah" bulong na komento niya patungkol kay Mario.

"Ayos lang yan. Hindi maiiwasan yan... ang mahalaga malusog ang mga anak natin" balik bulong ko sa kanya.

"You're right. Whatever they want to be we will support them" nakangiting sabi niya.

"anlalaki na ng mga anak natin" saad ko.

"oo nga eh. Sana hindi sila magkawatakwatak pag nagsipaglakihan na sila" komento pa ni Arjel.

"Mga kuya mga ate laro tayo ng snakes and ladders!" sigaw ng bunso namin kaya nagsipagtipon silang magkakapatid sa center table at doon naglaro.

Napangiti na lang ako sa aking nakikita. Maya maya'y may ibinulong sa akin si Arjel kaya napangiti ako.

"I Love you, my angel" bulong niya.

"I Love you too hon" balik bulong ko sa kanya. Hinalikan niya ako at niyakap mula sa aking likuran. We are definitely happy and contented. This is how my ever after begins...

Reality Check ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon