Chapter 1

574 10 3
                                    

Litonglito si Diana.. Sumigaw siya ng napakalakas sa may bintana ng kanyang hotel room..

Bweeesssseet ka!!! Mamatay ka sana!!!

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sa sarili. Nangako ang kasintahan ng dalaga na si Nico na magkikita sila sa mala-paraisong isla ng Boracay. Sabi ni Nico babalik siya matapos ang anim na buwan galing sa kanyang business trip sa U.S. at magbabakasyon silang magnobyo.

Ngunit sa kasawiang palad tumawag ang lalaki. Hindi na daw matutuloy ang pag-uwi nito. May emergency daw na nangyayari at hindi detalye na sinabi kung ano man ito. Naiwan ang dalaga na nag-antay sa wala, sa isang hotel sa isla ng Boracay.

Nakatitig si Diana sa kanyang I-phone. Dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata. Kakacheck lang niya sa newsfeed ng kanyang Facebook at hulaan niyo kung ano ang nakita niya?

Nakita niya na nagpost ang isa sa kanyang matalik na kaibigan na si Angela at nakalagay sa status na engaged na sila ni Nico.

Si Nico ang mahal niyang boyfriend ay engaged na sa iba? Hindi siya makapaniwala.

Napaisip siya..

Niloloko ba ako ni Facebook? April Fool's day ba ngayon? Pero February pa lang ahh.. Malayo pa ang April.

Sheeett! Ang sakit. Parang kinukurot ang puso niya. Parang ang sarap tumalon sa terrace ng hotel o maglaslas ng pulso gamit ang eyebrow shaver niya.

Ganun paman huminahon pa din siya. Huminga ng malalim at nag-isip. Pero wala siyang maisip kundi ano ang kasalanan niya. Anim na taon. Ang haba ng pinagdaanan nila. Nawala lang si Nico ng anim na buwan sa kanya at bigla lang nagbago ang lahat. Oh, kay bilis ng mga pangyayari. Bakit??

Tumunog ang kanyang I-phone at sinagot niya ito. Narinig niya ang boses ng kanyang bestfriend na si Clara sa kabilang linya.

Diana, ano na? Andyan na ba si Nico? I'm so excited for you guys. I think he's going to propose na to you. Spare me the details ha. Excited na boses ng kaibigan.

Humagulhol ng iyak si Diana. Nahirapan magsalita.

Clars, wala na siya. He has been taken away from me. Tingnan mo ang Facebook page ni Angela. Dali! Tingnan mo.. Pagpipilit niya sa kaibigan.

Okay, wait lang madam titingnan ko. Mabilis na sagot ni Clara.

Oh, my Geee! Napasigaw na sabi ng kaibigan. The nerve of that girl! What happen? Are you okay? Pag-alala ng kaibigan.

No, I am not. Malungkot niyang sabi.

Look bes, I will book a ticket now. Pilitin kung makapunta sa'yo dyan sa Boracay within the day. Okay? Please hang on at huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo. Promise ha? Mabilis na sabi ni Clara.

Natulala si Diana pagkatapos niyang maibaba at mailapag sa mesa yung I-phone niya. Nakatingin siya sa malayo at sa napakagandang tanawin sa labas. Napakaganda ng panahon. Nakikita niyang naghahabulan ang mga bata sa labas habang naliligo sa dagat. Tuwang-tuwa ang mga ito. Pero wala siyang maramdaman. Parang repleksiyon sa isang pelikula ang nakikita niya. Ang sakit-sakit pa din ng puso niya. Durog na durog na ata sa loob ng katawan niya at ang hirap huminga kahit napalakas pa ng hampas ng hangin sa kanyang mukha..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello mga kaibigan, salamat sa pagbabasa ng unang yugto ng aking tagalog na kwento na pinamamagatang One Night, One Chance.

Kawawa naman si Diana ano? Niloko siya ng boyfriend niya. Bakit kaya nagawa ni Nico yun sa kanya? Haaayyy..

Kung nagustuhan niyo itong unang yugto ng kwento ko. Sana huwag niyo kalimutan magvote o mag-iwan po ng komento. Salamat ulit!

One Night, One Chance (A Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon