Chapter 35: Tease

2.3K 62 10
                                    

Warning: Mature scenes ahead. Reader's discretion is advised.

———

Nabulunan ako nang banggitin ni Tyson ang pangalan ni Hugo. He's the new instructor? Kailan pa sumide-line sa pagtuturo ang isang yun! Kaya pala hindi namin mahagilap nitong mga nakaraang buwan.

Hindi na rin siya masyadong nagse-seen sa GC namin. I know he's busy with the controversial case that he's holding up until now. Naging malaking usapin at laman ng balita ang kaso ni Senator Ontengco. Paminsan-minsa'y nakikita ko rin si Hugo sa TV at ini-interview.

"What's with the reaction, Boo?" Kunot-noong tanong ni Tyson habang pinapahid ko ang tubig na naibuga ko sa lamesa.

I haven't told him about the guys yet. Pero sila, alam lang nila na may partner na ako, hindi nila alam kung sino. But base sa sumbong ni Tyson kanina, I bet pinaghihinalaan na siya ni Hugo. They know that my boyfriend reviewing para sa Bar exam.

Binigyan pa ako ng table napkin ni Tyson para punasan ang sarili ko. Napaka-OA ng naging reaction ko, hindi rin ito ang first time na narinig ko siyang banggitin ang pangalan ng kaibigan ko, he once mentioned Lionel's name in the past. Pero him, possibly knowing about Hugo—is a shocker for me. Parang kambal kasi ang dalawa, yun nga lang sobrang seryoso lang ni Hugo.

Parehos silang borta, malaki ang katawan at hayok sa pagwo-work out kapag may free time. Kaya feeling ko magkakasundo sila. Pero hindi ko inaakalang ganito kaaga.

"W-Wala, sorry for the mess."

"It's alright."

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos, nagpresenta ako na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. He silently agreed and went to the bathroom to clean himself up at nagtoothbrush. Hindi niya na ako tinapunan ng tingin at kinulit habang naghuhugas ako ng plato.

I know something's bothering him. Hindi na umiimik ang mokong eh. Hinayaan ko nalang muna siya at nilinis nalang ang lamesa.

"Para na talaga kitang asawa, Boo." Rinig kong wika ni Tyson mula sa aking likuran.

Nahinto ako sa pagwa-wipe ng lamesa at tinignan siya. Napaawang naman ang bibig ko nang makita siyang tanging tuwalya na nakatapis lamang sa kaniyang beywang ang suot niya. He's leaning on the doorframe, looking like a Greek God with his luscious build.

Putang ina. Heto na naman ta'yo.

Alam na alam mo talaga kung papaano ako kunin, Ybañez!

His arms were crossed in front of his chest habang nakatitig sa pigura kong tumutuwad kakalinis ng lamesa.

"Hindi mo pa ba ako asawa, Tyson?" Mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Natawa siya nang mahina at dahan-dahang lumapit patungo sa'kin.

Binitiwan ko ang trapo na nasa kamay ko't saka siya hinarap.

Alam ko ang binabalak ng mokong na 'to. His gaze is familiar. 'Yang mga titig niyang para akong hinihigop palagi. Kahit na hazel brown ang kaniyang mga mata, nagdidilim ito sa tuwing may binabalak siyang gawin.

Sumandal ako sa lamesa at itinukod ang mga kamay on top of the table. I am staring at his topless body, eyes down on his glorious six-pack abs, nakakainggit man minsan pero nananaig ang tukso sa'king isipan!

"Tyson..."

Nang makalapit siya sa'kin, itinukod niya rin ang kaniyang mga kamay sa lamesang nasa aking likuran. Kinulong niya ako. May kaunting space sa pagitan ng aming mga katawan.

"Do you know Atty. Montenegro, Lucian?" He looked so serious right now. Ibalik mo 'yong Tyson ko huy! Asan na 'yong parang golden retriever kong jowa. Para na siyang german shepherd ngayon. Seryosong nakatitig sa'kin at animo'y kakagatin niya ako anumang segundo.

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon