Chapter Four

15 0 0
                                    

All these years, I never believed in marriage. Siguro nakadagdag ang pinag daanan ng aking ina sa pagiging mapait ko sa pagpapakasal. Although I have seen and met couples with happy marriages like Cindy's parents, I don't think it will be enough to change my views regarding it.

Kaya nung narinig ko ang sinabi ng tatay ni Chase ay parang nanlambot ang tuhod ko na halos patakbong lumapit sa akin si Chase para alalayan ako.

Galit ang naging reaksyon ni Cindy sa nangyari at narinig ng mga oras na yun. Nagmadali syang higitin ako at umalis sa lugar. Nagpasundo sya sa family driver nila at umuwi kami sa family house nila. Hindi nya sinabi sa mga magulang nya ang lahat ng nangyari.

Madaling araw na pero hindi pa rin kami nakakatulog ng kaibigan ko. Tumambay kaming dalawa sa balcony ng kwarto nya. Alam kong masama pero heto na naman kami, naninigarilyo at umiinom. Sa tuwing parang nagiging stressful na ang buhay namin, ay talagang ito ang bisyo na natatakbuhan namin. Sinusubukan naming alisin to at medyo matagal na din simula nung huli namin pero dahil sa mga nangyari sa buong maghapon ay hindi na talaga namin napigilan.

"What dumbasses they are right?" Sabi ni Cindy pagkatapos ng matagal naming pananahimik.

Napatango na lang ako sa sinabi ni Cindy at hindi pa rin makapagsalita..

"What are you thinking Rhi?" Cindy asked.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Cindy. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano bang iniisip ko. Humithit na lang ako sa sigarilyo ko tinungga ang alak sa baso ko.

"Tulog na tayo?" Alok ko kay Cindy na sya namang tinanguan nya.

Pumunta na ako sa guest room nila kung saan ako matutulog. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng drawer kung saan ko ito ipinatong ng nakita kong may twenty eight missed calls. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay nakita ko ang anim na missed calls galing kay Evans, at twenty two missed calls galing sa pare-parehas na numbers. Idinial ko ang number at isang ring pa lang ay may sumagot na.

"Sino to?" Tanong ko kahit may hinuha na ako kung sino ito.

"Rhicole" rinig ko ang buntong hininga ni Chase pagkatapos nyang banggitin ang pangalan ko. "Can we talk?"

"Nasan ka?" Tanong ko

"Just two houses away from Cindy's." Sagot nya na hindi ko man lang ikinabigla, mukhang effective ang alak.

"I'll be out in a minute." Sabi ko

Hindi na ako nag abalang magpalit man lang ng damit. Shorts at boyfriend shirt lang ang suot ko. Itinaas ko lang sa isang bun ang buhok ko at lumabas na. Binuksan ng guard nina Cindy ang gate at nakita ko agad ang itim na sasakyan sa tapat ng gate.

Hindi pa ako nakakalapit ay nakita ko na agad ang paglabas ni Chase mula sa sasakyan nya.

Sumakay ako sa sasakyan nya ng makalapit ako at ganun din ang ginawa nya. Hindi na ako nag paliguy-ligoy pa at itinanong na ang mga tanong na nagpapagulo sa isip ko.

"I have few questions and I need you to answer them truthfully." Sabi ko

Hindi sya nag salita kaya nagtanong na ako.

"Who is Asha Collins?" I started

Hindi agad nagsalita si Chase, halos dalawang minuto saka lang nya sinagot ang tanong ko.

"She's my fiancée." Sagot nya

"Where is she?" Tanong ko ulit.

"We don't know. She disappeared suddenly."

"Why do I need to marry you?" Nakakatulong talaga ang alak sa mga pag tatanong ko ngayon.

"You look exactly like Asha, it was never announce that we were engaged or we were in a relationship. But for some reason there were news about me getting engaged and it helped our corporation knowing that I will get married soon. Although there was no face of the woman whom I will be married to, some people assumed it was the woman from the pictures that are going around the internet which is Asha Collins." He explained.

"So with what your dad said earlier, I need to pretend as Asha Collins?" I asked again whilst looking outside.

"No, no not at all. Like I said it was never announced that we were engaged. It's just that, I need to get married like how it was planned. You don't have to pretend to be someone else, you can be yourself."

"I don't need to pretend to be someone else, but I have to be a substitute bride of someone else, is that it?"

Hindi sya nakasagot sa huli kong tanong. Hindi ko na din inulit at tumahimik na lang. Sumandal ako sa bintana ng sasakyan nya at ipinikit ang mga mata ko.

Makalipas ang ilang minuto ng pananahimik. Nagkalakas ako ng loob ulit magsalita.


"Let's get married."

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now