It's my 4th day in this timeline.
The transition hypothesis did not succeed. So I'm still stuck, and wondering if I should go on or just lay here until this dream is all through. Nangyari na 'to eh, syempre ayoko ng ulitin pa. At isa ito sa pinakamahirap na parte ng buhay ko, tapos dito pa 'ko masstuck?
Pero kahit anong paglulupasay ko, tila wala pa ring nakakarining sa mga daing ko. At tsaka, kung panaginip lang ito bakit nga pala nagugutom pa rin ako? Kailangan ko pa mag-isip tuloy kung anong masarap na kakainin. Kahit sumusuko na 'ko, pag kumakain ako parang gusto ko na ulit mabuhay eh. At para mabuhay kailangan kong isustain ang trabahong mayroon ako. Kaya nandito na ako ngayon sa school. Kaharap si Principal Andrade.
It's the "Monday" that Ms. Loiza warned me about.
She's scrutinizing my evaluation report on her desk, while throwing glances at me from time to time. At the last part, she looked at me for a long time, then closed the overall report with a hint of disappointment. As an overachiever in the real world, that would've hurt. But now, I feel like she should thank me just for showing up today.
"Why do you want to teach, Ms. Sanchez? What drives you to take this profession?" Her voice is so firm that it almost made me jump. I never knew she could pull up a baritone voice.
It's not my first time to talk to her in her office. The first was during my initial interview for the position. Then supposedly after that, we'll only meet every once in a while tuwing may commendation siya sa trabaho ko. Talagang special mention ka sa faculty. Pero ganitong mga private talk in her office, sa mga nanganganib na teacher lang ito nangyayari. And here we go now.
"My love for teaching, Ma'am." I tell her the truth. Pero may kutob akong mapapahaba pa ang usapan na ito hangga't hindi ako umuuwing luhaan.
"I see."
Then that's it. Hindi na siya kumibo, na parang ayaw niya na ako muling marinig na magsalita. Hanggang sa biglang may kumatok sa pinto at nagpaalam na papasukin siya.
"Yes, come in."
"Goodmorning, Madam." It's... Sir Ray? or Rey? Madaming teacher sa faculty ang may ganiyang pangalan kaya nalilito ako kung sino siya roon.
"Goodmorning, Mr. Rey Domingo. This is Ms. Pia Sanchez. Ms. Pia, this is Mr. Rey. He will be your new Co-teacher in the Outreach Program Department."
I feel like I dropped my ears listening to what she said. What?
Kita yata sa ekspresyon ko ang pagkagulat kaya napangiti ng bahagya si Sir Rey.
"But-I already have a---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na 'ko ni Principal Andrade.
"Ms. Loiza has volunteered to guide another novice teacher, one who has dignity for teaching."
And that just made my mouth drop. I don't even mind that she insulted me, what I can't grasp is Ms. Loiza. It can't be! Ms. Loiza is... Siya ang... Susi para mameet ko si Carlo in the future! We're supposed to become friends and, she'll invite me to one of her family parties kung sa'n ko mamemeet si Carlo...
"I am really sorry, Madam Principle and Ms. Sanchez. I have some urgent matters to attend po, is it okay to dismiss myself?" pagpapaalam ni Sir Rey, I'm now certain that it's Rey nang mabasa ko ito sa ID na suot niya.
"Yes, Mr. Rey. I've promised it'll be just a minute. I'm aware of your plans, you can go now. Any important matter to be discussed will be just relayed to you by Ms. Sanchez later."
"Thank you, Madam. And Ms. Sanchez, see you po." Maginoo niyang pagpapaalam bago lisanin ang kwarto.
"So, Ms. Pia." Pagbalik tingin sa'kin ni Ma'am Andrade. "Let me remind you, as a Master Teacher, Ms. Loiza has the right to select guidance. Actually you should thank her, she insisted on keeping you here despite the report."
But that was just... one thing. One thing and it all blew out? I was ready to stay alive until then. So, what is the essence of enduring all this now?
I can't remember anything na pinag-sisisihan ko sa relasyon namin. For 5 years, our love always felt like a dream. I always knew something would take it away because it was just, perfect. I used to be this independent in everything 'till he engulfed me with joy and love. Now I... just can't live a life without him anymore.
I should've just taken that cab. I should've just listened to him. Of all things na binalewala ko sa mga payong pag-iingat niya sa'kin, 'yon ang pinaka-naaalala ko dahil 'yon na pala ang huli.
I had to look down to hide the continuous flow of my tears. However, the moment I wiped them to clear my vison, something eerie happened.
"Sa'n kayo, Ma'am?" Tanong sakin ng cab driver na nakahinto sa harap ko. Ilang minuto bago susulpot si Mr. Ruiz as angkas driver.
I lose my balance in bewilderment.
Nabitawan ko ang leather bag at naupo sa patag na lupang inaapakan ko.
"Oh, Ma'am... Ayos lang po kayo?" Tanong niya, sabay dali-daling lumabas sa sasakyan niya para tulungan ako.
"O-Okay lang po ako, uhm... Sa kamuning lang po, Manong. Please, please, please, pabilis po." Kahit halos 'hindi ko mabuhat ang nanghihina kong katawan, pinilit ko pa ring gumapang sa backseat ng kotse para sumakay na agad at makaalis na kami dito.
"Sure ka pong okay ka lang, Ma'am? Baka po gusto niyong dumiretso muna sa hospital?"
Tumagos lang sa magkabilang tainga ko ang sinasabi ng driver, at nakatulala lang habang inaaninag sa bintana ang reyalidad kung nasaan na ako ngayon...
"Of course. Isa lang uli 'tong panaginip." Nasabi ko sa sarili ko kaya parang hindi pa rin ako natutuwa ngayong nakabalik na ako sa kasalukuyang panahon ng buhay ko.
"None of this is real." Gusto ko muling umiyak ngunit wala ng mailabas na luha ang mata ko. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sumasakit na ito kahit na, hindi naman na dapat dahil nga panaginip lang ang lahat ng 'to diba? Bw*sit!
"Manong... hindi na po pala sa Kamuning. Padiretso po sa Cubao." Gayon pa man, isang tao lang ang gusto kong makita sa mga sandaling ito.
Tinuro ko sa Driver ang gawi papunta sa workplace ng asawa ko, at ilang sandali lang ay nakarating na kami dito. Bumaba ako sa harap ng building nila. Nakita ko agad ang kotse niya sa harap na nakapark at dito na lamang siya hihintayin. Sabi niya ay mahuhuli siya ng uwi dahil magkakaroon pa sila ng meeting pagkatapos ng trabaho, pero wala pang ilang minuto ay naaaninag ko na siyang palabas ng building... na may kasama pa ring katrabaho.
Matangkad itong babae na may mahabang pulang buhok. Maganda ang hulma ng pangangatawan na bakat sa suot niyang bitin na bistida. Hindi pala uso ang dress code sa company nila?
Baka naman hindi pa sila tapos at may pinag-uusapan pa tungkol sa trabaho, naisip ko na lang habang nakaabang pa rin. Hanggang sa naglakad na sila sa gawi ko kung saan nakaparada ang kotse niya. Agad akong nagtago sa likod nito para hindi nila ako makita. Kanina pa malakas ang kutob ko pero ayaw ko pa ring magpadala sa naiisip ko hangga't wala akong nakikita. Pero, akala ko ay kaya kong tingnan at harapin ang buong katotohanan. Nang marinig kong umuungol na ang babae habang nakasandal sila sa pinto ng kotse, napagpasyahan ko na agad na maglakad palayo kahit nanghihina sa natuklasan ko. Pero kailangan ko ng makaalis na dito kaya tumakbo na ako kahit nagkanda dapa-dapa pa.
Bakit 'di ko sila hinarap?
Eh, hindi naman 'yun ang asawa ko eh. Isa lang siyang ilusyon ng panaginip na 'to, hindi magagawa sa'kin 'yun ng totoo kong asawa. Tama. Uuwi na lamang ako at itutulog ito. Pagod na ako.
"Pia!" Narinig ko biglang tawag sa'kin ni Carlo sa 'di kalayuan. Pero bago pa man ako makalingon sa kaniya ay nakita ko na si Mr. Ruiz na humaharurot sa direksyon ko habang patawid ako ng kalsada...
Ang sumunod ko na lang na naalala ay ang pagbuhos ng makulimlim na langit ng malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Bridge
ПриключенияHave you ever wished you could go back in time to fix your past mistakes? Ako, hindi mabilang na beses. Whenever something goes wrong, nanunumbalik silang lahat sa ala-ala ko na parang nakakalunod na alon. And if I could just give anything to undo a...