Chapter 3

266 5 3
                                    

Nagising si Diana na nakahiga sa isang malambot na kama. Madilim ang paligid at medyo hilo pa ang kanyang paningin. Kinapa niya sa kanyang kanang kamay ang naaaninag na puting lamp shade. At binuksan niya ang ilaw nito. Nabigla siya ng paglingon niya ay may katabi pala siya sa kanyang pagtulog.

Sheeyt! Nasabi niya ng pabulong sa sarili.

Ang katabi niyang natutulog sa iisang kama ay isang lalaki na hindi niya kakilala. Sino kaya itong lalaki na katabi niya. Mahimbing ang tulog nito. Mestiso, maamo ang mukha at may konting balbas sa ilalim na bahagi ng bibig nito. Matipuno ang pangangatawan at matangkad. Mas bigla siyang nagulat na naka-boxers lang ito na natutulog sa tabi niya. Tsaka pa niya napansin na siya pala ay walang saplot sa katawan at ang tanging nakabalot sa kanya ay ang isang maputing kumot.

Oh, my geee! This couldn't be happening to me. Litong-lito ang kanyang isipan.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gigisingin ba niya ang lalaki at tatanungin kung ano ang nangyari at umabot sila sa ganitong sitwasyon. Mag-iingay ba siya o sisisihin ba niya ito na pinagsamantalahan ang kahinaan niya kaya nangyari ang lahat. Ganun paman wala siyang lakas ng loob para harapin ang lalaki kung magising man ito. Kaya dahan-dahan siyang bumangon at hinanap ang kanyang damit at purse.

Mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng kanyang mahabang buhok sa banyo ng hotel room kung saan nakacheck-in yung lalaki. Tiningnan niya ulit ang lalaki na nakahiga ng bahagya sa kama.

In fairness, ang gwapo niya. Lalo na sa ganitong anggulo na halos hubad na ang buo niyang katawan. Nasabi niya ulit sa sarili habang pinagmamasdan sa huling beses ang aninag ng katawan nito..

Naiisip niya na mukhang naka-jackpot nga siya sa lalaking nakatalik pero takot pa din siya na harapin ang lalaki kung ito man ay magising na dahil unang beses pa ito sa 30 years niyang pamumuhay sa mundo ang magkaroon ng kasiping na hindi man lang niya kilala kahit sa pangalan man lang. Kaya dahan-dahan niyang pinatay ang ilaw ng lamp shade at tahimik siyang lumabas ng kwarto at para bang gusto na niyang makaalis na kaagad at isipin nalang na ang lahat ng ito ay isa lang panaginip.

Tiningnan niya kaagad ang kanyang iPhone na nasa loob ng maliit niyang bag pagkalabas pa lang sa hotel room at nakita niya na may lampas sampung beses na nag-missed call si Clara sa kanya. Nagtext pa ito sa kanya ng mga messages.

Message 1: Bestie, I'm here na at the airport ha. See you in awhile. Hold on.

Message 2: Diana, bakit di ka sumasagot. I'm here na in your hotel room but you're not here. Saan ka?

Message 3: Bessss, ano ba? I'm so worried na. Sumagot ka naman!

Sa dami ng mga text messages ng kanyang bestfriend na si Clara lalong binilisan ni Diana ang hakbang nito sa labas ng hotel kung saan iniwan niya yung lalaki na nakasiping kagabi.

Aninag na ni Diana ang bukang-liwayway. Alas singko na ng umaga. Ang lamig ng simoy ng hangin at ang tahimik ng buong paligid. Halatang tulog pa ang mga tao. May isang matangkad na foreigner lang siyang nakasalubong sa daan na may dalang kape. Ningitian siya nito pero umiwas siya sa sulyap ng lalaking foreigner dahil parang nagpapatanggal lang din ito ng amats sa alak.

Habang naglalakad papunta sa hotel kung saan siya nakacheck-in, pinipilit niyang maalala yung nangyari sa kanya kagabi. Uminom siya ng alak sa isang disco pub na may mga couch and table sa labas sa harap ng dagat. Hinihintay niya si Clara dapat noon. Wala siyang maalala na lumapit sa kanya na lalaki pwera lang sa waiter. Baka naman napasobra na talaga ang pag-inum niya ng alak at hindi niya nacontrol ang sarili kaya siya nalasing. Hindi pa naman siya sanay uminom sa hard drink na inorder niya o dahil nadala lang siya ng galit at puot niya sa walang hiya niyang ex-boyfriend na si Nico.

Nico, ikaw talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Sinira mo ang pagkatao ko. Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos na hihiwalayan mo na ako at ipinalit mo pa sa akin ang isa sa mga pinakamatalik kung kaibigan. Sana magsama kayo sa impiyerno. Bulong niya sa sarili.

Tumulo ang luha sa kanyang pisngi sa masakit na naiisip niya at tila ba nanghihinayang siya kung bakit ang tungkol pa kay Nico ang naaalala niya at hindi nalang ang pagkakakilala doon sa gwapong lalaki na katabi niya lang kanina sa kama. Mas gugustuhin pa niya siguro na malaman kung paano siya napunta sa mga bisig ni Mr. Gwapo.

Nakarating na siya sa pintuan ng sarili niyang hotel room. Binuksan niya ito at nakita niya si Clara na nanonood ng TV habang umiinom ng kape galing Starbucks. Halatang walang tulog dahil sa pag-alala siguro sa kanya.

Diaannnaaa! Sigaw ni Clara ng makita siya sabay tayo sa kinauupuan sa gilid ng kama at tumakbo papunta sa kanya.

What happen to you bes? Sobra akong nag-alala sa'yo. God, sabi ko sa sarili ko kung hindi ka magpapakita sa akin ngayong umaga ay tatawag na talaga ako ng search and rescue team sa dagat at baka nagpakamatay ka na o nilunod mo na ang sarili mo. Sambit pa ng matalik niyang kaibigan habang niyayakap siya.

Umupo muna si Diana sa gilid ng kama at nag-iisip kung paano ikwekwento sa matalik niyang kaibigan ang buong pangyayari ng kanyang gabi. Ano nalang ang masasabi nito sa kanya. Pero mukhang sobra ang tama sa kanya ng alak at nahihilo pa din siya. Gusto niya munang magpahinga.

Clars, if it's okay gusto ko na muna sana magpahinga? Pakiusap niya sa kaibigan.

Sure, sure. Mamaya nalang tayo mag-usap. Ang importante ay nandito ka na at nasurvive mo ang unang gabi na broken hearted ka sa gago mong ex-boyfriend. Mabilis na sabi ni Clara sa kanya.

Humiga siya sa malambot na kama at yapos ang isang malaking unan. Hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Mr. Gwapo. Pagkapikit palang ng kanyang mga mata ay ito na kaagad ang nakikita niya sa kadilim-diliman ng kanyang isip. Ang maamong mukha na mahimbing na natutulog. Gusto niyang dayain ang sarili niya na mapanaginipan si Mr. G at ng sana paggising niya ay hindi na niya maaalala ang lahat ng sakit na nadarama niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hay naku sobrang nakakagulat ang mga pangyayari sa buhay ni Diana. At si Mr. G, magkikita pa kaya sila?

Hello mga friendship, salamat sa pagtangkilik niyo sa pangatlong yugto ng aking kwento na One Night, One Chance. Sana ay nagustuhan niyo po ang yugto na ito. Kung nagandahan po kayo o may iba pang masasabi. Huwag po ninyong kalimutan na magkomento o bumuto sa huling bahagi. Abangan niyo po ulit ang susunod na karugtong. Magandang araw sa inyo!

One Night, One Chance (A Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon