"Cole, I got Mr Durrant's things and medications ready for discharge. Will you be so kind and get his discharge summary ready as well?" bilin sa akin ni Nurse Grace, kapwa Filipino. Mas bagay daw sa akin ang Cole na nickname kaya ito ang tawag nila sa akin dito sa ospital imbis na ang usual nickname ko na 'Rhi' or 'Rhics'
"On it now Grace."
Isang buwan na din simula ng makarating ako dito sa UK at nagsimulang magtrabaho dito sa Saint Thomas' Hospital. Sa totoo lang kasinungalingan kung sasabihin kong hindi ako nagkaroon ng problema sa pag aadjust dito. Nakakalungkot ang unang dalawang linggo parang gusto ko na lang umuwi hindi tapusin ang programme, pero pinilit kong tatagan. Hanggang sa ito, dahil na din sa tulong nang mga kapwa Filipino at mga kasamahan sa trabaho na ibang lahi, nagiging bearable naman.
Si mama at si Cindy lang ang nakakausap ko lagi sa videocall pag may oras ako. Binabalitaan nila ako nang mga nangyayari sa kanila sa Pilipinas. Si Cindy minsan panaka-nakang nag bibigay ng balita tungkol kay Chase. Sa totoo lang, unti-unti akong nawawalan ng interes kung ano na ang nangyayari sa lalaki, pinapakinggan ko na lang dahil asawa pa rin naman ako sa papel. Pero kung tutuusin yung konting nabuong pagtingin ko sa kanya ay parang bigla na lang nawala isang araw na gumising ako.
Abala ako sa pag aayos ng mga papers ng mga pasyente namin na for discharge nang biglang dumating ang isa sa mga paboritong doctor ng mga kasamahan ko.
"Rhicole, you on your break yet?" tanong nito sa akin.
"Hiya Dr Payne!" sabay sabay na bati nang mga kasamahan ko sa Doctor na bagong dating. Muntik pa akong matawa dahil nagmukha silang mga grade school students na bumati sa bagong dating na teacher.
"Hello ladies," bati ng doctor sa kanila pabalik at ibinalik ang tingin sa akin. "So, lunch?" tanong ulit nito sa akin.
"Sorry Doctor Payne, I'm not on my break yet. Maybe next time." sabi ko dito bago ko ibinalik ang tingin sa computer at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"But that's what you said last time Rhicole. When will be that next time again?" sabi nito at nagpapadyak pa, ito ang problema sa isang to, eight years and tanda nya sa akin pero kung umakto ay daig pa ang teenager.
Sasagot na sana ako sa tantrums nya ng marinig ko ang on-duty announcer na binanggit ang pangalan ko.
"Calling the attention of Nurse Cole Soares, Doctor Moore is requesting for you presence in Lambeth Wing."
Mabilis na lumapit sa akin ang isa kong kasama at pinalitan na ako sa discharge duty. Hinanap ko agad ang matron namin at bago pa ako magsalita ay sinabi na nya na pumunta na ako sa Lambeth.
Nakasabay ko pa sa lift ang dalawa kong kasamang Filipino sa trabaho.
"Ipatumba na kaya natin talaga tong si Rhicole Gellie. Masyado nang nagiging tirador ng mga bachelor doctors eh." komento ni Bettina, sabay akma na sasakalin ako.
"Gaga, tirador agad. Di ba pwedeng trabaho lang." natatawa kong bawi dito.
"Sus, tama na trabaho, isang buwan kana dito pero wala di ka pa din sumasama sa amin pag labas labas. Loosen up Cole. Kaya mamaya, sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin, birthday ng kapatid ni Bettina."
Tumango tango naman si Bettina kaya nagmukha syang yung display na aso sa sasakyan na tumatango tango.
Nginitian ko na lang sila bago ako lumabas ng lift ng marating ko ang floor ng Surgery unit. Agad kong pinuntahan ang office ni Doctor Moore, at kitang kita ko kung gaano ito kaseryoso habang titig na titig sa CT scan images sa projector.
"Ah you're here." sabi nya ng mapansin ang presensya ko.
"You called for me doctor?"
Lumapit ito sa table nya, bago sumandal saka kinuha ang mug ng kanyang kape.
"What can you see?" tanong nito sa akin bago humigop sa kanyang kape.
Tumingin ako sa images bago tumingin ulit sa kanya.
"Pardon?"
"The images on that projector, what can you see?" turo nya ulit sa akin.
Tinitigan kong mabuti ang images, at saka ko napagtanto ang ibig nyang sabihin.
"Tumour doctor. The images show that a tumour on the left side of the brain doctor." sagot ko habang nakatingin pa din sa images.
"Medulloblastoma." maikling sabi ni Doctor Moore, I gave him a questioning look.
Nakatingin lamang sya ng derecho sa projector. Dahil sa kalituhan ko kung bakit nya ako pinatawag dito para itanong kung anong meron sa mga litrato ay hindi na ako nakapagpigil sa pagtatanong.
"Is that all Doctor Moore? I mean do you still need me he--"
"Do you know who's scan result is this Nurse Cole?" tanong nito sa akin
Napatitig akong muli sa doctor, ramdam ko ang pagkunot ng aking noo dahil sa ginagawa ng doctor. Bakit ba ayaw nya pang diretsuhin lahat? Tiningnan kong muli ang images at nag-isip. Naging malikot ang aking mga mata dahil sa pag iisip ko, hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang picture frame. Picture namin yon ni Doctor Moore kasama ang batang lalaki. Karga ni Doctor Moore ang bata habang nakayakap ito sa leeg ko at nakahalik sa aking pisngi.
"Jesus Christ!" I exclaimed "I-is i-it...." hindi ko maituloy ang gusto kong itanong.
"Yes Nurse Cole, the scan result is his." Doctor Moore confirmed whilst looking at the same photo.
"B-but Doctor Stephen, he...he's just four years old. Little Ryan is too young." hindi ko maiwasan na maging emosyonal dahil sa nalaman.
Napakabait ng batang si Ryan, I have met him on my third week here in this hospital. He came to visit his father who was admitted due to an accident. He was here almost everyday for four days then suddenly he collapsed on the hallway near his father's room.
Doon na napagdesisyunan nang magulang ni Little Ryan na ipatingin sya. They did all the tests necessary and the last awaiting result is this, his ct scan result.
Lumapit sa akin si Doctor Moore. He tapped my shoulder. He probably noticed that I am being emotional because of the news.
"I have spoken to his parents, and they have decided for Ryan to undergo the surgery. Now, I am going to ask you. Do you want to be part of the team?"
I looked at Doctor Stephen Moore straight in the eyes. He gave me a hopeful gaze. Shall I do it? Do I trust myself enough to do it? Am I brave enough to do it?
"He'll make through this right?" I asked him.
"He's a brave little boy Cole. And for sure, he will be able to fight more knowing you will be all throughout. So what do you think?" tanong nya ulit.
Tinignan kong muli ang images ng ct scan at at picture namin kasama si Little Ryan. Napangiti ako ng makita ko ang litrato. Ibinalik ko ang tingin ko kay Doctor Moore.
"I trust Little Ryan. I trust you Doctor Moore and I do trust myself. Let's do it!"
YOU ARE READING
The Substitute Bride
RomanceIn life, it is true that we always need to expect the unexpected. Some things happen because we wanted it to happen, some things happen because it is bound to happen. But what if the unexpected thing that happens breaks us or ruins us. Would we sti...