Kabanata 1: Tawag ng Bagong Simula
Maaliwalas ang umaga sa maliit na baryo kung saan matatagpuan ang sari-sari store na pinagtatrabahuhan ni Gian. Naka-upo siya sa harap ng tindahan, nagbabantay habang nilalaro ang kanyang cellphone. Paminsan-minsan ay dumadaan ang mga suki, bumibili ng kung anu-ano-mga paboritong tsitsirya ng mga bata, yosi ng mga tambay, at kung minsan ay mga prutas at gulay na tinda ng pinsan niyang si Ate Liza.
Ilang buwan na ba makalipas syang grumaduate?
5? 6?, Matapos kasi nyang tapusin ang kursong IT(Information Technology) hindi muna sya lumayo sa lugar nila. Yung mga ibang kaklase nya, matapos intindihin ang mga diploma at TOR nagkanya kanya ng alis. Yung iba para magliwaliw, yung iba nagtrabaho, ang ilan nama'y nanatili sa kani-kanilang lugar katulad n'ya.
Hindi naman sya tambay kung tutuusin kasi kinuha sya ng kanyang pinsang si Ate Laiza na matandang dalaga. Ayaw na atang mag-asawa.
Habang nagmumuni-muni, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita ang pangalan ng ate niya sa screen, agad niyang sinagot ito.
"Hello, Ate," bati ni Gian.
"Gian, kamusta ka diyan? Busy ka ba?" tanong ng ate niya sa kabilang linya, may bahid ng pag-aalala ang boses.
"Okay naman po, Ate. Medyo tahimik dito ngayon," sagot niya, pinilit na itago ang pagod sa kanyang tinig.
"Ganun ba? Naku, Gian, may hihilingin sana ako sa'yo," sabi ng ate niya. "Kulang kasi kami ng tao dito sa kainan. May bagong project yung isang malaking kumpanya malapit dito, kaya dumami ang customers namin. Kailangan ko ng tulong mo. Kung maaari, dito ka muna magtrabaho pansamantala habang naghahanap ka ng permanenteng trabaho."
Napatigil si Gian at naisip ang sitwasyon. Malaki ang utang na loob niya kay Ate Liza na halos siya ang nagpaaral sa kanya. Kaya kahit kailangan siya dito sa tindahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng obligasyon na tumulong sa kanyang kapatid.
"Pero Ate, paano si Ate Liza? Kailangan din niya ako dito," tanong niya, medyo nag-aalangan.
"Alam kong malaking tulong ka sa kanya, Gian, pero naisip ko na mas makakatulong ka rin dito sa akin. Isa pa, mas maganda rin kung maghahanap ka na rin ng trabaho dito sa lugar na mas malapit sa mga kumpanya. Mas maraming oportunidad dito."
Tahimik na napabuntong-hininga si Gian. Alam niyang tama ang ate niya. Hindi niya maaaring balewalain ang tulong na ibinigay sa kanya ng pinsan niya, pero kailangan din niyang mag-isip para sa sarili niyang kinabukasan.
"Sige po, Ate. Pumapayag ako. Pero sa isang linggo pa ako makakaalis. Kailangan ko pa kasing ayusin yung mga dapat kong iwan dito," pagpayag ni Gian, bagamat may konting lungkot sa boses.
"Salamat, Gian. Alam kong mahirap ito para sa'yo, pero makakaasa ka na makakatulong ito sa future mo," sabi ng ate niya, bakas sa boses ang pasasalamat.
Pagkatapos ng tawag, tumayo si Gian at tumingin sa paligid ng tindahan. Isang linggo na lang at iiwan na niya ang lugar na ito, kasama ang mga alaala ng simpleng buhay at mga taong nakasanayan niyang makasama.
Naisip niya rin ang mga kaibigan niyang palaging nandiyan, lalo na tuwing gabi kapag nagsasama-sama sila sa tapat ng tindahan para mag-inuman. Kailangan niya silang kausapin at magpaalam.
At ang crush niya-yung palaging bumibili sa tindahan, pero tila manhid sa nararamdaman niya. Ilang beses na siyang nag-react sa mga story nito sa social media, pero parang wala lang. Kahit papaano, alam niyang mapapansin niya itong madalas nakatingin sa kanya, pero hindi niya alam kung may ibig sabihin ba ito o kung nagkataon lang.
Isang linggo na lang, at magsisimula na siya ng bagong yugto sa buhay niya. Ngunit bago ang lahat, may mga bagay pa siyang kailangang ayusin-mga paalam na kailangan gawin at mga damdamin na dapat ilagay sa tamang lugar.
YOU ARE READING
When Path Cross Again
Romance**Short Story Description:** In *When Paths Cross Again*, Gian, a fresh graduate, is forced to reevaluate his life when he takes a temporary job at his sister's eatery in the city. Unexpectedly, he encounters Angelo, the quiet classmate he once conf...