This chapter is translated in tagalog.
Mikhael's POV
Pauwi na kami ni Ayara galing Tagaytay dahil nag-hike kami sa Mt.Tamitam at alas-kwatro na ng hapon. Hindi ako umimik buong byahe at nanatiling tahimik habang nakatuon ang mga mata ko sa daan. Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog si Ayara na nakasuot ng naka-headphones. Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kaninang umaga kaya umiling ako para kalimutan iyon.
Flashback
Ala-syete na nang madaling araw nang magising ako bigla dahil sa may lamok na kumagat sa akin na ipinagtaka ko dahil sinara ko naman ang bug mesh ng tent ko kagabi at napansin ko itong nakabukas ganon na rin ang pinto ng tent ko kaya dali-dali akong lumabas. Nang makalabas ako ay iniunat ko ang aking mga braso at humikab nang mapansin ko na nakabukas ang tent ni Ayara ngunit wala siya ron, nilingon-lingon ko rin ang aking ulo at inilibot ang aking mga mata ngunit hindi ko ito natanaw kaya naisipan kong bumalik nalang muli sa loob ng aking tent para intayin siyang dumating.
Ipinikit ko ang mata ko sandali at bigla na lamang akong-nakatulog.
May mainit na hininga na malapit sa aking leeg na dahilan ng pagkabukas ng aking mga mata at alam kong iisa lang ang nasa isip ko at si Ayara iyon, tinignan ko ito at hindi ako nagkamali. Nakasiksik siya sa leeg ko habang nakayakap at nakatanday ang mga paa sa akin.
Habang tinitignan ko siya ay bigla siyang nagsalita "Matutunaw ako niyan" sabi niya habang nakapikit lang ang mga mata. Nagulat na lamang ako dahil ang buong akala ko ay tulog ito ngunit nagpapanggap lamang pala.
"Sorry" maikli kong tugon habang nakatingin sakanya at unti-unti nitong ibinuklat ang kanyang mga mata.
"Where did you go?" Tanong ko sakanya at kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Naglakad-lakad lang, sarap ng hangin eh, presko" Tugon niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
"Stop looking at me with those eyes" sabi ko sa aking isipan habang nakatitig din kay Ayara.
"Bakit mo ako tinititigan?" Tanong ni Ayara sa akin habang nakatitig din sa akin.
"Ang pangit mo kasi" pagsisinungaling ko na ikinatawa niya.
"Hindi mo ako matititigan nang ganyan kung pangit ako" Tugon ni Ayara at inilapit ang mukha sa akin.
"A-ayara, ayan ka na naman" sabi ko habang inaatras ang aking ulo.
"Bakit?" Tugon niya habang tinitignan ako na may mapaglarong ngiti.
"Kinikilig ka na ba sakin niyan?" Tanong ni Ayara habang tumatawa at iniatras ang kaniyang mukha sa akin.
May kabaliwan na pumasok sa utak ko at naisipan ko itong bawian para asarin pero iba ang kinalabasan.
Umupo ako at pumatong sa ibabaw niya kahit alam kong hindi ko kakayanin ang ganitong eksena ay ginawa ko pa rin para makabawi sa kaniya. Tinititig ko siya nang malalim at itinuon ang aking mata sa kaniyang labi.
"M-mikhael, anong ginagawa mo?" Tanong ni Ayara habang nauutal ngunit nginitian ko lamang ito at unti-unti kong inilapit ang aking mukha.
"T-tabi Mikhael, lalabas na ako" dagdag ni Ayara at iniwas ang tingin sa akin at tatayo na sana ngunit binalik ko ito sa kaniyang pagkahiga.
"Not so fast, Mrs. Ayara Lim" tugon ko at nagpipigil na tumawa dahil sa reaksyon niya na tila namumula na ang mukha.
Tinitigan ako pabalik ni Ayara at biglang hinatak ang damit ko na dahilan ng paglapit ng mukha ko sa kaniya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya na dahilan ng pagkadampi ng labi namin sa isa't-isa; nanatiling magkadikit ang labi namin nang biglang ginalaw ni Ayara ang kaniyang labi at hindi ako nagdalawang isip na galawin ang aking labi. Hindi ko namamalayan ang aking ginagawa nang biglang naglabas na mahinang halinghing si Ayara at napansin ko iyon kaya dali-dali akong umalis sa pagkapatong sa kaniya at umupo malayo sa kaniya.
"I-I'm sorry Ayara, hindi ko sinasadya" Sabi ko habang nauutal at nakatingin sa ibang direksyon.
"S-sorry din Mikhael, hindi ko rin sinasadya" tugon ni Ayara na nauutal din at naupo sa kaniyang pagkahiga.
End of flashback
"We kissed" sabi ko sa aking sarili habang nakahawak sa aking labi.
"Is that..is that even real..hindi ba iyon panaginip?" Tanong ko sa aking sarili at sinulyapan si Ayara na mahimbing na natutulog.
May boses na nagsasalita habang inaalog ang aking mga balikat.
"Mikhael, ano ba, ang hirap mo naman gisingin"
Bigla kong minulat ang aking mga mata at biglang naupo na pawis na pawis.
"What?! Panaginip lang yon? Tsaka bakit pinagpapawisan ako" Tanong ko sa sarili ko na nakatulala habang nakatingin si Ayara sa akin.
"Nagulat naman ako, para kang sinapian" sabi ni Ayara habang nakatingin sa akin at nakatayo.
Napatingin ako kay Ayara at tinaasan ako ng kilay nito at iniling ko ang aking ulo.
"We kissed, right?" Hindi ako nag dalawang isip na itinanong kay Ayara.
"Pinagsasabi mo? Epekto ng pagod sa byahe yan" tugon ni Ayara na ikinalaki ng aking mga mata.
"What?" Tanong ko sakaniya.
"Bingi ka ba?" Tugon ni Ayara na nakataas ang kilay.
"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon, kanina pa masama timpla mo nung ginising mo ako" tugon ko habang nakatingin sa kaniya.
"Wag ngayon Mikhael, may dalaw ako" huling sabi ni Ayara at lumabas ng kwarto.
"What the fuck? Bakit ang init, pinatay ba ni Ayara yung aircon?" Tanong ko sa sarili ko at tumayo para sumunod kay Ayara.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagtungo ako sa sala dahil alam kong nandoon siya at hindi ako nagkamali.
"Bakit nakapatay ang mga aircon?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya.
"Obvious ba? Malamang brown out, hindi ka siguro marunong magbayad ng kuryente" tugon ni Ayara na hindi nakatingin sa akin.
"Sungit" tugon ko nang mahina pero narinig iyon ni Ayara at tinignan ako nang masama.
"Hindi ako nagluto, maghanap ka ng makakain mo" sabi ni Ayara habang gamit ang telepono.
"Okay" simpleng tugon ko at nagtungo sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Ayara na nakabihis at tila aalis ng bahay.
"Where are you going?" Tanong ko ngunit hindi ako inimik at hindi tinignan nito.
"Ayara?" Dagdag ko ngunit hindi talaga niya ako pinapansin.
"Ah ayaw mo akong pansinin ah" sabi ko at nilapitan siya sabay itinulak sa dingding nang mahina dahil ayoko siyang masaktan.
"Aray ko Mikhael, magdahan-dahan ka naman, ano bang problema mo?" sigaw na tugon ni Ayara sa akin.
"When I'm talking to you, wag mo ako binibigyan ng attitude mrs. Ayara lim" tugon ko habang nakatingin sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakaniya.
"Kakain sa labas" tugon ni Ayara habang nakikipag tinginan din sa akin nang malalim.
"I'm going with you, let's have dinner together" nakangiting tugon ko at inalis ang mga braso ko na nakaharang kay Ayara.
"May kasama ako" tugon ni Ayara habang nagsusuot ng heels dahil naka-dress ito, napataas ang kilay ko sa sinabi niya sa akin.
"May kasama? Who?" Tanong ko.
"Aki" tugon ni Ayara at agad na lumabas ng condo at iniwan akong nakatayo lamang.
"Aki again" sabi ko sa aking sarili habang nakatulala.
______________
Hi readers, kindly follow my TikTok account nasa bio ko, gagawa ako ng au and oneshot au ron kapag sinipag ako or kapag may oras ako. Thank you for 5k reads:) - Author
YOU ARE READING
The Arrange Marriage
Fiksi PenggemarForced into matrimony by familial obligations, Mikhael and Ayara must navigate their unexpected same-sex union. As they confront their complicated pasts, will they allow love to blossom, or will resentment consume them? Warning: triggering/matured c...
