First Part
“ANONG ORAS NA?” tinatamad kong tanong sa katabi kong si Pria.
“2 am, Adi.” sagot nito. Grabe! Ilang oras pa ba ang kailangan bago kami makarating sa university na pupuntahan namin? Free raw kasi lahat sa university na 'yon. At dahil free,ang haba ng byahe!
Mga bandang alas otso ng gabi kami bumyahe at hindi ko talaga inaakala na hindi pa rin kami nakarating doon eh alas dos na ng madaling araw.
Napa-iling nalamang ako at pumikit ulit. Mas mabuti pang matulog muna ulit ako. Dalawang beses na akong nagising pero hindi pa rin talaga kami nakarating.
•••
Kinusot ko ang mata ko at napatingin sa gate na nasa harap namin.
Ang laki!
I heaved a sigh. Bakit parang hindi ako comfortable? Bakit ang weird nang naramdaman ko? Bakit hindi ako masaya? Or na excite man lang?
I sighed again.
Parang gusto kong umuwi pero ngayon pa ba ako aatras na nandito na kami? Teka,nasaan nga kami? Saan nga ang destinasyon namin?
Inilibot ko ang aking paningin. Nandito kami sa isang malaking bahay?school?or is this a mansion? Hindi ko alam. Hanggang limang palapag ito. Hindi ko matandaan paano ba ako or kami napunta rito? Teka,bakit ba? Bakit ba wala akong matandaan? Bakit ba kami nandito?
Nag-lakad kami ng mga kaibigan ko papunta sa fifth floor. Ang ganda ng kwarto na aming pagtutulogan. Wait,pagtutulogan?
Hindi ko matandaan na magbo-boarding house pala kami.
I don't know why I am here!
Hindi ko rin matandaan paano ako napunta rito!
This is somehow creepy. Bakit wala akong matandaan man lang? Bakit?
Gusto kong umuwi pero hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanila.
“Adi,okay ka lang?” tanong ni Jamy,pinsan ko. Tango lang ang tanging naging sagot ko.
“Sure ka? Kanina ka pa namumutla d'yan ah.”nag-aalalang sabi ni Pria.
“Oo,okay lang ako.” mahinang sagot ko. They heaved a sigh at napatango nalang.
Umupo ako sa isang sofa habang pinagmamasdan silang lahat.
Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why can't I be happy just like them? Na nandito kami sa magandang kwarto,kasama ang mga kaibigan ko,bakit?
“Labas tayo tara!” sigaw ng isa ko pang kaibigan na si Beni. Sumang-ayon naman ang lahat.
Gusto kong manatili dito at matulog pero natatakot ako. Pagod lang ba ako?
Napabuntong hininga ulit ako.
“Hoy! Okay ka lang?” tapik ni Chris sa akin. Tumango naman ako.
“Sigurado ka,'nak?” nag-aalala ring tanong ni Franky.
“Kanina ka pa tahimik ah,hindi ka naman gan'yan.” sabi pa ni Eddy.
“Ewan ko. Hindi ko ma intindihan ang sarili ko.” mahinang pag-amin ko sa kanila.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Beni na nasa tabi ni Eddy.
Napakibit balikat lang ako. Kung hindi ako nagkakamali at nasa third floor na kami. Napatingin ako sa kabilang hagdan na dinaanan namin. I don't know pero I suddenly felt unease at medyo nanindig ang balahibo ko.
May isang matanda,wearing red na para bang isang clerk ng Jollibee. Nakatingin lang ito sa ibaba. Nanindig ang balahibo ko kaya naman napahawak ako sa mga lalaki kong kaibigan.“Anong problema mo?” nagtatakang tanong nila. Umiling lang ako at napa hawak ulit ng mahigpit sa kay Chris at Franky.
Noong makarating kami sa second floor ay nadatnan namin si Rence. Isa pa naming kaibigan. Naka uniform pa ito.
“Oh,mag e-enroll ka ba?” tanong ni Eddy dito. Umiling lang ito.
“Hindi muna siguro haha.” sagot nito. Bumuntong hininga naman si Eddy at tumango.
We're incoming college na,kaya siguro tinanong ni Eddy si Rence kung mag e-enroll ba ito. Si Jamy ay hindi s'ya nag-enroll dahil magt-trabaho daw muna s'ya.
Tinignan ko ang uniform ni Rence at ibang lalaking kasama ko. They're wearing their senior high uniforms.
Bakit? Graduate na kami sa senior high ah. So,bakit suot pa rin nila ang uniforms nila sa senior high?
Umiling ulit ako at sumunod sa kanila noong pababa na kami ng naturang building. Para naman akong nabunutan ng tinik sa puso noong nasa ibaba na kami. Pero hindi pa rin talaga totally okay na ang nararamdaman ko.
Noong nakita ko ang gate ay gusto kong lumabas. Kalsada naman ang labas pero walang taong naglalakad sa labas. Siguro meron doon sa malayo pero halata namang hindi rin kami makikita rito. Kung makikita man ay siguro hindi gaano talaga.
Umupo kaming lahat sa mga arm chairs na nasa isang hardin. Ngayon ko lang napansin na marami pala kami. May mga familiar faces na matagal ko nang hindi nakita.
I'm still confuse. Ano ba talagang ginagawa ko rito? Is this a dream? Pero bakit mukhang totoo? Or totoo talaga ito?
Nag-uusap ang mga kaibigan ko pero hindi ko alam kung ano na ang mga pinag-uusapan nila. All I know is ang topic nila ay about highschool life, enrollment for college at iba pa. Nakikinig ako pero wala ni isa akong naiintindihan.
“Adi.” napalingon ako kay Jane, pinsan ko rin. “Okay lang?” bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tumango lang ako at pinipilit ang sarili na ngumiti.
“Alas tres na,balik na tayo?” tanong ni Jamy. Tumango kami at nag-lakad na nga pabalik sa building. Mayroong mga iilang estudyante na nauna sa amin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Nasa ibaba kami at ang iba ay nasa itaas na. Lahat sila ay lumingon sa amin na nasa ibaba. Bakas sa mukha nila ang pagtataka. Napansin ko naman na lahat pala kami ng mga kaibigan ko ay huminto.
“Anong ginagawa n'yo d'yan?” nagtatakang tanong nila.
Sumikip ang dibdib ko at gusto kong sumigaw. Kaso hindi ako makapag-salita. Sumisikip ang dibdib ko.
“Aaahhhh.” sigaw nang mga kasama ko. Doon ko na naramdaman ang labis na kaba at pangangatog nang tuhod ko.
“Anong problema n'yo?!” sigaw ng mga estudyanteng nasa itaas hagdan na naka-dungaw sa amin.
“Ahhhh!” sigaw parin ng lahat.
“Sa itaas!” sigaw ni Jane at itinuro ang matandang lalaki na naka-dungaw mula sa itaas.
YOU ARE READING
Inferno University (Short Story)
Horror✧*。A Short Story.。*♡ "Hindi ito panaginip,Adi. Maligayang pagbabalik sa Inferno University...Adi."