Chapter 30: Jelly

2.3K 79 25
                                    

Happy 1k reads, CLCH!

——

"What time did you arrive?" Tanong ko sa kaniya habang nagda-drive siya. He also told me na nagtaxi lang siya papunta sa'kin, dahil pinaayos pa niya ang sasakyang hiniram niya sa kamag-anak niya rito sa Manila.

Now, Cody has another driver na. Naka focus lang ang mata niya sa daan. Dapat lang kasi hindi ko siya masasagot kapag mabunggo kami.

"Just in time na nakalabas ka," sagot naman niya. "You've done well, boo," dugtong pa niya at inilagay ang kaniyang right hand on top of my left thigh.

Napatingin naman ako roon. "Getting touchy, are we?" Nakangising tanong ko sa kaniya at tinitignan ang kamay niyang nasa thigh ko. He slightly pinches my thigh; I turn my gaze at him at nakita siyang nakangisi.

Tuwang-tuwa pa sa pagcha-chansing ang mokong.

Gusto ko naman.

"Where and what do you want to eat, boo?" Tanong niya at hindi sinagot ang pang-aasar ko. Kung hindi niya pa tinanong, hindi ko maalalang hindi pa pala ako nakakain mula kaninang umaga.

It's already over two in the afternoon. Hindi pala butterflies in my tummy ang nararamdaman ko ngayon—mga nagwawalang intestines pala, kasi wala nang laman ang tiyan ko.

"Ikaw, anong gusto mo?"

Kumunot ang kaniyang noo at saglit akong tinignan. "That's why I asked you, boo," sagot naman niya na para bang ang bobo ng sagot ko.

Napairap ako. "Kahit saan na lang," sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gusto kong kainin. All I want is to eat.

Natahimik siya panandalian. Alam kong iniisip din niya kung saan p'wede. Actually, I'm all good kung saan man. I'm not that picky of an eater now, after I left La Castellana. Nang dahil sa mga luto ni manang Rita, nakakakain na ako ng kung anu-ano.

Huminto muna ang sasakyan dahil nasa stoplight kami. Humarap siya sa'kin ng may nangungusap na mga mata. "Do you want to eat in my apartment?" Tanong niya.

My face beamed as my mood started to shift from boredom to excitement. "Sure! Cook for us then," sagot ko sa kaniya. He chuckled and slightly pinched my thigh again.

"You're so cute, my love," aniya at pinisil ang aking pisngi. Kaagad ko namang hinawi ang kaniyang kamay at hinawakan ang parte ng aking mukha na kung saan niya pinisil.

My face is heating from his sudden compliment. Alam kong parte ng panliligaw niya ang panlalandi sa'kin. Pero wala man lang bang warning dyan, Tyson? Napakaharot eh.

Ganito rin kaya siya sa dati niyang nililigawan? Sino nga 'yon... ah, si May.

Unconsciously my lips pursed at the thought of May. He must've noticed my sudden change of mood kaya hinawakan niya ang pisngi ko.

"Oh, ba't ka naman nakabusangot diyan?" Tanong niya nang makita akong nakanguso.

Saglit kong tinignan ang stoplight, may 10 seconds pa bago magpalit ng kulay. I removed his hand on my cheek.

Mabilis pa sa mabilis... I leaned and swiftly planted a kiss on his lips.

He froze.

Nagulat siya sa ginawa ko. The look on his face made me chuckle. Inayos ko na ang upo ko nang makitang 3 seconds nalang ang naiiwan sa timer. Habang siya'y nakatingin pa rin sa gawi ko.

Tumikhim ako at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa hita ko. "Green light na, Tyson," sabi ko sa kaniya.

Kung hindi pa bumusina ang sasakyan sa likuran namin, hindi pa siguro siya matatauhan. I laughed at his panicked response to the car's honking. Napansin ko ang pagseryoso ng kaniyang mukha habang nakatingin diretso sa daan.

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon