Chapter 7

170 4 0
                                    

Nakatitig si Diana sa bintana ng sasakyan na para bang nakaflash back sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa bakasyon niya sa Boracay.

Naalala niya nung binalikan nila ni Clara ang hotel room ng lalaki. Wala na siya doon. Ayaw din naman sabihin ng front desk assistant sa kanila ang pangalan ng lalaki.

I'm really so sorry ma'am. It's against our hotel policy po ang magbigay ng names ng mga guests namin. Unless po if may iniwan po itong mensahe para po sa inyo. Mahinang boses at pagpapaliwanag ng babaeng nasa hotel's front desk.

It's alright miss. Nagbabakasakali lang kami. Nakangiti pero matamlay na sabi ni Diana sa front desk assistant.

Bigla nalang siyang tinapik ni Clara sa balikat at biglang bumalik ang kanyang pag-iisip sa kasalukuyan.

Hey, Diana. I think hindi na ako papasok pa sa house niyo ha? I'll directly go home and later, I'll drop by sa restaurant to check our business. Pagpapa-alam ni Clara sa kanya.

Sure, Clars. Thank you for everything bestie. I don't know what to do without you. Bigla niyang niyakap ng mahigpit ang kaibigan.

Naku, naku! Huwag ng magdrama. Basta ayusin mo yang sarili mo. Tsaka bukas ka na pumunta sa restaurant. Take some beauty rest. Paalala ng kaibigan sa kanya.

Tumango lang siya at ngumiti sa kaibigan.

Si Clara na kaibigan niya simula pa nung bata pa sila ay hanggang ngayon lagi itong tagapagtanggol niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung wala ito sa buhay niya.

Bumaba na siya sa harap ng kanilang gate at minabuting ipahatid na sa kanilang driver si Clara sa bahay nito.

Bumukas ang pulang gate at bumungad sa paningin niya ang kanilang hardinero na si Mang Boy.

Good afternoon po ma'am Diana. Welcome back. Ako na po ang magdadala ng maleta niyo. Pagbati ng hardinero sa kanya habang kinukuha ang mga dala niyang bagahe.

Hi Mang Boy. Salamat. Andyan po ba si mama? Pangiti niyang sagot sa matandang hardinero.

Naku ma'am, hindi pa po dumating. Pero andyan po yung kapatid niyo. Sagot naman ng hardinero sa kanya.

Pagpasok niya sa kanilang sala ay nakita kaagad siya ni Dorothy. Ang nakababata niyang kapatid.

Ateee! Oh my, hindi ka man lang nagsabi na dadating ka pala today. I thought magtatagal ka sa Boracay with Kuya Nico. By the way, where is kuya? Masayang bati sa kanya ng kapatid habang lumapit ito sa kanya para yakapin siya.

For now Dorie, I don't want to speak with regard to your Kuya Nico anymore. Medyo badtrip niyang sabi sa kapatid.

Okay ate. Nag-away ba kayo? Anyway, if you want someone to talk to. I'm just here ate. I know you can still fix things with kuya. You have been through a lot you know. Pagmamalasakit ng kapatid niya sa kanya.

Sorry Dorie, I don't know if there's still a way to fix things. But like I said, I don't want to talk about him muna. Please tell yaya Lourdes that I don't want to go down for dinner later. Just let her bring a glass of pineapple juice and a chicken sandwich. Thank you. Mahina niyang sabi sa kapatid habang humahakbang na siya sa hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.

Naiwang tulala si Dorie. Napaisip ito kung ano talaga ang problema ng nakakatandang kapatid niya. Masayahin ang ate niya at ni minsan kahit nagkakaproblema ito sa kasintahan hindi ito yung tipo na parang masyadong negatibo.

Haaay, sana okay lang si ate. Napabugtong hininga si Dorie para sa kapatid habang pinagmamasdan ito na papunta sa kanyang kwarto.

Samantalang, pagkapasok pa lang ni Diana sa kanyang kwarto ay bigla na naman siyang napaisip.

Back to the real world na naman ako. Hindi ko kaya na humarap sa madaming tao at magpapaliwanag sa mga magtatanong kung bakit nagkahiwalay kami ni Nico. Dito palang sa bahay nakakapagod ng magsimulang mag-explain. Ano ang sasabihin ko kay mama at kay daddy. Kay Dorie na unang nagtanong kanina. Sumakit ang ulo niya sa kakaisip.

Ganun nalang ba talaga ang mga lalaki? Kung ayaw na, basta nalang nang-iiwan? Hindi ba pwedeng umabiso muna? Parang sasakyan, kahit papano aapakan muna ang break para walang masagasaan. Napaiyak na naman siya.

Binuksan niya ang kanyang laptop at bumungad sa kanya ang mga emails sa inbox niya. May isang email na galing kay Nico Santos. Mabilis niya itong binuksan.

Dearest Diana,
By the time na mabasa mo na itong email ko ay baka nakita mo na ang post ni Angela sa Facebook regarding our engagement. I'm so sorry this has to happen. Ang pagkakamali ko ay hindi ko sinabi sa'yo beforehand na malulugi na yung company namin and it came to me so soon na itong business trip ko sa US, is a way of my parents na ipagkasundo na nila ako kay Angela for marriage. I assure you na fixed marriage lang ito and for me, you are still the one I love. My one and only. Please forgive me Diana..

Love,
Nico

Tumulo ang luha ni Diana. Hindi niya maintindihan ang sarili. Maaawa ba siya o magagalit kay Nico. Parang wala na siyang maramdaman dahil sa sakit na nararamdaman niya at bilis ng mga pangyayari na bumulaga sa kanya.

So ganun nalang? Hindi man lang siya binigyan ng chance na makipaglaban. Kung sa giyera pa ay talo na kaagad siya, hindi pa nga nagsimula ang labanan o dahil hindi niya alam na may labanan na pala.

Nakatingin siya sa monitor ng laptop at paulit-ulit niyang binabasa ang email sa kanya ni Nico. Hanggang sa mapagod ang puso't isip niya.

So, dito lang pala magtatapos ang anim na taon natin Nico? Napakasaya naman ano? Sinayang mo lang ang buhay ko. Mas may deserving pa sana sa panahon at pag-ibig ko. Panglulumo niya sa sarili.

Wala na akong masasabi pa sa'yo Nico. Baka magkasakitan lang tayo kung magrereply pa ako sa mensahe mo sa akin. Hayaan ko nalang at sana mabaon ko kaagad sa limot ang mga taon na ating pinagsamahan. Mariin niyang sabi sa sarili.

Sana kahit papano mahanap ko yung misteryosong lalaki. Sana man lang mabigyan kami ng isa pang pagkakataon na magkita at makapag-usap. Hindi ko alam kung masama o mabuting tao siya pero sana mahanap ko siya. Hindi ko pa alam kung bakit kami pinagtagpo ng tadhana at ayaw ko ng mabuhay sa mga "what ifs".. Kaya isusugal ko ngayon ang kapalaran ko para mag-move forward. Nabaling muli ang kanyang isipan sa lalaking nakatagpo niya ng isang gabi sa Boracay.

Bakit ka nga ba dumating sa buhay ko? Tanong ni Diana sa sarili at tila sa kalagitnaan ng unos sa buhay niya. May nakikita siyang pag-asa..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mukhang nabago na nga ang pananaw ni Diana sa pakikipagrelasyon. Parang gusto na niyang lumaban sa susunod na hamon ng pag-ibig kung magkikita man sila ng misteryosong lalaki. Pero magkikita pa nga ba sila?

Hello mga kaibigan, salamat sa pagtangkilik niyo sa ika-pitong yugto ng aking kwento na pinamamagatang One Night, One Chance. Sana po ay nagustuhan niyo po ang yugto na ito.

Huwag po ninyong kalimutan magvote o mag-iwan ng komento para po sa ikakabuti ng aking kwento. Magandang araw sa inyong lahat!

One Night, One Chance (A Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon