Second Part

4 0 0
                                    

Second Part

'Yan ang matanda kanina sa third floor!First floor ito pero bakit s'ya nand'yan? I mean,possible naman na bumaba s'ya kaso kung ano 'yong postura n'ya kanina noong makita ko s'ya sa itaas ay ganoon pa din ngayon! Ang mas nakakatakot lang,ay kanina,nakita ko s'yang nakatingin lang sa baba. Habang ngayon ay kami na ang nasa ibaba at naka-tingala dito.

“Ano? Anong itaas?” nagtatakang tanong ng isang pamilyar na lalaki.

“Malamang aakyat tayo,praning ba kayo?” nagtawanan naman sila sa sinabi ng isa pang lalaki.

“Hindi!” sigaw ni Jamy.

Naguguluhang nag-tinginan ang mga estudyante sa isa't isa. Humugot ako nang malalim na hininga at dahan-dahang itinuro ang matandang nasa itaas at naka-dungaw sa aming lahat. Dahan-dahan silang napatingin lahat sa itaas at biglang nanindig ang balahibo ko noong ngumiti ito. Nakakatakot!

Binalot nang sigaw ang paligid at lahat ay nagsi-takbuhan dahil sa kanilang nakita. Tumango ako kasama ang mga kaibigan ko. Napadpad kami sa likod ng naturang building. Ang daming puno! Nakakatakot! Mayroon ding maliit na kanal na may maduming tubig.

“Hahahahaha.” napahinto ako sa pagtatakbo noong marinig ko ang boses ni Jane sa likuran. May dala itong baril! Tumago ako sa likod ng puno at nakita kong binaril n'ya si Jamy!

Tumakbo ulit ako pero noong umikot ako sa isang puno ay nagulat ako dahil nandoon si Jamy. Nakangiti sa akin at...may dalang baril! Tumakbo ulit ako pabalik kaso nandoon si Jane,papalapit ito sa akin!

Ano ba 'to? Ano ba ang nangyayari?! Bakit? Bakit? Bakit biglang nabuhay si Jamy? Binaril na s'ya ni Jane! Bakit? Bakit buhay pa s'ya?! At ngayon silang dalawa na ang namamaril?!

Pa ikot-ikot lang kaming tatlo sa tatlong puno na para bang triangle kung titignan mo ng maayos ang layo ng tatlong puno sa isa't isa.

“Hahaha saan ka pupunta?” nangatog ang tuhod ko noong nasa harap ko si Jamy. Tinutukan n'ya ako ng baril. Napa atras ako pero may nakaharang sa likuran ko. Ang puno! Gusto kong sumigaw pero kahit ang bibig ko ay nangangatog sa takot.

Tatakbo sana ako sa kanang daan dahil nasa kaliwa si Jamy ngunit biglang lumabas si Jane. Tumatawa din ito sa akin. Katulad ni Jamy,nakatutok din ang baril ni Jane sa'kin.

“Akala mo siguro hindi ka namin babarilin?” nakakatakot na tumawa si Jamy.

“Hahahah akala n'ya lang 'yon. Pinsan ka namin 'di ba? Kaya join us!” sigaw ni Jane at nagtawanan silang dalawa.

“P-P-Please...H-Huwag...m-maawa kayo s-sa a-akin—

Natigilan ako noong makarinig ako na may pumutok na baril. Nagtawanan silang dalawa at doon ko lang napag-tanto na binaril pala ako ni Jamy. Hindi ako makagalaw. Tinitigan ko lang ang bala na papasok sa dibdib ko. Sobrang sikip. Sobrang sakit. Sobrang hapdi. Namamanhid ang dibdib ko. Feeling ko,bagsak ako nang wala sa oras.

Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba?

Pipikit na sana ako pero biglang mawala ang sakit. Napatingin ako sa dibdib ko. Wala na ang bala ngunit may maliit na butas sa dibdib ko. Nasa dibdib ko na kaya ang bala? Pero bakit hindi pa ako namamatay? Or namatay na ako pero hindi pa rin umaalis ang kaluluwa ko sa katawan ko?

“Oh, kunin mo na 'yan. Mag-pinsan na talaga tayo hahaha.” inabot ni Jane sa akin ang isang baril at nagtawanan sila. Ngumiti lang ako.

Ngumiti ako? Bakit? Natatakot ako kanina 'di ba? Pero bakit ngayon parang naging katulad na nila ako?

“Takbo!” rinig kong sigaw ng ibang kaibigan namin na papalapit sa amin. Bigla silang napahinto sa harap namin noong makita nila ang hawak naming mga baril.  Umatras si Chris,Pria,Franky at Beni.

“Saan kayo pupunta?” nakangising tanong ko sa kanila. Namutla silang apat kaya mas lalo akong natatakam na barilin silang apat.

“Takbo!” sigaw ni Chris. Hinabol namin silang apat at naghiwa-hiwalay sila ng direksyon. Mag-isang kumanan si Franky at si Beni naman sa kaliwa,si Pria naman at Chris ay patuloy pa ring nagtatakbo sa straight na daan. Tumakbo si Jamy papunta sa direksyon ni Franky,si Jane naman sa kina Chris at Pria.

“No choice.” nakangising sabi ko at hinabol si Beni. Sobrang bilis nang takbo ko kaya mabilis kong nahuli si Beni. Nakangisi akong hinawakan ang balikat nito.

“P-Please,Adi. 'W-Wag please...” nagmamakaawang sabi nito. Ramdam ko ang pag kirot ng puso ko pero gusto ko pa rin s'yang barilin.

“Hindi naman ito masakit,Beni.” malapad na ngiting sabi ko. Nanlilisik ang mga mata ko habang itinutok sa kan'ya ang baril.

Bakit ganito ako? Bakit parang hindi ako ito? Bakit parang dalawa ang kaluluwa sa loob ko? Parang may good spirit at bad spirit sa akin. Naawa ako at natatakot sa ginagawa ko,lalo na sa kaibigan ko pero may parte din na gustong gusto kong saktan ang kaibigan ko. Ano bang nangyayari?

“Maawa ka...Adi...please...” humihikbing sambit nito. Naninikip ang dibdib ko pero ang utak at kamay ko ay may sariling desisyon. Binaril ko si Beni.

Pasensya na. Alam kong magigising ka rin n'yan,Beni. Kasama ka na rin namin.

Ilang sandali lang ay dumating si Jamy at Jane. Dala-dala ang katawan ni Franky,Pria at Chris. Itinabi nila ito sa katawan ni Beni. Minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila bumabangon.

Bakit? Gan'yan din ba ako kanina? Ilang minuto rin ba 'yon? Pero bakit parang hindi naman kasing tagal 'yon sa kanila?

“Well,well,well.” napalingon kami sa lalaking lumabas sa isang puno. Iyong matandang lalaki kanina! Medyo hindi na kulubot ang balat nito,naka itim na rin ito. Ang ngipin n'ya ay kulay itim din. Napapalakpak ito habang malapad ang ngiti sa amin.

“Luhod.” mahinang sambit ni Jane. Sumunod naman kami. Lima kaming nandito,hindi ko alam sino ang dalawang babaeng kasama namin.

“Magaling kayo.” puri nito. Nakatingin lang ako sa lupa. Ayaw kong tumingin sa kan'ya. Natatakot ako.

“Salamat po,Master.” rinig kong sabi ni Jane.

Master? Master namin s'ya?

Inferno University (Short Story)Where stories live. Discover now