Third Part

3 1 0
                                    

Third Part

“Walang ano man. Ang gagaling n'yo naman. Ang gaganda n'yo pa. Ma inam,Jane. Ang galing mong pumili. Sakto sa panlasa ko.” nanindig naman ang balahibo ko sa sinabi nito. Bigla itong lumapit kay Jane at ramdam ko ang pag-haplos nito sa pisngi ni Jane. Sumunod ay kay Jamy at sa dalawang babae bago sa akin.

“Ikaw,Adi. Ang tahimik mo ata? Alam mo,saktong sakto ka talaga sa panlasa ko,”hinaplos n'ya ang pisngi ko at mabilis kong hinawi ang kamay nito. Natawa naman ito at hinawakan ang likuran ko. Mabilis akong lumayo rito. “Ano ka ba,huwag kang matakot. Magugustuhan mo din ako mamaya.” nakakatakot na humalakhak ito. Naramdamam ko naman ang ma init na likidong kumawala sa mga mata ko.

“Akin na ang mga bra n'yo!” sigaw nito. Humihikbi akong napatingin sa mga babaeng kasama ko na hinubad ang bra nila. Tumingin silang lahat sa akin kabilang na rin ang nakakatakot na taong kanina ay matanda. Isa s'yang demonyo!

“Ako na ang magta-tanggal n'yan.” nakangising sabi n'ya. Akmang hahawakan n'ya sana ang dibdib ko pero mabilis akong napatakbo katabi ni Jane. Nakikita ko rin ang takot sa mga mata nito. Hinubad ko ang bra ko at ibinigay sa demonyong nasa harap ko. Kinuha n'ya ito at bahagya pang hinaplos ang kamay ko. Nanginginig kong hinablot ang kamay ko sa pagkaka-hawak nito.

“Hay,ang ganda n'yo talaga.” nang mamanyak na hinaplos n'ya si Jane pero mabilis na lumayo si Jane dito. Napahawak ako kay Jane ng wala sa oras. Tumakbo din si Jamy at dalawang babae papalapit sa amin ni Jane. “Ano,natatakot ba kayo?” nakangising tanong ng demonyong lalaki. “Hali kayo, sisiguraduhin kong magugustuhan ninyo ang gagawin mo sa inyo.” ngumisi ulit ito at dinilaan ang ibabang labi nito. Para akong nasusuka noong makitang kulay itim ang laway nito na bumasa sa ibabang labi n'ya. Bumaba pa ang itim na laway nito hanggang sa leeg nito.

“Ano bang kailangan mo sa amin?!” sigaw ni Jamy dito.

“Jamy...ang ganda mo. Ikaw ang pangalawang nakakita sa akin. Una si Jane,sumunod ikaw Jamy,tapos kayong dalawa at...ikaw ang huli,Adi.”bakas sa boses at tingin nito sa amin ang pagnanasa. “Hali kayo,huwag kayong matakot sa akin.” nanindig ang balahibo ko noong nanlilisik ang mata nito at hanggang tainga na ang ngiti nito. Mabilis kong hinila si Jamy at Jane.

“Takbo!” sigaw ko. Tumakbo naman kaming lahat at hinabol kami noong lalaking demonyo.

Hindi ko alam saan kami napapadpad kakatakbo. May ma ngilan-ngilan pang estudyante ang nagbabarilan at katulad ng ibang kaibigan namin,hindi na sila bumabangong muli.

Anong klaseng panaginip ba 'to? Sana may gumising sa akin! Natatakot na ako! Natatakot ako sa posibleng mangyari sa amin! Saan ba ang gate? Bakit wala na?

“Bakit nawala ang gate?!” sigaw ko. Humagulhol ang mga kasama ko at ngayon ko lang napag-tanto na wala na palang humahabol sa amin pero...

“Tumakbo kayo!” sigaw ng isang lalaki mula sa building. Napatingin naman kami sa kanang bahagi namin. Para akong na istatuwa sa kinatatayuan ko noong makita kong papalapit sa amin ang napaka-laking aso. Kasing tangkad ko lang siguro ito pero sobrang laki n'ya. Para s'yang bulldog.

“Tara na!” hinila ako ni Jane at tumakbo kami patungo sa...kanal? Napalinga-linga ako. Kaming tatlo ni Jamy at Jane lang nandito. Hindi namin alam asan 'yong dalawang kasama namin. Hindi ko rin alam nasan na 'yong aso.

Inilibot ko ang paningin ko. Puro mga matataas na mga damo ang nakikita ko sa kabilang bahagi ng kanal. Hindi ko alam kung kapag ba magtatago ako sa mga damo may lupa ba 'yan o wala. Baka lumubog ako kung sakaling pupunta ako d'yan.

“Hindi pa ba tayo tatakbo?” kinakabahan na sabi ni Jane.

“Dito lang tayo. Hintayin natin na dumating 'yon.” nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Jamy. Napatingin ako kay Jane. Hindi ko alam kung pariho ba kami nang iniisip. Parang nag-uusap ang mga mata namin at sinasabing baka traydor si Jamy.

“Bakit?” biglang tanong ni Jamy at masamang tumingin sa amin. Sabay naman kaming napa iling.

Hanggang sa napag-tanto naming umalis doon. Sumunod lang kami kay Jamy at may mga classrooms kaming nadadaanan. Saan na ba kami? Ganito ba talaga kalaki ang paaralang ito? Nalilito na talaga ako!

“Aaaahhh!” biglang sumigaw si Jane at tumakbo pa kanang bahagi. Ang aso! Nasa likuran namin! Tumakbo si Jamy papunta sa kaliwa kaya naman,wala akong choice kundi tumakbo papunta sa classroom sa di kalaayuan. Hinahabol pa rin ako ng aso!

Mabilis akong pumasok at sinarado ang pinto. Rinig kong tumatahol nang nakakabingi ang aso sa labas at parang masisira na ang pinto sa pagpipilit nitong pumasok. Hinila ko ang mga desks at armchairs para iharang sa pinto. Umiiyak ako sa loob ng madilim na classroom.

Panaginip ba ito? Please...gisingin n'yo na ako! Natatakot na ako. Sobrang natatakot na ako!

Ilang sandali lang ay nawala ang kalabog sa pinto pero bigla kong narinig ang mga estudyante na nagtatakbuhan sa labas. Dahan-dahan akong sumilip sa bintana. Si Jamy. Hinahabol n'ya ang tatlong estudyante. Dalawang babae at isang lalaki.

“Alam n'yo,hindi kayo makakatakas dito.” nakangising sabi ni Jamy.

“Ano bang kailangan n'yo sa amin?! Ha?” sigaw nung isang babae.

“Ano? Syempre,paglalaruan at ang iba pagsisilbihan si master.” masayang sabi nito at tila mapupunit na ang bibig nito sa pag ngiti. Bigla itong tumingin sa direksyon ko. Napatakip ako sa bibig ko at mahinang humikbi.

“Itong mga ginagawa ninyo,alam na ito ng mga detectives ngayon! Akala ninyo hindi nila malalaman ang mga ginagawa ninyo dito?” halata sa boses ng lalaki na nilalabanan lang nito ang takot n'ya.

“Hahaha talaga ba? Nakakalungkot naman,” nakangusong sabi ni Jamy at pinunasan ang baril nito bago nakangising tumingin sa tatlong estudyante. “Nakakalungkot dahil kapag dumating na sila dito ay...wala na kayo.” nanlilisik ang mga mata ni Jamy noong sabihin n'ya iyon. Pinagbabaril nito ang tatlong estudyante. Na iyak ulit ako sa pangyayaring nasaksihan ko.

Inferno University (Short Story)Where stories live. Discover now