Chapter 2

326 5 6
                                    

Here's your room key Mr. Buenaventura. Enjoy your stay! Sabi pa ng nakangiting hotel receptionist kay Andres.

Umakyat na si Andres sa pangatlong palapag ng hotel sakay sa elevator.

Hmmm, this hotel is quite affordable but does look good. Pagpuna niya habang hinahanap ang room 312 na nasa dulo at tanaw na ang dagat. Gustong - gusto niya ng seaview front area. Yung natatanaw niya lagi ang dagat kung kumukuha siya ng hotel room sa Boracay.

Nilapag niya ang mga dala niyang isang malaking backpack bag at maliit na sling bag sa maliit na upuan.

Eto na naman siya. Lumalayo sa Maynila. Tinatakasan ang buhay niya at gustong makalimot kahit sandali man lang.

Nagpalabas siya ng malakas na bugtong hininga. Sana nabiyayaan nalang siya ng normal na buhay at hindi tulad nito na kailangan niyang tumakas sa kanyang responsibilidad sa negosyo ng daddy niya.

Alas tres pa ng hapon. Napaaga ang dating niya. Gusto niya munang magpahinga kaya umidlip siya sa malambot na kama at malamig na kwarto ng hotel.

Nagising si Andres pasado alas otso na ng gabi. Bumaba siya sa lobby ng hotel. Nagugutom na siya at naglakad papuntang Boracay station one. Pupunta siya sa paborito niyang seafood restaurant.

Maraming nagnanakaw tingin sa kanya habang naglalakad na suot ang kanyang blue Quick Silver beach shorts at puting t-shirt. Gwapo si Andres. Matangkad, mestiso at matipuno ang katawan. Sa kanyang edad na 35. Akalain mo lang na parang 25 anyos lang siya kung titingnan.

Siguro iniisip ng mga ito. Bakit kaya mag-isa lang siya..

Napapansin din ni Andres ang mga titig sa kanya pero sanay na siya. Lagi na siyang pumupunta sa isang lugar na mag-isa at random niya itong pinupuntahan. Kumbaga, kung anu lang ang maiisip niya.

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad siya sa dalampasigan ng dagat. Malamig ang simoy ng hangin.

Buti nalang at pumunta siya sa lugar na ito na hindi peak season. Mas gusto niya ang payapa kesa matao na lugar.

Tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya kilala yung number pero sinagot pa din niya.

Babe, where are you? Kita tayo. I miss you! Sabi ng patweetums na boses sa kabilang linya.

Sino to? Mabilis niyang sabi.

Anu ba Andres, si Trina to! Until now, you haven't save my number? Medyo galit na sabi ng babae.

Hi Trina, I don't have time for now. Maybe next time. Okay? Pero bago pa sumagot yung babae ay pinatay na niya ang linya.

Sabay naagaw ang pansin niya sa isang babae na nakatulog sa isang mesa sa labas ng isang disco pub.

Miss, miss? Pilit na ginigising ni Andres yung babae. Nakatulog ito sa mesa katabi ang isang bote ng Jack Daniels at 2 boteng beer.

Sir, kayo po ba ang kasama ni mam? Tanung ng waiter sa kanya.

Bago pa siya makasagot. Humirit ulit ang waiter.

Pakisundo na po sa kanya Sir. Kanina pa po ito naming ginigising kaso ayaw na po tumayo eh. Pakitulungan nalang po. Parang nag-away ata kayo. Sobrang lasing ni mam.

Ha? No, it's not what you're thinking. Gulat na sagot ni Andres habang paalis na ang waiter.

God, what to do. Tanung niya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang dalaga. Maganda ito. Makinis ang mukha at ang balat. Medyo mapulang pisngi at labi. Wavy at mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng halter blue beach dress.

Akalain mo naman. Nakablue din siya. So para pa kaming magkapareha. Napatawang iniisip ni Andres.

Miss, gumising ka. Tinapik niya ulit ito.

Medyo nagising ng bahagya ang babae. At tiningnan siya.

Sino ka? Medyo mataray na tanung sa kanya at sinubukan nitong tumayo. Pero hindi niya ito kinaya.

I'm just nobody pero tutulungan kita. Mabilis na sabi ni Andres sa babae habang inaalalayan niya ito.

Saan ka ba nakastay na hotel? Tanung niya sa babae.

Hindi ito sumasagot. Bagkos nakahawak lang ang dalawang kamay nito sa braso niya.

Nagtitinginan na ang mga tao sa kanilang dalawa. Halatang napapansin na sila.

Shit! Sabi niya sa sarili. Bakit ka kasi nakikialam pa Andres.

Iniisip niya kung anu ang gagawin. Hindi na niya kayang pabayaan ang babae dahil akala na ng iba na magkasama sila.

Okay. Hey, miss I'll bring you to my hotel room. I'll let you sleep there for awhile until you will get back to the normal state. Mariin niyang nasabi sa lasing na babae.

Tumango lang ng kaunti ang babae na para bang ipinauubaya na sa kanya ang desisyon habang akay-akay na niya ito sa paglalakad. Napa-iling siya na nakatingin sa babae habang hirap itong ihakbang ang mga paa.

Tsk, Tsk! Sayang siya. Baka na-heart broken lang ito at sobrang naglasing na mag-isa. Kaya nga ayaw kung umibig ng todo! Dapat laging may tira para sa sarili. Bulong ng kanyang isipan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello mga kaibigan. Salamat sa pagsusubaybay niyo sa pangalawang yugto ng kwento ko na pinamamagatang One Night, One Chance. Sana po ay nagustuhan niyo ang tagpong ito.

Titingnan po natin ang mga susunod na kaganapan sa tinutulungan ni Andres na babae. Sino kaya ang babaing ito? Magbago kaya ang pananaw ni Andres sa pag-ibig? Abangan natin sa susunod na mga yugto.

Kung nagustuhan niyo po ang kwentong ito, sana bumuto po kayo o maglagay ng komento. Mahalaga po ito para sa akin. Salamat po ulit.

One Night, One Chance (A Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon