Reality #8: Love Can Wait

17 0 0
                                    

Faith's POV

Nag OJT ako kasama si Rhea sa firm ng parents niya. Naging assistant ako ni Ms. Ricaforte. Ok naman ang nangyari at ipinasa niya ako. Ganon din naman si Rhea na naging assistant ni Engr. Duque. So yun na nga nagamit namin ang buong summer break sa OJT.

5th year. Nakapagdesisyon na ako, ipopause ko muna ang love sa sistema ko at magpofocus muna ako para sa future.

Sa sinabi kong magpofocus ako ay talagang ginawa ko iyon at syempre nadamay din sila Erin sa pagseseryoso ko kasi sila ang kasakasama ko sa mga group studies. Pati nga si Mae na hindi mawalay sa anime niya ay napilitan dahil graduating na din kami at kailangan nang magseryoso.

May thesis na kaming kailangang gawin kaya pati si Rhea ay tinantanan muna ang kanyang mga ampon (yung mga libro niya). Sa bahay ni Jess kami laging nagsasagawa ng group studies, take note na no boys allowed dun dahil medyo strict ang parents niya at ayaw siyang papuntahin sa ibang bahay. Minsan kasi nagiging over night ang aming group study at project making.

May mga times na nagkacraming kami ng projects na isinasabay ng ibang prof sa exams kaya talagang wala na kaming time para sa ibang bagay. Ni hindi na nga kami makagala kaya tuwang tuwa ang mga parents namin, bukod kasi sa hindi na kami naglalakwatsa ay biglang nagtaasan ang mga grado namin well except kay Rhea at Erin na mga natural na ang pagiging matalino.

Hindi na din kami masyadong nagkikita ni Pia pero magkatext, magkachat at magkatawagan pa din kami. Bff kami kaya hindi mawawala yun. Balita ko ay nagkabalikan na daw sila ni Paolo matapos ang mga nangyaring nakakalokang mga confrontation sa mga ito.

Si Arjel, aba malay... nung nagseryoso na kasi ako wala na akong balita sa kanya. Hinayaan ko na lang na dumaan ang araw araw na hindi ko siya naiisip dahil sa studies, may good effect naman kasi feeling ko medyo ok na ako.

Ngayon ay nandito kami ni Jess sa loob ng isang coffee shop. Kagagaling lang naming school at pasado alas seis na ng gabi. May group study ulit kami dahil midterms na namin 3 days from now at gaya ng nakagawian ay overnight ulit kami sa bahay nila Jess at eto nga bumibili ng kape para hindi antukin at ng mahaba haba ang aming maaral.

"Anong oorderin natin?" tanong ni Jess sakin.

"Latte na lang yung akin, yung kay erin espresso tapos kay Rhea Latte na less sugar at tsaka cappuccino ung kay Mae palagyan mo ng extra creamer at sugar alam mo naman ang taste bud nung babaeng yun" sabi ko.

"Oh ok, kuya nakuha mo po ba lahat ng sinabi niya?" sabi ni Jess dun sa lalaking nasa cashier at tumango naman ang lalaki at ngumiti.

"Any additional ma'am?" tanong ni kuya.

"Ah yeah pa add po ng isang frap tas lahat po iyon for take out and paki add po ng isang buong mango cake" sabi ni Jess.

"ok po. your order will be *inulit ang order namin with matching mga additional pa*. that will be *price* po" sabi ni kuya ng nakangiti.

Nag abot naman ng bayad si Jess at pinapunta kami ni kuya sa isang table kung saan daw iseserve ang order namin. Habang nahihintay kami ay panay naman ang tipa ni Jess sa phone niya. Kaya ako eto nganga muna pero may lumapit saming lalaki and guess what si kuya Rey lang naman ang lalaking lumapit kala ko kung sino siya lang pala may pashade shades pa wala namang araw baliw talaga kahit kelan.

"Yow Angela musta? makikiupo ako ah" sabi niya na tinanguan ko lang.

"Ayos lang po malapit na ang exams. Magugroup study po kami ngayon. Kayo musta? Ang arte ng style mo ngayon ah shades na shades e. Haha" sabi ko sa kanya.

"Ganyan talaga ang buhay parang life, anyways buti napadpad ka sa aking coffee shop" sabi niya na ikinagulat ko.

"Sayo to? Astig! Dapat pala may discount ako dito e" sabi ko.

"Oy wag muna ngayon nag uumpisa pa lang ang business kaya walang ganyanan. Anyway kamusta kayo nung gwapong sinisilayan mo sa café ni mama?" sabi niya.

"Nino? Ah wala namang something samin nun e." sabi ko.

"Weh? Balita ko na BH ka daw dun e" sabi niya batukan ko kaya to ng isa.

"So?" sabi ko.

"Wala lang pero kung manliligaw may pag asa ba?" tanong niya.

"no comment" sabi ko.

"Love mo?" sabi niya.

"Medyo" sabi ko totoo naman e.

"So pedeng maging kayo?" sabi niya.

"Maybe. Sa right time" sabi ko.

"Hindi pa ba right time?" sabi niya.

"Ewan tsaka hindi naman mangyayari yun" sabi ko.

"Malay mo" sabi niya.

"Well maybe. Anyway Love can wait." sabi ko.

"Ah edi ok. Nga pala sino yan?" tanong niya sabay nguso kay Jess.

"Kabarkada ko, si Jess" sabi ko.

"Pakilala mo ko" sabi niya.

"Nako kuya Rey magtigil ka wag ang tropa ko" sabi ko na may halong pagbabanta.

"tss. papakilala lang eh" sabi niya at ngumuso kaya napatawa ako at napatingin si Jess sakin tapos ay kay kuya Rey.

"Sino yan?" bulong sakin ni Jess.

"Pinsan ko si kuya Rey" sagot sa kanya.

"Ah ok" sabi niya at ibinalik ang atensyon sa cellphone niya.

"Wala kuya hindi siya interesado, see" sabi ko at itinuro pa si Jess.

"Psh" sabi ni kuya Rey at suminangot at sakto namang dumating yung order namin at agad iyong dinampot ni Jess at tumayo.

"Tara late na" sabi niya kaya nagpaalam na ako kay kuya na nakasimangot rin haha.

"Cute" sabi ni Jess na nakatingin kay kuya Rey nang makalabas kami sa shop.

Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga napakamahiyain nitong si Jess.

So ayun nga nagpunta na kami sa bahay nina Jess at nadatnan namin dun si Mae na nilalaro yung alagang pusa ni Jess na si Minx. Si Rhea naman ay aka headset at nagbabasa ng notes niya habang si Erin naman ay nakapikit habang nagdodrawing. Nagtatry na naman siya ng bagong trip, ganyan yan hindi nauubusan ng trip.

Nang mapansin nila kami ay kanyanan sila ng lapit kinuha ang kanilang kape.

"Yey! Salamat sa kape Jess! Da best ka talaga yippie may extra cream and sugar" sabi ni Mae pagkatapos humigop sa kape niya.

"Haha baliw kay Faith ka magpasalamat siya ang nagorder niyan" sabi ni Jess.

"Hai! Arigatou guzaimasu Faithie!!!" sabi niya sabay hug sakin sira talaga haha!

So after naming magkape ay pinakain muna kami ng hapunan at tsaka pa kami nagumpisang mag aral. After hours of studying ay isa isa na kaming nakatulog. And our group studies goes on.

Day of the exam may nareceive akong chocolate sa loob ng locker ko. Ewan kung saan galing. Ang lock nga pala ng locker ko ay yun nabubuksan gamit ang pattern ng numbers. At dahil chocolate yun nakishare si Mae malamang sweet tooth ang bruha.

After the exam ay ganon na lang ang relief ko dahil so far so good ang mga exam ko. Nasagutan ko naman lahat kahit medyo distracted ko dun sa kung sino ang naglagay ng chocolate sa locker ko.

At nagpatuloy ang semester hanggang magfinals at magdefend kami ng title. Ok naman lahat.

Reality Check ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon