Ako ay 48 hours ng gising dahil sa pinagsamang insomia at mga paperworks na hindi ko pa natatapos for this week.
Hindi ako masusundo pauwi ng asawa ko na isang manager sa isang Call Center Company, dahil mayroon daw silang meeting with their new hires etcetera, etcetera... He told me to take a cab on my way home and send him my location para 'di siya mag-alala, which I did naman. But little did he know, nag-angkas na lang ako hehe. Para mabilis makauwi. Dati takot ako mag-angkas dahil takot pa 'ko madisgrasya. Ngayon gusto ko na hamunin ang disgrasya ng one-on-one. Sa lala ba naman ng stress sa buhay ko ngayon, parang 'di na ko takot mamatay, eh.
"Manong, sa Kamuning lang po."
"Sige, Ma'am."
Sumakay na nga ako't naghelmet. Nagulat naman kaming sabay ng bigla kumulog ang langit, na parang nagbabadya ng malakas na pag-ulan. Shet, 'di maaari, mababasa ang mga test papers ng istudyante ko.
Wala pa kami sa kalahati ng destinasyon namin ay bumuhos na nga ang napakalakas na ulan. Niyakap ko ang leather bag ko na sabi ng nagbenta sa'kin ay waterproof daw, sana nga.
"Ma'am, ayos lang po kayo? May extra po akong kapote sa compartment, kunin ko lang po."
"Sige po, Manong, salamat."
Huminto kami sa gilid ng kalsada, at gamuntik ko ng 'di mamalayan na nasa gilid rin pala kami ng tulay. Buti na lang at napabalikwas rin agad ako palayo. Jusko! Binabawi ko na ang sinabi ko, takot pa rin pala akong mamatay haha.
"Ito na po 'yung kapote, Ma'am." Abot sa'kin ni Manong. Pero nang kukunin ko na ito, ay parang hindi naman nya binibitawan.
Doon biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nang iangat ko ang paningin sa kaniya, ay para akong binuhusan ng mainit na kape ng makilala ko na kung sino siya.
"Bye, Ma'am." Sambitla ng ama ng dati kong istudyanteng si Mario, kasabay ng pwersahang pagtulak niya sa'kin sa gilid ng tulay.
Nakakatawa dahil buti pa 'yong leather bag ko ay nabato ko pa pabalik pero ang sarili ko, ito lumulutang na sa ere na para bang tinatanggap ng kusa ang kapalaran nito. Well, hindi man ako mamatay sa ganitong paraan ay for sure mamamatay pa rin ako sa kawalan ng tulog at pahinga in a few days, sabi ko pa sa isip ko.
Nang lumubog na ko sa rumaragasa at malalim na agos ng ilog, ay hindi pa ako agad namatay. Nang humampas na ng malakas sa bato ang ulo ko at naramdamang may kung anu-ano ng tumusok sa iba't ibang bahagi ng katawan ko, ay umiyak ako ng napakalakas dahil ramdam ko ang sakit ng bawat isa sa mga ito. Ngunit bakit ganito, hindi pa rin ako patay. Isa ba akong masamang damo?
Habang naghihintay na mamatay ay 'di ko tuloy maiwasang mag-flashback sa mga 'di malilimutang sandali ng buhay ko. Ay oo, nung kinasal kami ng asawa ko ang pinakamasayang nangyari sa'kin so far. 'Yung pinakamalungkot naman ay nung namatay ang mga magulang ko, nang wala man lang ako sa piling nila. Kabilang sa mga naaalala ko ang mga pagkakamali, maliit man o malaki, na gusto kong baguhin ever since napanood ko nung bata ako (sa mga cartoons at movies) ang konsepto ng time machine.
"Paglaki ko, magiging scientist ako at mag-iimbento ako ng time-machine para baguhin ang sagot ko sa number 5." Sabi ko pa nung grade 1 ako. Eh kasi naman, tama na sana ako no'n pero binura ko pa.
Teka, sandali... inikot ko ang paningin ko sa paligid dahil mistulang isang panaginip, nakikita ko ang mga kaklase ko noong grade 1 ako na kasama ko sa dati rin naming classroom.
"Oh, sinong tapos na mag-sagot?" tanong ng teacher namin, pero wala pang nagtataas ng kamay.
Ay oo naalala ko to. Tapos na ko pero 'di ako nagtataas ng kamay kasi nahihiya ako.
Tiningnan ko ang sagot ko sa number 5 at tama pa ito. Hanggang sa makikita ko ang sagot ng katabi ko kaya babaguhin ko dapat ang sagot ko rito at mamamali. Teka sandali, something feels weird. Hindi ko na maramdaman 'yung mga nakatusok sa katawan ko... namanhid na ba ako? O ganito ba 'yon pag patay na?
"Pia? Tapos ka na ba?" Lapit sa'kin ng teacher ko ng mapansin niyang tapos na akong magsagot, kaya chineckan niya na ito. "Hala, ang galing naman ni Pia, naka-perfect score!" Sabi niya bigla.
Teka, parang may mali?
"Everyone, let's give Pia a Yahoo clap kasi nakaperfect siya."
Huh---that never happened...
"1,2,3 *clap-clap* 1,2,3 *clap-clap* Yahoo!!!" pagpalakpak para sa akin ng buong klase.
"Oh, Pia. Anong sasabihin mo?"
Nakatingin lang sakin si Teacher Maricel na parang naghihintay ng sagot. Hinintay ko 'yung ala-ala ko na sumagot pero hindi ito nagrerespond?
"Uhm. Thank you." What the heck? Did I just talked?
"Very good! Oh, here's a chocolate for doing a great job today."
Oh my God...
"Thank you, " pagsubok ko uling magsalita, at napagtantong tuluyan na ako nga mismo ang nagsalita... Hindi ang ala-ala ko?
What is... happening?
BINABASA MO ANG
Echoes of the Bridge
AdventureHave you ever wished you could go back in time to fix your past mistakes? Ako, hindi mabilang na beses. Whenever something goes wrong, nanunumbalik silang lahat sa ala-ala ko na parang nakakalunod na alon. And if I could just give anything to undo a...