04

20 2 1
                                    


Dimitrius Villaro...a cunning and a ruthless man. He's vengeful and spare no one, and I am no exception.

"Aiah, anong oras ka ba nakatulog kagabi at parang puyat na puyat ka?"

Hindi ko na nilingon pa si Rachel bagkos ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-che-check ng test papers ng mga estudyante ko. This papers...should have been done kagabi, but my unexpected visitor tortured me the whole night.

He knew me very well and the impact of his presence is my greatest distraction, and knowing that, he never left by my side aside when I'm taking an evening bath. But knowing that leaving the bathroom, there's him awaits, did not help.

And to make things worse, he even slept by my side, right on my bed, with his warm chest pressed against my back and his arm on my waist, caging me from the back.

How could I sleep in that situation?

If it was before, I might be soundly sleeping on his arms, but now it's a nightmare.

Hindi ko siya nakita ng mahigit pitong taon, at ngayon na nandito siya sa tabi ko ay hindi ako mapakali lalo na't hindi siya nagsasalita at tanging malalamig na titig lamang ang ibinibigay niya, then he'll cuddle me on my bed? He's punishing me.

Kilalang kilala niya ako, alam na alam niya ang epekto ng presensya niya sa akin kaya he stayed, letting me overthink the whole night, deprived of sleep.

I tried my best to sleep, close my eyes tight, but his breath fanning my neck and just his overall presence stirred my senses.

Sa tingin ko mga bandang alas kuwatro na ako nakatulog dahil hindi na kaya ng mata ko ang antok at ng magising ako ay alas utso na ng umaga kaya agad akong bumangon at naligo. I thought he left since I woke up with an empty space behind my back, but when I strode outside my bathroom door, I froze when he was comfortably sitting above my bed.

Hindi ako nakapag-react agad. He's leaning lightly with both his hands on the bed, supporting his upper body. Mukhang nakaligo narin ito dahil medyo basa pa ang ilang hibla ng kanyang buhok. He's wearing an armani men's long sleeve, and a surely expensive black trouser.

Agad na nag-init ang buo kong mukha ng ma-realize ang aking itsura, nakatapis lang pala ako ng tuwalya na hanggang sa gitna lamang ng aking hita ang haba.  Mahigpit akong napahawak sa tuwalya upang masigurong hindi ito mahuhubad.

With Dimitrius raking my body with his eyes, I run towards my closet at agad na humanap ng masusuot na damit.

Walang lingon akong nagmadaling bumalik ng banyo at agad na isinara ang pinto.

"Shit." Kinagat ko ang tuwalya at nagpigil na sumigaw dahil sa hiya.

Bakit ko nga ba naisip na umalis na si Dimitrius when there's no way he'll just left that easily and torture me lightly.

Wearing a white Lee v-neck t-shirt, tucked inside my black trouser ay lumabas ako ng banyo. Alam kong hindi pa umalis si Dimitrius kaya pilit kong kinalma ang sarili at umaktong hindi ako naaapektuhan ng presensya niya, pero sa loob loob ko ay gustong-gusto ko ng tumakbo upang takasan siya.

But again he's Dimitrius, baka nga at hinayaan niya lang akong mawala ng ilang taon upang may mapaglaruan siya pag nag-cross ulit ang landas namin.

But again, he's Dimitrius. A man who doesn't go after a woman. Baka na hit ko lang ang ego niya dahil bigla akong nawala na parang bula. Ewan. Kahit masabi kong kilala ko ang isang Dimitrius Villaro, he's still a puzzle to me, a puzzle that's impossible to solve.

Naglakad ako sa harap niya na hindi siya binibigyan ng pansin. Ramdam ko ang mga mata niyang sumusunod sa bawat galaw ko, tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

The First LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon