Chapter Five

11 2 0
                                    

I'm hardly gasping for air when I woke up. At first I thought I couldn't breathe but after a few seconds, I've finally feel the air occupying the corners of my lungs, then cough as if I have been choked.

Right... I just died again. Didn't I? Pero ano na naman ito, nasa'n ako?

Inikot ko ang paningin ko sa paligid at natagpuan ang sarili kong nasa bahay pa rin ng namayapa kong mga magulang. Kinuha ko ang phone sa drawer ng side table para dali-daling tingnan ang petsa ngayong araw.

"April 3, 2017"

It's the "Monday" before I transitioned back to that day I was murdered. Which still happened even after modifying it to my own steering. I still have no idea what the h*ck is going on, but I think, I've finally discovered something useful in this dream. I think, I've finally realized how to transition to different timelines...

Nag-isip agad ako ng mga bagay na pinagsisisihan ko mula sa nakaraan para subukan ang hinala ko. At parang isang bula, dinala nga kaagad ako nito sa eksaktong kaganapan na nasa isip ko...

"Ms. Pia Sanchez, tinatanggap mo ba na makaisang dibdib, si Mr. Carlo Villanueva?"

Kaharap ko ngayon si Carlo na sobrang pormal sa suot niyang itim at polidong tux. Buti na lang at hindi pa masyadong balbasarado ang mukha niya dito, upang mas manuot sa balat at laman ng mukha niya ang sampal na buong lakas kong binigay. Hindi ko na naisip pa ang mga tao na nakapalibot sa'min na siyang sabay-sabay na nagulat sa nasaksihan nila.

Pero agad din akong nakaramdam ng konsensya, dahil nga naisip ko rin, pa'no kung matino pa siya ng mga panahon na 'to? Pa'ano kung, at some point in our married years, tsaka palang niya naisip na hindi na siya masaya? Paano kung, may kakulangan pala ako ng mga panahon na iyon na nagtrigger sa kaniyang hanapin ito sa iba?

Ngunit nang makita ko siyang yumuko para itago ang isang... kahina-hinalang ngiti, ako ang nagimbal.

"When did... how did you find out?" Tanong pa niya.

Dahilan para biglang bumaliktad ang sikmura ko at gustong isuka ang lahat ng kinain ko.

"How dare you do that to my son?!" Nakita ko na lang sa peripheral ko ang biglaang pagsugod sa'kin ng Mom ni Carlo. Hinampas niya ako ng Hermes niyang bag na binili niya isang beses na sinamahan ko siyang mamasyal sa mall.

Habang iniinda ang bawat hampas niya sa'kin, kasabay ng pag-awat ng mga tao sa paligid namin, parang isang g*go namang lumayas lang sa harap ko si Carlo. Sa isang iglap, parang hindi ko na kilala bigla ang taong minahal ko ng buong puso, sa loob ng limang taon.

Pumikit ako at inisip muli ang pangyayari kanina bago ang kaguluhan---ang pagsisisi kong pinakasalan ko siya.

" Ms. Pia Sanchez, tinatanggap mo ba na makaisang dibdib si---" Hindi pa natatapos ang pari sa tinatanong niya sa'kin ay binayagan ko na si Carlo.

Ngayon kang lumayas na g*go ka.

"How dare you do that to my son?!" Pagsugod na naman sa'kin ng Mom ni Carlo, pero bago pa siya lumapit ay inulit ko muli sa isipan ko... actually ng ilan pang mga beses... ang pangyayari kanina bago ko saktan si Carlo.

Inulit ko pa ito, ng inulit-ulit. Hanggang sa maubusan na ako ng ideya kung paano siya sasaktan... at sa lahat ng suntok, sipa, at sampal ko sa kaniyang iyon, tila wala pa ring makakapantay sa sakit na nararamdaman ko.

"Put*ngina!" Sigaw na iyak ko habang sinusuntok suntok si Carlo sa dibdib niya, pero parang isang t*nga, umaasa pa rin akong sasagot siya sa akin, at sasabihing hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Na hindi totoo ang nasa isip ko.

"No, father." Sagot ko sa tanong ng pare, sa huling beses na pagbalik ko. "Pagod na ako." Nasabi ko na lang sa sarili ko saka nanghihinang lumakad sa gitna ng aisle palabas sa pinto ng simbahan. Sinundan lang ako ng tingin ng mga tao habang natataranta, pero hindi na nila ako hinabol pa.

Ano na? Saan na ako pupunta?

Bakit ba... hindi na lang kasi ako tuluyang naglaho pagkamatay? Bakit may ganito pa? Anong purpose nito?!

Wala sa sarili lang akong naglakad-lakad habang nililingon ng mga tao ng tingin. Like it's a crime for a bride na maglakad out of no where ng nakapaa. I've already thrown my heels a couple of blocks away, it felt really unbearable. I just kept on walking tirelessly, I don't know for how long already, hanggang sa natagpuan ko na lang na nasa gilid na ako ng tulay kung saan ako unang namatay. Hindi tulad ng araw na iyon, napakaaliwalas ng kalangitan ngayon.

Seriously? Is it mocking me right now? Is it celebrating my misery?

"Ito ka!!!" Pag-bad finger ko rito, na mas lalong nagpangamba sa mga taong napapadaan at nakakakita sa akin.

"Ms. Sanchez?" pagtawag naman ng isang pamilyar na boses galing sa likuran ko. He just got out from his car and approached me, "What... happened? Okay ka lang ba?" It's Sir Rey Domingo. I know he's saying something because his lips are moving but suddenly, all I can hear is some kind of white noise.

"Ms. Sanchez, your nose is bleeding..." He grabbed me by my arm which I immediately shoved off. What is he trying to do? I don't want anyone to get near me right now. "Let's get you to the hospital," He's being very stubborn so I had to push him.

"Go away!" I warned, but then he took a step towards me, and it felt like he had left me no choice.

I jumped off the bridge.

"Ms. Sanchez!!" "Kyaaaaaaahhh!"

Echoes of the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon