"So you really made up your mind hmm?"
Tango ang naging ko sa tanong ni Cindy tungkol sa pagtanggap ko sa offer ng exchange programme. Sumimsim ako sa aking kape at tinignan sya. Hindi sya nakatingin sa akin pero alam kong malalim ang iniisip nya, dahil na din sa lalim ng buntong hininga na pinakawalan nya.
"Spill it Cinds." utos ko sa kaibigan.
Tumingin ito sa akin na animo'y nag aalangan. Nang hindi na makatiis ay tumayo sya mula sa inuupuan at saka lumipat sa couch kung saan ako nandoon. Ipinatong nya ang braso sa sandalan habang nakaharap sa akin.
"You only have three weeks, before you fly to UK. What do you plan to do?" tanong nito sa akin.
"For now, wala. Wala akong plano." I answered honestly.
These past few weeks, I busied myself with my course. I did not let anything or anyone mess with my brain, not even Chase. Nagbalik kami sa dati pagkatapos ng gabing yon, civil. Same goes to his parents, I know and I can feel that they are really sorry for everything that happened for the past month, pero yun na lang yon.
Hindi ko rin naman alam kung anong dapat kong pagplanuhan sa totoo lang. Okay, these people lied and maybe did me wrong by not telling me the real purpose of my marriage with Chase, pero wala akong mahukay na plano sa utak at puso ko na maghigante. When I think about revenge, the thoughts that follow are, for what?
Chase and I have not talked about Mr Fridman. Alam ko may alam sya sa totoong pagkatao ng taong nakabuntis kay mama kaya nabuo ako, but I don't even have the strength or will to ask Chase again about him after that night. Hinayaan ko na lang. Siguro ganito talaga ako, para makaligtas sa sakit, hinahayaan ko na lang, tinatanggap ko na lang.
"What about Chase? What did he say when he found out that you accepted the program?" Cindy asked.
Muli akong sumimsim sa akin kape bago ko sya sinagot.
"Wala. He did not say anything, he did not question my decision." sagot ko
"But you are his wife Rhi, why didn't he stop you like before?" she asked with her forehead creased.
Hindi ko napigilan ang ngisi ko at tinignan sya.
"Cinds, you know what I realized the past few days?" I asked her
"What?"
"That I like Chase." sabi ko at hindi ko mapigilang ngumiti.
Oo, tama. Gusto ko si Chase. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman bago sa akin to, ang magkagusto, ang bago lang ay yung intesidad, mas malakas kesa sa dati. Mas malakas, kaya alam kong mas masakit pag tuluyan akong nahulog.
Kaya ko din tinanggap ang offer ng Dean, dahil gusto kong mailigtas ang sarili ko. Wala namang ibang makakatulong sakin dito kundi sarili ko lang. This is why I am doing myself a big favour of staying away. Mahabang panahon din naman ang anim na buwan, siguro naman pag balik ko ay wala na to, tapos na, naibaon na.
Cindy sighed with my statement. Ano ba talagang problema ng babaeng to. Parang mas apektado sa lahat ng nangyayari sa akin.
YOU ARE READING
The Substitute Bride
RomanceIn life, it is true that we always need to expect the unexpected. Some things happen because we wanted it to happen, some things happen because it is bound to happen. But what if the unexpected thing that happens breaks us or ruins us. Would we sti...