Chapter 04: Juniper

2.3K 83 16
                                    


"Donovan Tyson Ybañez, sir."

Hindi ko inaccept ang handshake kaya awkward niya itong binawi at napakamot sa kaniyang batok. Did I ask for this name tho?

"Gusto mo ba ng pakwan sir? Kukuha ako." Tanong niya.

"Get me two." Sagot ko at uminom ng tubig. He grinned and quickly got three slices of watermelon, dalawa 'yong akin.

"Sir, you can call me Don or Dong- oh kahit ano na lang siguro." Sabi niya.

"Shut up, kumain ka na lang diyan. Dami mo pang sinasabi," saway ko sa kaniya.

Parang aso, sinunod niya naman ang sinabi ko. He didn't speak but he was still smiling while eating. Baliw. I rolled my eyes at his stupidity.

Nang matapos na kami'y tinulungan ko silang magligpit. I offered to wash the dishes since wala rin naman akong gagawin. I don't like surfing on my phone that much, mabilis humapdi mata ko.

Nasa dirty kitchen ako at naghuhugas ng pinagkainan namin. Maya-maya nandito ulit ang aso sa tabi ko. Dapat hindi aso—mas bagay sa kaniya ang tuko.

While rinsing the plates, kinuha niya ang mga tapos na at pinupunasan ito bago ibalik sa tamang lagayan. "Leave me alone here," sabi ko sa kaniya havang nagbabanlaw.

"Ayoko sir, dapat kami na ang gumagawa nito."

He looked guilty habang naghuhugas ako ng plato. Ang OA, as if hindi ako naghuhugas ng plato ever since. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya hanggang sa matapos na kami.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko para maligo. I still feel him trailing behind me. Hinintay niyang magsara ako ng pinto bago siya pumasok sa dating kwarto ko.

Matapos mag-ayos, pumunta ako sa balcony ng kwarto ko para magpahangin. I replied to my friends. Tumungo ako sa IG next, baha ng mga comments ang comment section ng latest ko picture. T'was a picture of me before ako mag night out no'ng last.

livvy: Update naman, mahal! :(

justIn21: We still love you, Cian! Fighting!

Pom_7: Update po! We love you!

Simula no'ng mangyari 'yon kay Ysa, hindi na ako nag-update pa. Since nasa break ako ngayon, hindi ako pwedeng magparamdam. I am not Cian "the golden star" for now. As much as I wanted to post an update, for sure ipapa-takedown din naman kaagad. Edi nagsayang lang ako ng effort.

I took a stick of cigarette at sinindihan ito. Nakabili ako kanina sa tindahan malapit sa kapehan habang nakatalikod yung aso. Habang nags-scroll, a notification popped. Isang unknown number.

Unknown: Sir, bawal sigarilyo.

Pot- paano nakuha nito ang number ko?!

Nilingon ko ang room ko at nakita siya roon, nakaupo sa bintana. Sliding window ang nasa dati kong room. He's staring at me with his squinting. Sa liwanag ng buwan, kita ko pa rin ang nakamasid niyang mga mata.

Ugh!

"Where the hell did you get my number?" Inis kong tanong sa kaniya bago sumipsip sa sigarilyo.

"Kay Kuya Rick." Sagot niya at kinaway-kaway pa ang keypad niyang cellphone na para bang inaasar ako.

"Masamang magsigarilyo, sir."

"Hanapin mo ang pake ko," sagot ko sa kaniya after kong bumuga.

"Masama 'yan sa kasulusugan mo, sir. Papaano ka makakapagtrabaho niyan?"

Ang OA, pota.

"Will you shut up? Driver ka lang dito. 'Wag mo 'kong pakialaman." I bluntly said. He did not respond kaya napalingon ako sa kaniya.

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon